CHAPTER 2

962 13 0
                                    



Author's note: Guysss ito na ang continuation. Sorry natagalan. Sana patuloy nyo parin tong basahin. :)



  Kinabukasan, ginising ako ni ate. "Eleanor, kaya mo na bang pumasok ngayon?" usisa niya. Hala! Oo nga lunes nga pala ngayon at may pasok kami! Ano ba naman yan parang siraulo na ako neto eh, wala akong ibang maisip kundi si Gino. Hay naku! Tumaas na naman ang kilay mo ano? Oo na, mahal ko siya at hello hindi basta-basta ako makakamoveon sa kanya lalong-lalo na kung hindi pa naman kasi nag-iisang buwan ang nakalipas.

 Tila nabasa ni ate ang nasaisip ko at bigla niyang binawi ang sinabi niya. "El, wag ka nalang kayang pumasok muna. Alam ko hindi mo pa kaya. Dito ka nalang muna sa bahay ha? Total naman hindi ka naman mahilig umabsent. Maiintindihan din yun ng mga teachers mo." Magkahalong lungkot at pag-aalala ang mararamdaman sa kanyang tinig."Ate, salamat sa pag-intindi mo ha? Sorry kung medyo wala ako sa sarili." putol-putol na pagsagot ko sakanya. 

Ayan na naman! Bumabaha na naman ang mga mata ko ng luha. Hay nako! Kung iba pa siguro ang ate ko, matagal niya na ako hinampas sa ulo at sinabihang wag nang magdrama dahil hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Buti nga iba si ate sa karaniwang nakakatandang kapatid.

 Si ate yung iintindihin ang sitwasyon kahit medyo mahirap nga namang maintindihan. Hinding hindi siya magsasalita ng basta-basta kung hindi pa niya alam ang lahat ng nangyari. Hindi rin siya napapagod na ipaalala sayo na nanjan lang siya at mahal na mahal ka niya. 

 Minsan nga naisip ko, bakit kaya walang boyfriend ang ate ko? Madami naman siya manliligaw. Gwapo din naman sila, matalino at may kaya. Hindi ko alam bakit wala parin si ateng ninasagot maski isa sa kanila. Well, siguro nga blessings in disguise ang pagiging single ng ate ko. Kasi tignan mo, kung may boyfriend siya, eh baka palagi lang silang magkasama. O di kayay palaging nakabuntot ang boyfriend kung saan man siya pumunta. 

Maganda din kasi naman talaga ang ate ko. Hindi siya maputi, hindi rin sobrang itim. Siya yung typical na morenang pilipina. Ako naman, may kaputian ng konti sa kanya. Siguro dahil medyo maarte din kasi ako. Mahilig akong magpaganda. Mag lotion. Siya, walang kaarte-arte sa katawan. Sa wakas ay pumasok si ate sa trabaho niya. Pinilit ko talaga siya kahit ang gusto niya ay samahan muna ako dito sa bahay hangang maging okay na daw ako. Sabi ko naman sa kanya na mas magiging okay ako kung hindi niya papayagang maisturbo ko ang trabaho niya. 

Hindi na rin si ate tumanggi, kasi alam niya hindi ako titigil hanggat hindi siya pumasok sa trabaho niya. Alam ko din kasing kailangan ko muna mapag-isa. Gusto ko muna makapag-isip-isip at siguro mag-reflect sa buhay. Habang hinihintay kong umiwi ang ate ko, wala akong ibang ginawa sa bahay kundi humilata lang sa kama at mag-inisip kung bakit kaya niya ako iniwan? 

Bakit ba nagawa ni Gino sa akin yun? Sumakit na ang ulo ko sa sobrang dami ng tanong sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Gusting gusto kong tawagan si Gino. Gustong gusto kong tanungin siya. Gusto kong marinig ang boses niya. Bago ko pa mai-dial ang number niya, itinabi ko agad ang cellphone ko. 

Ano ba naman yan Eleanor?! Iniwan ka na nga ng tao, may plano ka pang tawagan siya?! sabi ko sa sarili ko. Oo nga noh? Bakit ko pa ba ipipilit ang sarili ko sa kanya. Iniwan niya na nga ako.  

Mga Rason Kung Bakit Mo Ako IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon