"The girl who comforts a heartbroken guy is the same girl they'd fall for."
* * *
"Long time no partying!" Kai said sabay upo sa couch matapos niyang ilapag ang mga drinks sa table.
We're having a "mini party" sa bahay ni Bree after a week of hell. Katatapos lang ng final exams namin at sembreak na!
"Papa Kai, ang OA mo talaga! Isang linggo lang tapos kung maka-long time ka naman, wagas! Nevertheless, you're still gwapo! Hihi." Pagpapacute na sagot ni Brian na Bree sa gabi.
"Landi mo Bree. 'Di bagay fre!" Tukso naman ni Aria.
"Tumigil na nga kayo guys. Mamaya mag-away na naman kayo eh. Baliw pa naman kayo. I mean tayo. Let's start the partyyy!" Sabi ko naman.
"Alam niyo, tama si Mads. Kaya cheers?" Pag-iimbitang sabi ni Gavin.
We all raised our beer bottles and cheered dahil nakasurvive kami sa hell week at nakapag-get together ulit kaming magbabarkada. This is definitely gonna be an all night of partying and happiness kahit kaming lima lang ang magkakasama.
We played games. We danced. We had fun. It's like there's no tomorrow dahil sobrang nasabaw kami sa nagdaang exams. Nang makaramdam na kami ng pagod, we gathered around sa living room and tried to breathe and rested. Katahimikan ang biglang bumalot sa pamamahay ni Bree.
"Oh, may dumaang multo? Tahimik eh." Sabi ni Gav at nagkatinginan kaming lahat at sabay na nagtawanan. Baliw talaga kaming magbabarkada.
"Let's play truth or dare na lang. Game?" Pag-aya ni Aria.
"Game na game ako sis!" Excited na sagot ni Bree.
Landi talaga ng baklang yan pero 'di bale na, mahal na mahal naman yan ng barkada. Nag-nod na lang din kami at sinimulan ang laro. Sinimulan na ni Aria ang pagpa-ikot ng bote. The game started.
* * *
Naka-ilang ikot na ng bote. Marami na ang naamin dahil sa napiling truth at marami na ring nagawang kabaliwan dahil sa napiling dare. Lahat kami dumaan na sa kahihiyan maliban kay Gav. Swerte ng lalaking 'to.
"Guys, daya naman eh! 'Di pa napipili si Gav." Sabi ko sa barkada at tinignan si Gav. "Hoy Gav, daya mo naman! Kasabwat mo ba yang bote?" Sabi ko kay Gav sabay tinaasan siya ng kilay. Tumawa lang ang barkada.
"Eh, crush lang ata ako ng bote kaya ayaw akong pahirapan. Gwapo ko eh!"
"Yuck! Kadiri mo!" Sabi ko sabay nandidiri kunwari kay Gav.
Tinawanan na lang naming lahat. Nagpresenta na lang din si Gav na he'll take one truth and one dare to end the game dahil medyo nakakaramdam na din ng antok ang iba. Si Bree ang nagbigay ng dare dahil sa aming lahat, Bree has the most wicked ideas. Gav did Bree's dare and it's time to ask him. Kai presented na siya na ang magtatanong.
"Pre, wala na ba talaga?" Lahat kami nagulat sa tanong ni Kai. As much as possible, hindi namin ino-open ang topic na yan. Masyadong sensitive si Gav sa bagay na yan. Lahat kami napatingin kay Kai at pinandilatan siya.
"Ano ka ba pre, tagal na nun! Wala na talaga. Zero. So over it. May ibang nilalaman na 'to eh." Sagot niya sabay turo sa puso niya.
At mas lalo naman kaming nagulat sa pagsagot ni Gav sa tanong. He was okay with that. At dun lang kami parang nabunutan ng tinik.
"Sabi ko na nga ba eh. Ang obvious mo pre!" At nag-apiran ang dalawa.
"May bago ka na pala Gabeh? Ba't 'di mo kami sinabihan? Daya mo eh! Spill na!" Pangungulit ni Aria.
"Papa Gav, dali na! Tell na!" Bree seconded Aria sa pangungulit.
"Now's not the time. Malalaman niyo lang rin soon." Gav said sabay kindat. Landi rin nito eh. Hahaha!
"Guys, ang obvious na nga eh kaya wag niyo ng kulitin si Papa Gav niyo. Magpahinga na tayo. Party day two pa bukas sa resort ni dad." Nagnod na lang ang dalawa at sinimulan na lang namin ang pagliligpit.
Matapos magligpit, dumiretso na kaming lahat sa kwarto ni Bree and we all prepared ourselves para matulog. Nauna na si Bree and Aria dahil pagod na pagod ang dalawa sa kasasayaw kanina. Hindi pa ako inaantok kaya I excused myself at lumabas sa may terrace sa kwarto ni Bree.
"'Di ka pa antok?" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Gav sa likuran ko.
"Nakakagulat ka, alam mo ba yun?" Mataray na sagot ko kay Gav.
"Sorry." Pagpaumanhin niya sabay tawa ng mahina. "Tulog na tayo huy! Maaga pa tayo bukas para sa biyahe."
"Mauna ka na. 'Di pa talaga ako inaantok. Makakapagpahinga pa rin naman ako sa biyahe bukas eh. Sige na. Good night."
"Samahan na lang kita. 'Di pa rin ako antok eh. Tulog na rin si Kai, wala na akong makausap." Sabi ni Gav sabay upo sa tabi ko.
Tahimik lang kami at nakatingin sa langit. Minutes passed and Gav broke the silence. "Thank you."
Napalingon naman ako kay Gav at nagtataka. "For what?"
"For never leaving me during my darkest days. Kayo ng barkada, hindi niyo ako iniwan." Nakangiting sagot niya.
"Ano ka ba! Ang drama mo! Bading ka ba? Syempre, what are friends are for!" Sabi ko sabay tawa ng mahina. Lasing na ba si Gav at kung anu-anong kadramahan ang naiisip?
Binalot ulit kami ng katahimikan pero 'di nagtagal Gav spoke again. "Ganda ng mga bituin, ano?" Tanong niya at tumango lang ako.
"Just like the girl who captured my heart." At natawa naman ako. "Ang keso mo Gav! Antok lang yan kaya halika na at matulog na tayo. Maaga pa nga tayo bukas." Sabay tayo at hinila ko na rin si Gav papasok ng kwarto ni Bree.
Mahimbing na natutulog na ang lahat. "Tulog na tulog na sila. Matulog na din tayo. Good night Gav." Sabi ko sabay talikod at lakad papunta sa pwesto ko pero bigla na lang hinawakan ni Gav ang palapulsuhan ko. Hinarap niya ako sa kanya and hugged me tight. Nagulat ako kaya tinanong ko kung okay lang siya at ang tanging sagot niya ay "Good night Mads, the girl who captured my heart. Sweet dreams." Sabay halik sa noo ko.
* * *
BINABASA MO ANG
False Hope
Teen Fiction"How can I let myself believe in a thing I knew was a beautiful lie all along?" __________________________________________________ Purely fictional. Product of my random imaginations. Any similarities or resemblances are pure coincidence. ©paunchypa...