"The person who is the source of your happiness is the same person for the source of your pain."
* * *
Mahigit labing-isang buwan na ang nakakalipas. Dumaan na ang New Year, Valentine's, summer, first sem ng last year namin sa college at kami pa rin ni Gav. Going strong? How I wish I can say that.
* * *
"Guys, kaya pa ba? Kaya pa yan! Let's go! Two more rounds ng practice and we'll go home." Sigaw ni Bree. Nasa dance practice kami ngayon. Ang dance troupe namin ang magiging representative ng school for the National Dance Competition. Kabilang kaming tatlo nina Aria at Bree sa dance troupe. Sina Gav and Kai, nasa basketball practice ngayon. Malapit-lapit na rin kasi ang inter-school competition.
Mahigit tatlong oras na rin kaming paulit-ulit na sumasayaw. We're doing hip hop dance kaya 'di mawawala ang mga stunts. Pagod na ang lahat pero go pa rin para sa success na inaasam ng lahat. Pagod na pagod na rin ako. Physically, oo, sobra. Pero walang-wala 'tong pisikal na pagod ko kumpara sa pagod na nararamdaman ko emotionally at mentally.
Kami pa rin nga ni Gav pero hindi ko na ramdam. Parang nakakalimutan niya na yatang may girlfriend siya. Busy ba kamo? Yes, we all are busy. I have my academics and dance practice and he has his acads and basketball practice too pero bakit hindi niya na magawang maglaan ng oras para sa akin o kahit sa barkada na lang? Buti pa nga si Kai, hindi kami nakakalimutan. Hindi ako nakakalimutan. Noon ngang hindi pa kami, gumagawa yan ng paraan para lang makasama ang barkada. Lagi pa nga yang sumasabay kay Kai para lang makalusot at makasama kami. Bakit hindi niya na magawa ngayon?
Siguro naman kaya ko pang palampasin ang mga yun. Maiintindihan ko naman siya kung gusto niyang mas may focus siya ngayon. Ang mas nakakalungkot lang, nakakalimutan niya na talagang andito ako. At ang pinakatatakutan ko ngayon, his best friend. Si Sofia na best friend niya at minsan niya ng minahal.
"Sis, okay ka pa ba? Tubig oh! 5 more minutes daw sabi ni Bree." Tumango na lang ako sa sinabi ni Aria. Alam naman nina Aria, Bree at Kai ang estado namin ngayon ni Gav. I appreciate na gusto nilang tumulong pero they've done so much kaya sinabi ko na lang na kaya ko na 'to at isa pa, problema naman namin 'to ni Gav.
"Tara na! Let's do this! Iperfect natin yung stunts, guys!" Sigaw ko sabay tayo. Binubuhos ko na lang lahat dito sa pagsasayaw lahat ng iniisip ko at lahat ng nararamdaman ko.
Matapos ang practice, I decided na itext si Gav. Gusto ko na siyang makausap.
"Gav, let's talk. Park. 6pm." Kung ano man ang mapapag-usapan namin mamaya at kung ano man ang mga pwedeng mangyari, handa na ako.
* * *
Nandito na ako sa park at wala pa si Gav. He's late. 15 minutes pa lang naman pero he was never late. Napangiti na lang ako ng mapakla. Nagbago na siya.
"Hey. Sorry, nalate ako. Si Coach kasi, halos ayaw na kaming patigilin maglaro..." Hindi ko na siya pinatapos. The past few weeks has always been like this, sanay na ako. "It's okay, Gav." But really, it's not.
"Ano pag-uusapan natin? You said we'll talk. May problema ba?"
"Gav..." tawag ko sabay dahan-dahan siyang nilingon. "Mmm? What's wrong?" Pag-aalalang tanong niya. Nag-aalala ka nga ba talaga para sa akin, Gav?
"Mahal mo pa ba ako?" Walang pagda-dalawang isip na tanong ko sa kanya. Diniretso ko na para matapos na.
Natawa saglit si Gav bago sumagot. "Anong klaseng tanong yan, Mads? Obvious na naman ang sagot diyan, 'di ba?" Sabay ngiti. Ang obvious na nga Gav eh tapos tinatanong ko pa. Tanga ko, ano?

BINABASA MO ANG
False Hope
Fiksi Remaja"How can I let myself believe in a thing I knew was a beautiful lie all along?" __________________________________________________ Purely fictional. Product of my random imaginations. Any similarities or resemblances are pure coincidence. ©paunchypa...