II - Fall for You

18 0 0
                                    

"Never fall for sweet words, fall for sweet efforts."

* * *

After that night sa bahay ni Bree, gulung-gulo na ang isipan ko. Ako? Ako raw yung "the girl who captured Gav's heart"? Isang malaking kalokohan naman yan eh. Malabo. Malabung-malabo. May tama lang talaga si Gav nung gabing yun sabayan mo pa ng antok kaya nagkaganun.

Pero... hindi eh. Kahit anong pilit ko sa sarili kong wala lang ang lahat ng yun, Gav is showing me the opposite. Mas naging close kami. Mas lagi ko na siyang nakakasama. He's been so maalaga at higit sa lahat mas naging sweet siya. Hindi ko alam kung ganito din siya sa buong barkada o masyado lang talaga akong assuming. Pero sabi naman kasi ng barkada na ganun pa rin naman si Gav at walang nagbabago kaya tukso inabot ko matapos ko silang tanungin. Hindi na nga ako tinatantanan sa mga panunuksong yan eh. Supportive friends are supportive nga naman.

Sobrang naiinis na ako sa sarili ko for thinking too much. Are his efforts just friendship or is there something more? Hindi sa nagfi-feeling ako o ano, pero Gav has never been like this sa akin. It's like I'm seeing a whole new Gav. I want to ask him pero wala akong guts to do so.

"Good night Mads. <3" Napangiti na lang ako sa text niya. Mads, wag masyadong padala. Ikaw lang din ang masasaktan. Paalala ko sa sarili ko. Hindi ko na kasi naiintidihan si Gav at ang sarili ko.

Mababaliw na ako. I keep thinking pero wala naman 'tong patutunguhan eh, wala rin naman kasi akong sagot sa mga katanungan ko. Si Gav naman kasi kung bakit pa kinakailangang magtext ng ganyan, eh, magkakasama lang naman kami sa iisang lugar ngayon. Tama na... I'll enjoy myself na lang sa aming mini Christmas vacation.

We're on our second day dito sa hometown ni Aria. Naisipan namin to have a 3-day trip bago kami magkakawalay for Christmas.

"Sis, malulunod na kami ni bakla sa sobrang lalim ng iniisip mo." Sabi ni Aria kaya nabalik ako sa realidad mula sa pagmumuni-muni ko. Gav kasi eh.

"Sorry. May sinasabi ba kayo?" Tanong ko na lang.

"Ano ba yan, boy problems? Si Papa Gav? Tell us na dali para makapagbigay kami ng expert advices. Hihi." Patuksong sabi naman ni Bree. Crazy girls!

"Lahat na lang sa inyo boy problems eh, ano? Ang harot niyo kahit kailan! Konti na lang baka mahawa na ako sa inyo eh." Pahayag ko sabay tawa. "Wala 'to. Nag-iisip lang ako para sa Christmas celebration namin ng family ko." Palusot ko.

"Sus, if we know..." Sabay nilang sabi tapos nag-high five. Hay nako! Kilalang-kilala ako eh. "Wala nga. Kayo talaga! Oh ano na, anong gagawin natin today? Missing in action yung dalawang unggoy eh. Girls' day out?" Sabi ko sabay beautiful eyes.

Gets na gets na kapag ganitong mga sitwasyon eh. Automatic mall hopping, shopping, food trip at movies na kami niyan. At syempre, hindi namin pwedeng kalimutan ang maghanap ng gwapo. Ang haharot! Hahaha!

Dali-dali na kaming umalis. Nagpahatid na lang kami kay Mang Nick dahil tinatamad magdrive si A. Ayun, pasyal dito, pasyal doon. Ginawa namin ang "routine" namin kapag kaming tatlo lang ang magkakasama but there's something new ngayon sa trip namin. We decided to have a makeover. Ayaw ko nga sana kaso mapilit ang dalawa at wala akong lusot kapag sila.

Gabi na ng matapos kami. Medyo maaga pa naman kaya naglakad-lakad na lang muna kami at nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin.

"Girls, punta tayong clubhouse ng village. Andun yung dalawang unggoy. Doon na lang din daw tayo magdi-dinner." Sabi ni Aria matapos magbasa ng text.

"Pero A, baka nagpahanda yung parents mo ng dinner. Pa'no yan?" Pag-aalalang tanong ko. "Don't worry, sinabihan ko na sina Mommy at Daddy kanina na ite-text ko lang sina Nanay Betty kung magpapahanda ba o hindi. Kaya solved na yan! Dali na! Naghihintay na yung dalawa doon."

False HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon