IKAANIM NA KABANATA

26 8 0
                                    



Merhiza POV

Nandito ako ngayon sa isang lugar na sobrang pamilyar. Isang kastilyo sa ibabaw ng ulap. Puting kastilyo na napapalibutan ng hamog.

Ubod ng elegante ang lugar nito ngunit mapapansin mong walang buhay. Nakasunod lang ako sa batang espiritus.

"maligayang pagbabalik kamahalan" natigilan ako ng may magsalita sa harap ko. Isang lalakeng hinding hindi ko makakalimutan.

"e-enzo?" nauutal na tanong ko

"ipagpaumanhin niyo po kamahalan, ngunit kayo'y nagkakamali" magalang na sambit niya

"hah? Ikaw si Enzo, hindi ako pwedeng magkamali" naiiyak na sambit ko

Pagkasabi ko non ay tiningnan niya ako ng deritso sa aking mga mata

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko

"ang mga mata mo..." ako

"ako po si Coren kamahalan" sabi naman niya

Ngayon ay natitiyak kong hindi nga siya si Enzo. Ang mga mata niya ay kulay abo. Malayong malayo kay Enzo.

"alam kong marami kayong katanungan kamahalan, ihahatid ko po kayo sa lugar na pwedeng makasagot sa inyo" sabi naman ni Coren

"ahm, teka yong bata" sambit ko naman at luminga linga. Ngunit wala na ang batang espiritus.

"tayo na po"-Coren. At nagsimula na siyang maglakad.

Sumunod nalang ako sa kanya. Bawat hakbang ko sa malamig na sahig and nakikita kong nagyeyelo ito.

Ramdam ko sa aking paa ang lamig at hindi ko mawari kong anong ibig sabihin nito.

"Nandito na po tayo kamahalan"-Coren

Napatingin ako sa harap. isang higanteng pinto ang nakikita ko. Isang pinto na gawa sa pilak.

"aalis na po ako" sambit ni Coren habang nakayuko.

"paano na-" naputol ang sinasabi ko ng Makita kong naglaho na sa paningin ko si Coren.

Espiritus rin ba siya? Maputla rin ang kanyang balat gaya ng sa bata kaya malamang ay magkapareho sila

Tumingin naman ako sa pinto sa harap ko

Paano ko ba ito mabubuksan? Akmang hahawan ko nan g unti-unti itong bumukas. Nabigla ako kaya naman ay napatakbo akong pumasok sa loob at

*toooooook* tunog ng sumaradong pinto.

Biglang sumara ang pintuan at doon ko napagtantong madilim ditto sa loob. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag.

Kinuyom ko ang palad ko at gumawa ng ilaw at sinaboy ko pataas upang kumalat ang ilaw

Nang magliwanag na ang paligid ay nakita ko na ang kabuuan ng silid. Malawak ito at may malaking hagdan sa gitna.

Ng dumako ang tingin ko sa pader ay nakita ko ang isang napakalaking larawan.

Larawan ko, katulad ito doon sa Kastilyo kung saan ako nagising. Ang pinagkaiba lang ay doon isang batang babae. Ang nandito naman ay larawan ko mismo sa ganitong edad.

Kung titingnan ay parang nakarap ako ngayon sa salamin ang pinagkaiba lang ang nakasuot at ditto ng eleganteng puting blusa. Pero hindi ako pwedeng magkamali

Alam kong ako ang babae sa larawan, anong ibig sabihin nito?

Lumapit ako sa larawan at hinawakan ito ng

The TRUTH {on hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon