Chapter 11. Plan

682 49 2
                                    

Chapter 11: Plan.

........

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Dalawang araw na akong tunganga sa bahay. Nag leave kasi ako ng 1week sa work dahil sa nangyaring insidente nung gabing yon at para makapagpahinga narin. Nag sub naman sa akin si Mr. Park kaya ayos lang na iwanan ko na muna ang Bangtan.

Atsaka isa pa , hindi ko alam ang gagawin ko matapos ang pangyayaring yon. Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula dahil sa gulong dinulot ng gabing iyon. Siguro gulong gulo na ang mga isip nyo kung ano ba talaga ang mga nangyayari .

Ang totoo , wala talaga akong amnesia. Oo , nagpanggap nanaman akong hindi ko sila maalala . This time , hindi dahil takot ako kung anong maaaring mangyari. Kundi galit ako sa kanila. GALIT AKO KAY JEON JUNGKOOK.

Tumayo ako sa kama at naghanda ng damit na susuotin ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nagayos lang ako ng onti atsaka lumabas na muli ng bahay. Pagkatapos ay sumakay na ako ng taxi . Alas-4 na ng hapon kya hindi na ganoon kainit.

Nang makarating ako sa lugar na pupuntahan ko ay agad akong pumunuta sa pinaka pakay ko. Nilapag ko sa puntod ang bulaklak na binili ko kanina at ilang kandila din ang tinirik ko. Nag indian sit ako sa damuhan para mas maging komportable ako sa pag upo.

Pinagpagan ko ng onti ang nitso nya. "Kamusta ka na , Anak ? Matagal tagal na simula nang dumalaw ang mommy dito. Mabuti nalang at inaalagaan ka nung tiga bantay rito."

Im here at Jaja's grave. Siguro kung buhay pa sya hanggang ngayon , 2 years old na sila. At magkalaro sila ni Jamela. Ibibili ko sya ng ibat ibang laruan at mga damit. Kakain kami ng mga paborito naming mga pagkain at maggagala kung saan saan. But she's already in heaven. Kasama ang mga grandparents nya.

"Alam mo ba , nagkita kami ng Daddy mo. Ay hindi. Hindi mo pala sya daddy. Wala syang kwentang ama. Hindi ka nya anak. Kasalanan nya kung bakit ka nawala."

1 year. 1 Fucking year of my fucking life . Sinayang ko lang yon para kay Jungkook. Nagpakatanga at nagpauto sa walking ilong na yon. Sa loob ng dalawang taong yon , naranasan ko lahat ng kamalasang pwedeng mangyari sa isang tao. Naranasan ko lahat ng paghihirap na alam kong hindi ko naman deserve.

Like any other couple , nagsimula kami ng masaya , sweet and I always feel protected everytime he is around. Lalo na nang malaman namin na magkaka baby na kami. Mas lalong tumibay ang bond naming dalawa sa isa't isa. I felt like im the happiest woman in earth. Mahal na mahal namin ang isat isa at wala nang makakapaghiwalay sa amin. Pero hindi nagtagal , nagsimula nanaman kaming pag laruan ng tadhana.

"Ate ate ... bili na po kayo ng sampaguita " napatigil ako sa pagmomonologue nang may magsalita sa gilid ko. Nilingon ko sya. Iisang batang babae na may hawak ng bungkos ng sampaguita. Marungis sya at may mga punit na ang mga damit nito. Mukhang nasa 6-7 years old na sya.

"Magkano ba yan ?" Tanong ko sa bata. Agad syang ngumiti dahil alam nyang bibili ako.

"Limang piso isang tali po !" Nginitian ko sya at kumuha ng sikwenta sa wallet ko .

"Bigyan mo ako ng isa. Sayo na ang sukli " inabot nya sa akin ang isang tali.

"Mukha pong may problema kayo. Tandaan nyo lang po na wag hayaang mangibabaw ang emosyon nyo sa pagde-desisyon. Magiging okay lang rin po ang lahat " napabilib ako sa bata. Ang matured na nya magisip kumpara sa edad. Nya. Mukhang matalino sya pag laki nya.

"Asaan nga pala ang mga magulang mo ?"

Umupo sya sa tabi ko. "Wala na po sila. Namatay po sila sa isang aksidente. Nag away po kasi sila. Akala ng mama ko niloloko sya ni Papa. Nung sinusundan ni mama si papa , nakita ni papa na may sasakyan sa harapan ni mama kaya hinabol nya si Mama kaya pareho silang nabunggo." Mahaba nyang paliwanag. Nakatingin lang ako sa kanya. Naaawa ako sa bata. Sobrang bata nya pa para sa mga bagay na ganon. Bakas sa mukha nya ang pagiging inosente nya.

BOOK 2: She's What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon