Chapter 5---I fell in love

457 7 0
                                    

Ryota's POV

oh himala nagkaron ng POV. thanks author ah.

Oh alam nyo ba kung asan ako?

andito lang naman ako sa harap ng bahay nila Haru, tss gusto ko sanang pumasok kaso alam kong automatic ang radar sa loob ng bahay nila, bawal ang gwapo.

Well, Oo na isa lang yun sa dahilan, pero yung totoo automatic talagang naglalabasan yung mga patibong ni Avril pagpapasok ako dyan.

Tsk. ang laki ng galit sakin nung babaeng yun, ayaw kasi akong pakinggan. Napailing na lang ako habang nagiisip dito sa may kotse ko. Mabuti pa si Avy pinakinggan muna ko bago  ko pagbintangan, napakajudgemental. naku kung hindi ko lang kaibigan yun.

Anyway may improvement na kay Haru, naalala nya na yung mga kabasketball team namin. Nung hindi pa sya naaksidente naglalaro sya kasama namin, kami ang mag partners. Kung si Kurokochii and Kagamichii yung tinatawag na light and shadows, kami naman ang so called the copycat and the the manipulator. Alam nyo naman siguro na ako yung tinaguriang 'the copycat', sya naman yung tinatawag na  'the manipulator' bakit the manipulator? kasi right from na very start nakaplano na nya lahat ng mangyayari bago pa man mag umpisa yung game. Lahat ng ikikilos ng bawat isa planado na, ultimo pagkakamali ng mga teamates namin kasali sa plano nya.  Magaling din sya mag laro, she has the same gameplay and skills gaya ko. She can perfectly copy any skills and make them as their own.

Recently parang nagsusurface  na yung dating Haru, may pagkamaldita, brat, coldhearted and may pagkabitch. Pero wala kong magawa kahit ganyan pa yan,mahal ko eh. tinamaan na nga po ng lintek, oh wag kayong magtaka natutunan ko yan kay Aominechii.

Hay hanggang ngayon iniisip ko pa din, kung hindi siguro naaksidente si Haru, ano na kaya kami? Kasal na kaya kami? kami pa kaya? Break na ba kami? (wag naman sana).

Napatigil ako sa pagmumunimuni nung may narinig akong kumakatok sa bintana ng kotse ko.

"Magasgasan yan ah, mahal pa yan sa kamay mo" sabi ko. Napasimangot naman sya tsaka nag pout. Natawa naman ako. Bumaba ako ng kotse tapos hahalikan ko sana sya sa pisnge kaso umiwas sya. 

"Ang matampuhin naman ng misis ko" sabi ko sa kanya. She just glared at me.

"Misis your face!! Ibang klase ka, mahal pa sa kamay ko yang salamin ng kotse mo? bat di mo pa nilubos, di pa sabihing mas mahal pa sa buhay ko. hmp." sabi nya sabay cross arms.

Napangiti naman ako sa pagiging sensitive nya. 

"Sorry na" sabi ko sabay *chu~~♥* hinalikan ko sya sa lips. Nakita ko naman na nagulat sya sa ginawa ko. hehehe ang cute nya talaga.

"P-pervert!!" sabi nya sabay tap slightly sa chest kong macho. hahaha. totoo naman ah, laki kaya ng muscles ko.

"Asus, pwedeng kiligin Haru. Alam mo siguro sa kamay mo may tutumbas pa, pero sa buhay mo? wala na." sabi ko sa kanya sabay wink. pa-punchline pa sana ko nung bigla nya kong sinampal slightly lang naman, alam nya sigurong iniingatan ko yung gwapo kong mukha.

"h-ha ha ha" natatawa nyang sabi.  "ewan ko sayo!" sabi nya sabay pingot sa ilong ko.

"Aray!!" sigaw ko. Aba sinong hindi mapapasigaw eh ang sakit nya mangurot, kelan pa naging sadista mahal ko?? tss, napasama ang pagkakaumpog nya nung naaksidente, bukod sa lalong lumala ang pagkamaldita at pagkabrat nya, lahat na ata halos tinatarayan, naging mapanakit pa. hay! kung hindi ko lang talaga to mahal, kung hindi lang to yung buhay ko, ewan ko na lang. hahaha! pero syempre joke lang, kahit mataray pa to, cold hearted, pusong bato or pusong cheesecake, (ehem.. it's just a common expression, it's not like gayish or something) mahal ko to.

The Prince & The Witch [Kuroko no Basket Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon