Special Chapter : Joyce

515 36 6
                                    

More than two years ago ...

"Oh , uminom ka muna ng tubig." Inabot sa akin ni Jungkook yung baso na may lamang malamig na tubig at pinaupo ako sa sofa. "Magpahinga ka nalang kaya muna? Baka mapagod ka. Masama iyon sa inyo ni baby . Parating na rin naman sila hyung. "

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nilapag ko iyon sa lamesita sa harapan ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan yung kamay nya. "Hindi naman nakakapagod. Puro magagaan lang namana ang inaayos ko. Ayos lang ." Ngumiti ako sa kanya.

"Sigurado ka ?" Bakas ang pag aaalala sa mukha nya. Bahagya akong napangiti. Kinikilig ako dahil sa concern nya. Pinisil ko yung ilong nya.

"Ang sweet talaga ni Mr. Jeon Jungkook ! Kaya ko naman . Kesa naman tumunganga lang ako dito."

"Osige. Basta pag napagod ka , huminto ka na , huh ?" Tumango tango ako at ngumiti. Napalingon kami sa pinto nang may nag doorbell.

"Andyan na ata sila. Teka , pagbubuksan ko lang ." Tumayo na sya at pumunta na sa pintuan. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. It is a small house inside an exclusive subdivision.

1 month after kong malaman na buntis ako ng two weeks ay nagpasya kami ni Jungkook na magrenta ng bahay. Mas gusto naming humiwalay sa dorm nila dahil ayokong alagaan pa nila ako doon. Ayoko namang maging pabigat sa kanila. 2 months palang naman si baby sa tyan ko kaya naman hindi pa hassle .

Kasalukuyan kaming naglilipat ng gamit. Mga gamit ko lang naman ito at konting damit ni Jungkook. Hindi naman sya palaging titira rito dahil busy sya bilang isang kpop idol.

Ang mama ko naman ay busy sa pinapatayo nyang business. Ang bagong tayo nyang Barbecue house. Maganda ang feedback ng tao sa business nya kaya naman padami ng padabi ang customer nya. At halos hindi ko na sya makausap. Ayoko na din namang makadagdag sa isipin ni Mama. Pero nangako naman syang dadalaw sya rito sa akin paminsan minsan .

"Hi there Joyce . How are you feeling ?" Lumapit si Namjoon at tumabi sa gilid ko.

"Im fine. Mabuti at hindi na ako nakakaranas ng morning sickness" Sinasabi ko iyon habang sinusundot sundot yung dimples nya.

"That's good for you. Nagku-kwento kasi si Jungkook sa amin , ibang klase ka daw pag inatake ng morning sickness sa umaga ! " nagtawanan silang lahat habang unti unti silang nakukumpleto sa sala. Pakiramdam ko kuminang yung mata ko nang makita sila.

Pinaglilihian ko ang buong Bangtan. Except for Jungkook, ang weird no ? Lahat sila gustong gusto ko , na minsan kinase-selos ni Jungkook. Pa'no , eh mas sweet pa daw ako sa mga hyung nya kesa sa kanya. Hihihi ~

"Kumakain ka ba ng tama sa oras ?" Jin . Inabotan nya ako ng apple at agad ko namang kinain. Tumango tango ako.

"Uhuh , As much as you do." Natawa sya at ginulo ang buhok ko.

"What about your vitamins ?" Suga. Nakaupo lang sya sa single seater sofa katabi ni Jimin na naka upo sa sandalan ng inuupuan nya.

"Yes , boss. " nakatingin lang sila habang ako , busy kumain ng mansanas.

"Stop staring ! Baka matunaw ang mag-ina ko. " tinago ako ni Jungkook sa likod nya. Natawa naman ang mga hyung nya. "Lets get to work. Para matapos na ito."

"Hhuwag ka mag-alala. Hindi namin sya aagawin , Jeon." Jimin. "Diba Taehyung ?" Nakitawa nalang ako sa kanila at napailing. Mga loko talaga. Dinamay pa si Tae Tae.

"Sige na. Trabaho na tayo. Tapos chibog tayo after." Hoseok . Nagsimula na silang magtrabaho. Humarap na si Jungkook sa akin.

"Doon ka nalang sa kwarto. Itupi mo yung mga damit natin sa drawers. Tapos matulog ka na diretso , hmm ?" Tumango ako sa kanya at kiniss sya sa pisngi. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto.

BOOK 2: She's What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon