Chapter 15: Can I court you?

44 3 1
                                    

A/N: waaaah gpmen ngayon lang nakapag update! Aksidente kasing natapon ng nanay ko yung notebook ko na pinagsulatan ko nitong story. Tianamad na tuloy ako. Haha. Btw, sorry sa lame na UD. Ang sama ng pakiramdam ko eh. :))

Chapter 15: Can I court you?

Pumunta ako sa dulo ng beach at dun umiyak. Grabe... he chose that girl over me? Eh mas matagal ang pinagsamahan namin! Ang sakit dre... T.T Kanina, ang sama nya taapos biglang bumait tapos ngayon, ang sama na naman nya! Ano ba talagang gusto nya? Ang hirap nyang espellingen ><

Kinuha ko yung phone ko at tinext si Hae na puntahan ako. Sya kasi ang unang pumasok sa isip ko na tawagan eh. Maya-maya, dumating na sya. Pagkaupo nya sa tabi ko, niyakap ko agad sya.

"J-janine?" gulat nyang tanong.

"Thank you at dumating ka. I really need a friend right now." sabi ko.

Kumalas sya sa pagkakayakap ko at hinaeakan ang magkabilang cheeks ko. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ng thumb nya.

"Syempre naman no. I'm always here for you."

Nginitian ko sya. I'm glad he's here.

"By the way, pwede malaman kung bakit ka umiiyak?"

Dahil dun, napaiyak ulit ako. Pinaalala pa nya kasi eh!!

Bigla nya kong niyakap at hinaplos haplos ang likod ko.

Kinwento ko sakanya yung nangyari.

"Nakakainis di ba? M-mas *sob* pinili pa nya y-yung *sob* girl na yun kesa sakin!!" sabi ko habang umiiyak.

"Baka kasi gusto nya yung babaeng yun" sabi ni Hae kaya mas lalo akong naiyak. Waaaah oo nga! Ba't di ko yun naisip? Ang shunga ko talaga!! Baka nga mas gusto nya yung Macy na yun! Teka, hindi 'mas' dahil wala namang gusto sakin si Kei eh! Humagulgol ako sa naisip ko.

"T-teka, biro lang yun. O-oy..." natatarantang sabi ni Hae.

"S-siguro nga tama ka. D-di *sob* mo kailanhan mag sorry. N-nasaktan *sob* lang ako s-sa naisip ko..." kumalas na ko sa pagkakayakap. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao pagnakita kami eh. Lalo na nung mga kaibigan ko.

"Haaay wag mong sabihin yan. Di naman nya sinabi sayo na gusto ka nya. Baka may dahilan sya kung bakit iba ang pinili nya. Baka kasi..."

"Baka kasi ano?"

Nginitian nya ko. "Secret... ikaw na ang tumuklas kung bakit iba ang pinili nya. Basta ako, alam ko na"

Ang daya ng taong to. Kaibigan ko ba talaga to? Ba't pinapahirapan pa ko? -___-

"Kung aminin mo kaya ang feelings mo sa kanya. Wag kang tumulad sakin na duwag sabihin ang nararamdaman ko...." seryoso nyang sabi habang nakatingin sa dagat.

Para syang may pinagdadaanan kung magsalita sya. Parang may pinanghuhugutan...

"Akala ko ako ang mag-eemote dito, pero parang aagawan mo pa ko. Ano ba yang pinagdadaanan mo?

"Wala"

"Ano nga? Ang daya mo ha! Ako sinasabi ko problema ko sayo pero ikaw... ah wala ito... tsk tsk tsk..." sabi ko na nagkukunwaring nagtatampo.

"Fine. There's a girl I love pero... natatakot akong aminin. Tingin ko kasi.. masisira yung friendship namin. I don't want to ruin everything. Kuntento na ko sa kung ano mang meron samin.." sabi nya.

"Wow. And who's the lucky girl?"

Kei's POV

"Babe, let's go na?" malanding sabi sakin ni Macy.

Dun lang ako natauhan sa ginawa ko. Napasapo na lang ako sa noo ko. Aish! Ang tanga ko! Pinangunahan ako ng galit ko kaya yan tuloy! Pano na yan?

"Hey, what's the problem?" tanong ni Macy na ngayon ay nakapulupot na naman sa braso ko.

Tinanggal ko ang kamay nya. "Your face is the problem! Get lost!"

Halata sa kanya na nabigla sya. "T-teka, anong bang problema mo?"

"Wala!" aalis na sana nang bigla nya kong yakapin sa likod.

"Where are you going?"

"Kay Janine" cold kong sabi. Tinanggal ko ang braso nya na nakayakap sakin. Napapadalas na paghipo nito sakin ah -_-

"WHAT?! BUT YOU CHOSE ME!" di makapaniwala nyang sigaw.

"Trip ko lang yun" sabi ko at nagsimula ulit maglakad.

"Ano bang meron dun sa panget na babaeng yun? She's so simple. Ah! Nasa loob nga pala ang kulo nya. Tinu-two time ka nga di ba? She's a b*tch!"

Lumingon ako sa kanya at tinignan sya ng ubod ng sama. "Hindi nya ko tinu-two time" dahil hindi naman kami " at higit sa lahat, bawiin mo yung mga masasamang sinabi mo!"

"Hah! Eh di ba may isa pa syang boyfriend bukod sayo? Anong tawag mo dun? At hindi ko din babawiin yung mga sinabi ko dahil totoo naman!"

Pinapainit talaga ng babaeng to ang dugo ko. Kapag ako hindi nakapagpigil baka masuntok ko to!

"Yung lalaking kasama nya, friend nya lang yun. And besides, engaged na kami. So better shut that big mouth of yours and get lost!"

Napanganga sya sa sinabi ko.

"Now, GET LOST!" sigaw ko. Nataranta sya at biglang tumakbo. Haha sigawan mo lang pala yung babaeng yun, tatakbo na!

"Sugoi~"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Chinen na pumapalakpak. Kasama nya si Yuya at Yabu at papunta sila sa direksyon ko.

"Kawawa naman yung babae. Dapat di mo sinigawan. Dapat sa babae, minamahal. Tsk tsk" sabi ni Yuya habang umiiling.

"Edi sayo na yun!"

"Hah! Takot lang nya kay Lie. Hahaha" sabi ni Chinen na tumataas-taas pa ang kilay habang nakatingin kay Yabu

"Di ako takot dun no! Hah! Ang lalaking katulad ko, hindi nagpapa-under sa babae!" proud na sabi ni Yuya. Napa-iling nalang kami.

"By the way Kei, di mo ba hahanapin si Janine?" tanong ni Chinen.

Oo nga pala. Muntikan ko nang makalimutan!

"San sya pumunta?" tanong ko.

"Sa boyfriend nya!"-Yuya

Binatukan naman ni Yabu si Yuya. Wala kong mapapala dito. Makaalis na nga.

"Una na ko" sabi ko at naglakad na.paalis.

"Kei, lumuhod ka at humingi ng tawad. Lagot ka sa mga kaibigan nyan!" sabi ni Chinen na mukhang masaya pa. Nahahawa na ata si Chinen kay Yuya at Hika. Tsk tsk.

Hinanap ko sa kung saan-saan si Janine pero di ko sya makita. Nasan na ba yng babaeng yun? Aish! Kasalanan ko to eh! Teka, kasalanan din nya. Teka, kasalanan to nung Donghae na yun eh! Kung di sya dumidikit kay Janine, edi sana... edi sana... aish ewan!

Nakarating na ko sa dulo ng beach hangga't sa nakita ko si Janine. Okay na sana eh kaso kasama nya pala yung Donghae na yun! Bakit ba lagi syang dikit ng dikit kay Janine!

Nagtago ako sa may malaking bato na malapit sa kanila.

Ngumiti si Donghae kay Janine at hinawakan ang kamay nya. Aba't ang kapal talaga ng mukha! Pupuntahan ko na sana sila ng biglang magsalita ulit si Donghae.

"Can I court you?"

"Yes"

New Hope ~Like this, we are one~ (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon