Chapter 9--- Warfreak

236 8 0
                                    

"Here's your order sir, enjoy" sabi Haru after nyang iserve yung order nung customer.

Mag dadalawang oras na nga kami dito eh, wala namang unusual na nangyayari eh, at halos maubos na ni Murasakicchi yung mga tindang sweets dito kakaorder nya.

"Ahhh, I'm bored, it looks like nothing's going to happen naman."say ni Tsukino

"ginawa nyong entertainment si Haru" sabi ko.

"hmm, I thought she would make commotion ulit kapag inutusan sya ng customers eh" sabi ni Megumi. Ang weird puro conyo talaga silang mag kakaibigan.

"Kise-kun" sabi ni Kurokocchi na parang gulat na gulat. Napatingin kaming lahat kung san sya nakatingin. At kahit ako nagulat din.

"Haizaki" inaasahan kong makikita ko sya ulit, pero I didn't expect na ganito kaaga.

Papunta sya dito sa coffee shop. Napabuntong hininga na lang ako.

"Pakiusap lang, wag na sanang mabanggit pa si Haru, sa magiging usapan" sabi ko sa kanila. Ayoko kasing madamay pa sya, hindi sya kagaya nung mga naging girlfriends ko noon, na okay lng kung maagaw ng iba, I'm ready to kill just for her, call me crazy but that's how it is.

"Oh may meeting pala ang Generation of Miracles"bati ni Haizaki pag lapit nya sa lames namin.

"Oo, at since hindi ka member umalis ka na" sabi ni Akashicchi.

"Aw wag ka naman ganyan magsalita captain" sabi nya sabay apak nung isang paa nya sa upuan. Hay wala pa din syang pinagbago.

"Ano bang kailangan mo?"tanong ko sa kanya.

"Matagal tagal na tayong hindi nag kikita Kise" sabi nya,

"Oo simula nung natalo kita nung winter cup hindi ka na nag pakita" sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag alala, pag babayarin kita sa ginawa mo sa'kin may interes pa"pag babanta nya. Nag sindi sya ng sigarilyo sabay tumawa. Natawa naman ako.

"Aantayin ko yung araw na yun"pagtanggap ko sa hamon nya.

"Sya nga pala Kise, ang dami nyong magagandang chicks dito ah, alin ba sa kanila yung girlfriend mo?" Tanong nya sakin saka nya ko tinignan, yung tingin na ginawa nya nung iniwan ako ng girlfriend ko dahil sa kanya.

Natawa naman ako.

"Wala kong girlfriend" sabi ko na lang

"Wag mo nga kong pinaglololoko, ikaw mawalan ng girlfriend? Bilis wag mo nang itago, maaagaw at maaagaw ko din naman sya sayo. sya ba?"sabi nya sabay kindat kay Yumi.

"Subukan mong lang, I'll kill you" sabi ni Akashicchi.

"Woah sorry ah girlfriend pala ni captain" sabi ni Haizaki, inirapan lang sya ni Yumi.

"she's not my gielfriend"sabi ni Akashicchi, tumawa lang tong si Haizaki

"Sino ba kasi Ryota? Atat na kong gawin sa kanya yung mga ginawa ko sa past girlfriends mo na napunta sa'kin"  sabi nya. What the?? Tinignan ko sya ng masama, kapag naiisip ko pa lang kung anong pwede nyang gawin kay Haru, nag iinit na yung ulo ko.

"Sir, paki tapon naman po yung cigarette nyo, no smoking area po kasi dito" sabi nung isang waitress. Nakita kong nanonood na din si Haru and parang confuse sa mga pang yayari.

"Ah pasensya na ah ah, papatayin ko na" sabi nya. Pero wala talagang magagwang matino to sa buhay, he used the table as an ashtray. Medyo parang natatakot na din yung ibang customers dahil sa kanya. He faced that waitress tapos tinignan nya from head to toe.

The Prince & The Witch [Kuroko no Basket Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon