Chapter II

1K 39 2
                                    

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. He just  left me without saying anything. Sino ba namang hindi mag-iisip kapag sinabihan ka ng ganoong pangungusap?

Kinalimutan ko ang sinabi niyang 'yon. Kahit na gusto ko siyang tanungin, wala naman akong lakas ng loob. Naging casual ulit ang pakikitungo niya sa akin. Parang wala lang nangyari. Sa tuwing makikita ko siya, lalayo ako at iiwas. Ramdam kong marami itong gustong sabihin pero hanggang tingin lang siya.

*****
Dalawang buwan simula nang mangyari 'yun, wala na ulit siyang sinabi. Hindi ko rin alam kung anong nakain niya at pinalitan nito ang kanyang suot. Ang galing na niyang magdala. Lalo siyang naging gwapo at ma-appeal. He is now an official member of Weirdos.

Nandito ako ngayon sa classroom, gumagawa kami nila Rainier ng designs para sa buwan ng wika. Si Rain ang president at ako naman ang vice. Ayoko na sanang tumulong dahil puro lalaki ang kasama ko ngunit nahiya ako sa kanya. Kasama ko ngayon ang Weirdos.

Ang Weirdos ang nagdidikit ng mga letra sa stage kaya sila nasa labas. Hinahatid lang ni Cloud ang mga natatapos namin doon.

"Yung gunting paabot naman," utos ni Rain. Iniabot ko iyon sa kanya. Dahil ginamit niya ang gunting, 'yung gillete ang ginamit ko sa cardboard. Hindi pa nakakalahati nang aksidente kong nahiwa ang daliri ko.

"Shit!"I hissed when blood runs out. Tumingin sa akin si Rain at agad siyang tumayo. Nataranta siya bigla. I saw concern from his eyes.

Nakita niya ang gillete sa may cardboard na ngayo'y natuluan na ng dugo. "Bakit kasi 'yung gillete ang ginamit mo!" mariin niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang panyo at itinali sa aking hinlalaking nasugatan. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Nagmura pa siya na ikinagulat ko.

"Sorry,"  I said guiltily. "Papalitan ko na lang 'yung cardboard." Binitawan niya ang kamay ko at tinitigan akong mabuti.

"Sa tingin mo 'yung cardboard ang inaalala ko? Tsk! Umalis ka na dito. Pumunta ka sa may stage. Just supervise them. Ako na bahala dito."

"Sorry," ulit ko. Huminga siya ng malalim at lumambot bigla ang expresyon. "Hindi ako galit. I don't care about that cardboard. Mas concern ako sayo. Dali alis na," he said calmly.

Sakto namang dumating si Cloud. Tumingin siya sa amin ng nakakunot ang noo. Nakita niya ang kamay kong nabalutan ng panyo. His jaw clenched. Lumapit siya sa aking kinaroroonan.

"What the hell happened?" he asked furiously. Hinawakan nito ang aking kamay ngunit agad ko itong binawi.

"Malayo sa bituka. Alis na ako," I said coldly. Hindi niya ako pinapansin pero ngayon kung umasta parang concern! Bakit nga ba ako naiinis? Kasi hindi niya ako pinapansin tapos ngayon bigla na lang akong papansinin? Haist!

Tinalikuran ko sila at naglakad papuntang stage. Nakita ko si Josh na nagkakabit habang 'yung iba kumakain ng tempura.

"Hoy, anong ginagawa niyo? Bakit mag-isa ni Josh?" tanong ko. Now, all eyes on me.

"Kaya na niya 'yan," sigaw ni Anthony. Tiningnan ko ulit si Josh na kawawang binabalanse ang upuan. Paano na lang kung nahulog siya?

"Isa! Isusumbong ko kayo kay Ms. Alcaraz. Guys ilang oras na lang magdidilim na. Pwede bang kumilos na kayo?" sigaw ko habang lumalapit sa kinaroroonan ni Josh.

"Ang init talaga ng ulo mo Mia," maktol ni Anthony. Pinandilatan ko siya. Inubos lang nila ang kanilang kinakain at nagsimula ng tumulong.

"Thanks vice," natatawang sabi ni Josh. Umiling na lang ako. Binuhat ko ang mga halamang nakalagay sa paso at nagsimula ko na itong ayusin.

"Josh maganda iyong babae?" biglang tanong ni Anthony. Nakinig ako sa pinag-uusapan nila. Hindi naman kasi bulong. Kasalanan ko bang naririnig ko sila?

"Si Ven? 'Yung nililigawan ni Cloud?" Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng pangalan ni Cloud. May nililigawan na si Cloud? Tapos si Ven pa na dati ko ring kalaban sa rankings? Bakit parang masakit sa dibdib?

Tinusok ni Josh ang kurtinang pinagsasabitan ng mga designs. Nagpatuloy sila sa pag-uusap. "Yeah ang ganda. Parang hindi mo kilala si Ven ah."

"Pero mas maganda 'yung dating gusto ni Cloud diba? Kaso hindi pwede," saad naman ni Anthony. Hindi ko sila tinignan baka kasi isipin nila chismosa ako. Pero sino nga kayang gusto ni Cloud?

"Sayang at may gusto si Rainier dun sa babaeng gusto niya. Kaya siguro nanliligaw na siya ng iba ngayon."

Hinawakan ko ang paso na may lamang daisy. Ilalagay ko na sana 'yun sa tabi ni Nikko nang matapakan ko ang balat ng saging.

Nadulas ako at sumalpok ang pwitan ko. "Ouch!" I shouted. Nahulog ang paso sa may tiyan ko. Namilipit ako sa sakit. Nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mukha nila. Binitawan nila ang kanilang mga hawak at nilapitan ako.

"Wag niyo siyang hawakan!"sigaw ni Mark na isa din sa matalino sa klase. "Baka may madali kayong buto niya," he said calmly.

"Fuck!" Josh cursed. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko ang biglang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Anthony.

"What the! She's bleeding!" Anthony exclaimed. I feel the tension between them. Naririnig ko ang mga sigaw nila.

Sobrang sakit ng tiyan ko. Habang tinatanggal ni Nikko ang basag na paso sa tiyan ko, nararamdaman ko ang sakit. Nagsimula ng lumabas ang luha ko.

"Please stay put," Anthony said while calling someone. Ilang minuto lang, nakarinig ako ng mga taong tumatakbo. Tumambad sa akin ang mukha ni Cloud at Rainier.

They looked horrified. Hindi na ako makapagsalita. Dumudugo na ang mga kamay kong natalsikan ng basag na paso.

"Fudge!Pakibilis!" sigaw ni Cloud na hindi alam ang gagawin.

"Hindi ko matawagan si Ms. Alcaraz. Parating na ang medic. team," natatarantang saad ni Nikko.

Sa sobrang panghihina ko, napapikit na lang ako.

"Shit! Open your eyes Mia! Please."

"Damn it! Pakisabi bilisan!"

"No stop it!"

Marami pa akong naririnig na sigaw hanggang sa wala na akong maramdaman.

Everything went black.



by:hiddenheartless

Until Then (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon