Asher's P.O.V
Dapat masabihan ko si LJ na nasa panganib ang buhay niya ngayun at dapat malaman niya na ang pumatay sa mga magulang niya ay ang mga magulang ng kaklase niya sa Section Witty.
LJ's P.O.V
"Josh umiwas ka josh takbo!!!"
(Splash)
"Hoy lalaki bumangon kana diyan at papasok kana sa school hays ilang araw ka ring di naka pasok dahil sa pagkawala ni Josh pero hindi yun dahilan para mag-kulong ka sa kwarto mo at di pumasok, tumayo kana diyan, aalis na ako bahala kana dito ha!" Sigaw ni Kara sa harapan ko. Parang siya pa ang matanda samin.
Arggg ang sakit ng ulo ko panaginip lang pala yun. At bakit kailangan niya akong hagisan ng tubig papasok naman ako sa susunod na araw,Sabagay tama naman siya kailangan ko nang makabawi sa mga aralin ko.
Makapag ayos na nga.
Maliligo na Sana ako ng biglang patay sindi ang ilaw sa banyo.
"Parang mapupundi na ang ilaw auh"
Habang ganun ang ilaw sa banyo biglang bumukas ang T.V,doon na ako kinabahan.
"May tao ba diyan? Kara?? Nandiyan kaba?" Actually sa loob na ako ng C.R at biglang namatay ang T.V ng binuksan ko ng konti ang pinto. Pero walang tao.
Nang natapos akong maligo nakita ko na may parang tao sa bed ko na naka upo hawak ang ball pen ko. Pero di pa ako sigurado dahil napasok ng tubig ang Mata ko, ng okay na,binalik ko ang tingin sa bed pero wala na siya. Bigla ko na alala ang pagkawala ni Josh. Pa labas na ako ng bahay ng parang may tumitingin sa akin. Ayoko siyang tingnan pero kusang gumagalaw ang katawan ko na humarap sa likod. Nakita ko na kusang gumagalaw ang mga bagay sa bahay lumilipad ang vase, lumalakad ang mga laruan ni kara at nakatutok sakin ang mga kutsilyo.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinikit ko ang mga mata ko at bumulong ng
"JOSH tama na. Sorry sa lahat Hindi kita natulungan"
at pag bukas ng Mata ko nasa ayos ang lahat wala na ang mga kakaibang bagay na gumagalaw.
"Thanks Josh" at nakita ko na nakangiti ang manika ni Kara.
Creepy
Naglalakad ako papunta sa school ng biglang tumawid ang bata sa kalsada.
Tinakbo ko ang bata dahil merong sasakyan na paparating tinulak ko ang bata papunta sa lugar kung saan siya ng galing at
BooooooM!.
ASHER's P.O.V
"Bat ang daming tao dun?. Baka meron na aksidente kaya sila nagtutumpukan. Matignan nga"
Nang malapit na ako sa mga tao narinig ko na lang na may sumisigaw na "tumawag kayo ng ambulansya".
Nang tinignan ko...sheyts. bali yung kaliwang braso niya at puno ng dugo ang ulo. Pero parang kilala ko tong lalaki na to.
Lj?. Hindi to pwede mangyari, hindi siya pwede mamatay dapat malaman niya muna ang tunay na katutuhanan tungkol sa mga magulang niya.
Hindi na ako naka galaw ng nakita ko siya habang sinasakay siya sa ambulansya.
Bea's P.O.V
Hello?.
"Miss? Na aksidente ang kaklase mo,nalaglag niya ang kanyang cellphone ng sinagip niya ang buhay ng bata. Kaya tinawagan kita agad upang malaman mo ang nangyari."
"What? Are you kidding me? Saang hospital siya dinala"?.
(Beep beeep)
F*** binabaan pa ako ng telepono.
Pagpasok ko ng room,ang ingay nila nakakabingi.
"Classmates meron akong good news and badnews. Anu gusto nyong unahin?"
Boy1-bad news!!!
"Wag sana kayung mabibigla, na aksidente si LJ ngayung umaga, yan lang ang impormasyon na nakuha ko".
Huuuuhhh??????
What??????
Talaga?????Sabi ko na ehh mabibigla sila kahit sinabi ko na,hindi sana sila mabibigla.-_-
"Goodnews wala tayung klase buong araw ngayun dahil merong general cleaning at Meeting ang mga Guro natin".
At napalitan ng saya ang malulungkot at takot na mukha nila kanina.
Pero di parin ma alis sa isipan ko kung bakit nangyari yun kay LJ.
Ang mabuti pa'y bisitahin ko na lang siya upang malaman ko kung anu ang totoong nangyari.
HOSPITAL
"Miss? Pwede bang matanong kung saang room dinala si LJ Panganiban"?.
Nurse: "auh w8 lang po.
Room 69 po""Okay thnks".
At heto ako ngayun nagbibilang ng mga rooms.
Room 64,65,66,67,68, at sa wakas! Room 69.
Pag pasok ko, Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
May benda sa ulo, naka semento ang kamay at paa.
Grave ang nangyari sa kaniya.
"Doc? Anu pong nangyari sa kanya"
Tanong ko sa doctor na nasa loob ng room.
"Na bangga siya ng isang sports car. Kaya matindi ang nangyari sa kaniya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver, mabuti nandito ka wala pa kasing dumadalaw sa kaniya. Maiwan ko muna kayu".
"Salamat doc"
After 6 hours.
"Ikaw naman kasi ehh ilang araw ka na ring di naka pasok tapos ngayon mababalitaan ko na lang naaksidente ka. Anim na oras na akong naghihintay na magising ka LJ. Uuwi na muna ako sa bahay meron pa kasing pasok bukas. Sana gumaling kana".
At umalis na ako ng room.
Asher's P.O.V
"Panahon na LJ upang malaman mo ang tunay na katotohanan. Iiwan ko na lang ang sulat nato...sana mabasa mo pagka gising mo".
------------------------------------------------------
Hey guys sorry sa super late update ng story sobrang busy kasi ehhh...sana magustuhan nyu.. at alam ko na malayu yung title sa tatlong chapter na naisulat ko hehehe actually malapit na po mag simula ang killing scenes. BYE.
YOU ARE READING
A Killer In A Section
Mystery / ThrillerSa panahon ngayon di mo alam kung sino ang masama o ang mabuting tao. Kaya naman maraming plastic ngayon. Pero sa isang section ng mga estudyante meron isang maghihiganti,dahil sa pambubully ng kanyang kaklase Ang Section Witty. Nerd pumorma Kumple...