CHAPTER 1

2.9K 56 42
                                    

AUTHOR'S NOTE: Feel free to comment/vote guys. :) xx


"Bakit ka umiiyak?" nag-aalala tanong sakin ng ate kong si Anna. "Ate, iniwan na niya ako". Sabi ko sakanya habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga katagang yun, niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi ng "Eleanor, magiging okay ka din. Nandito lang ako ah? Hinding hindi kita iiniwan." Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Ang sweet ng ate ko noh? Kaya nga mahal na mahal ko yun eh. Nang marinig ko ang mga salitang yun galing sa mga labi niya, naisip ko bigla, malas man ako sa love life, ang swerte ko naman sa kapatid. 

 Sa totoo lang, hindi ko naman priority talaga ang love life eh. Nag-aaral ako ng mabuti. Sa katunayan nga, mas focused ako sa pag-aaral ko kahit nung kami pa ni Gino. Siguro kaya masakit sa akin ang pag-alis niya kasi siya yung lalakeng sobrang nakakaintindi ng mga priority ko sa buhay. Hindi siya nagagalit kung matagal ko siya maitext kasi nagrereview ako para sa mga exams ko. Siya yung lalakeng naiintindihan kung bakit mas priority ko ang pamilya ko kaysa sa kanya. Hindi niya ako pinilit na palagi kaming magkita kasi alam naman niya na medyo strict ang ate ko simula nung mawala ang mga magulang namin. Umabsent na nga si ate sa trabaho niya dahil sakin. Lumipas ang ilang oras pero nanatili kaming ganun ni ate. Ako, nakasandal sakanya habang siya nakayakap sa akin. Hindi ko na pinigil ang pag-iyak ko. Ang sakit kasi naman talaga. Ang sakit ng basta-basta ka nalang iwan sa ere. Yung 7 years namin ni Gino biglang nawala ng parang bula. 

Sa ngayon, hindi ako galit kay Gino kahit basta-basta nalang siyang nawala. Ang akin lang kasi, ang hirap mag move on lalong-lalo na kung alam ko sa sarili kong siya na talaga ang lalaking gusto kong makatuluyan. Ay! Oo na, medyo cliché at corny noh? Siguro habang binabasa mo to napasabi ka siguro ng "Hay naku! Ito na naman ang mga babae. Bakit palaging iniisip nila na yung boyfriend nila ngayon ( in may case, yung –ex boyfriend ko) ay si The One na. Ay char! Taray ng The One noh? Parang Goldilocks lang ang peg. Pero di nga, sa 7 years namin, hindi ka talaga mag-eexpect na ganun ang kahahantungan ng estorya naming dalawa.

Tumigil na ako sa pag-iyak. Napagod na din ako. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa kakaiyak buong maghapon. Alam ko namang kahit anong gawin ko, hinding hindi na talaga ako babalikan ni Gino. Sa 7 years namin, kilalang kilala ko na siya. Siya yung tipo ng lalaking pag nag decision, paninindigan niya kahit anong mangyari. Hindi basta-basta magbabago ang isip niya.

Tinanong ako ni ate sabi niya"El, sabihin mo sa akin, ano ba ang nangyari?". Hindi ko alam saan magsisimula. Hindi ko alam paano sasabihin ang lahat kasi ang tanging alam ko lang ngayon, mahal ko parin si Gino at ang sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit na halos nahihirapan na akong huminga. 

 Alam mo dati sa tuwing sinasabi ng ibang tao na hindi daw sila makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman nila, hindi ako naniniwala. Parang ang exaggerated kasi eh. Pero nung iniwan ako ni Gino, ngayong naalala ko parin ang mga sandali naming dalawa, napatunayan ko sa sarili kong totoo nga ang sabi nila. Sa sobrang sakit parang nabasag ang buo mong katawan. Parang kahit anong super glue mo or mighty bond mo para ayusin ito, hinding hindi na siya didikit pang muli. Sa sobrang sakit parang hindi ka na halos makatayo at makabangon sa higaan. Ang tanging gusto mo lang ay kainin kang buhay ng kama mo. Ang tanging gusto mo ay mawala ka na rin bigla gaya ng pagkawala ng taong mahal mo.

Mga Rason Kung Bakit Mo Ako IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon