PAGPATAK NG GABI, UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN.madilim ang paligid at maulap ang kalangitan kaya wala kang matatanaw na bituin sa kalangitan.
isang malamig na hangin ang dumampi sa aking balat na siyang nagpakilabot sa buong sistema ko.
huminga muna ako ng malalim at inayos ko ang soot kong jacket at yinakap ang aking nangangatog na katawan.
kahit na alam kong sobrang dilim dala ng ulap, natatanaw ko parin ang lugar kung saan lumubog ang araw.
kasalukuyan akong nakatayo sa isang bangin upang tanawin ang paglubog nito. nakagawian ko na itong gawin noon.
noong wala pa akong nalalaman. noong wala pa akong maramdaman na takot o kaba sa dilim.
pero ďahil sa pangyayaring iyon. nagbago ang aking pananaw at lahat ng alam ko mula pa noon ay tila naging kasinungalingan.
lahat ng pinaniniwalaan ay nabaliwala sa kadahilanang namulat na ang aking mga mata sa katotohanan.
lahat ng tapang ko ay nawala at napalitan ng takot. lahat ng tiwala ko ay napalitan ng pag-aalinlangan at kaba.
kaya kahit sarili ko ay hirap kong pagkatiwalaan. dahil lang sa pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
The TRUTH {on hold}
Mystery / Thriller==ON HOLD== Paano kung manyari ang imposibleng bagay Bagay na kailan man ay hindi mo naiisip Haharapin mo ba ang katotohanan? O tatakbo ka na naman?