Smile. (Captured Sequel)

2.4K 85 27
                                    

A/N: Guys! Kung hindi niyo pa po nababasa yung Captured. Basahin niyo na ha! Dali! Sequel kasi ito ng Captured eh. Wiee! GoodLuck na lang sa akin kung magustuhan ninyo. Haha. Sige! Enjoooy!

    ****

SHARLENE'S P.O.V

Nasa Reception na kami ng kasal ni Jairus at Mika ngayon, may part pa rin na masakit sa akin pero kailangan maging masaya ako para sa kanilang dalawa. Ako kasi itong hindi naniniwala sa happy ending eh, ayan tuloy, hindi nga nangyari sa akin!

"Girl! Buti na lang talaga sumama ako sa'yo. Ang daming artista dito, gusto ko ng magwala!", pabulong na sabi sa akin ni Alex. For the first time, bumulong siya hah.

"Natural lang 'yun! Kasal ng artista eh. Mga artista din aatend."

"Buti na lang at Best Man si Nash, ang gwapo-gwapo niya. Kotang-kota ako! Sana naman huwag muna siyang ikasal."

"Tumigil-tigil ka nga Alex, may boyfriend ka na. Saka sinong may balak magpakasal dyan kay Nash na yan? Gwapo nga. Hindi naman marunong ngumiti.", pinicturan ko ng stolen si Nash. As usual, poker face na naman.

Si Nash? Artista din yan. Siya nga yung ka-loveteam ni Miks nung bata pa lang sila. Mag-bestfriend yan. Pero dahil nga si Jairus na yung ka-partner ni Miks lately, naging kontrabida na lang sa lovestroy nila ang role niya. Sayang nga sila ni Miks eh, lakas din ng chemistry. Pero mas malakas kapag kay Jai at Miks na.

Lumapit na kami ni Alex kay Nash, syempre dapat may solo picture din ang Best Man. Ito namang Alex na ito, kilig na kilig. Sasabog na! Faneyney din kasi siya ni Nash eh. Gustong-gusto na siguro nitong tumili!

"Sir! 1...2...3...", as usual, walang kwenta yung pic na nakunan ko. Walang emosyon eh. Kilalang-kilala na rin ang Nash Aguas sa showbiz industry na lalaking naka-poker face palagi. Kaya ang laging role nito ay Mr. Suplado o kaya yung resident Badboy eh, hindi ko nga alam kung bakit napakarami niyang fans. -__-

"Sir! Konting smile naman po dyan oh! 1...2...3...", ayon lang! ngiting pilit. Sus! Pwede na ito kesa sa mga pic na walang emosyon yung mukha niya.

"Sir! Sa susunod, smile po ah. Wala naman pong masama.", nginitian ko siya bago maglakad, pero ang ganti pabalik niyan, *walang pake look*. Pati sa mga photoshoot eh, siya ang pinakamahirap kunan. Jusmeyoo! Bigti na ako.

Smile. (Captured Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon