Math Camp #1 - Officially open.

30.2K 502 84
                                    

*ELLIPSE POV*

"Okay, Team J! Let us start to check your attendance!" Sabi ng aming team coach, Hayyy~! It's the annual Math Camp again. Ito ay isa sa mga biggest event ng Hale University. Benta ito sa mga estyudyante. Hindi dahil sa math kundi sa overnight. Who would even want to solve head aching math equations?

"I'm so excited, Bestie!" Sabi ng katabo ko na si Quetzal, Quetzal Quezon. She's my bestfriend since gradeschool.

"Tsk. Talaga? Well I dare you to solve mathematical equations all night. No sleeping ha. Psh. Kalokohan." Sabi ko.

"Ba't ba ang sungit mo?" Tanong niya

"Because I just missed 'How I met your mother' special episode. Ine-air lang yun once in a year! Ngayon na-miss ko dahil sa katabi ko!" Sabi ko.

Kinalabit ni Quetzal ung isa kong katabi. "Ate, ikaw daw ang rason kung bakit niya daw na-miss ang special episode." Sabi niya. Ewan ko kung matatawa ba ako o maiinis. Dinamay ba naman ang isa kong katabi.

"Ate, hindi po ikaw. Paumanhin po." Sabi ko sa ate at lumingon ako kay Quetzal "Ikaw kasi! Langya ka nandamay ka pa ng iba." Sabi ko kay Quetzal

"Sorry naman! Pumayag ka naman kasi." Sabi niya.

"Remember this?" Tanong ko "Pag di ka sumama, ikakalat ko yung video mo na nag-gagangnam style. Baduyness overload pa naman yun!" Sabi ko imitating her voice. High pitch kasi ang boses niya so its unique for our age.

"Sige, umuwi ka na. Hindi ko na ikakalat. Ganyan ka naman eh." Sabi niya with cutie epeks.

"Syempre joke lang. Mapapanood ko naman ung special episode sa youtube eh. Ito naman hindi mabiro." Sabi ko sa kanya at hinug.

"ELLIPSE GOROVAN?!" Sabi ng coach namin. Anak ng tinapa nakalimutan kong may attendance pa pala. Agad kong tinigil ang paghuhug kay Quetzal at sumigaw ng..

"Present!"

"Please refrain from talking" Saway niya

"Yes miss." Sagot ko.

Yep, you heard my name. Ellipse Gorovan is the name. ELLIPSE as in yung sa Math. Ewan ko kung bakit ganun ang pangalan ko kung pwede namang Kyla, Chee or Vallerie. Ang parents ko ay Math professors sa Literati University. Minsan napagtanong ko ang sarili ko kung ampon ba ako dahil never ako naging magaling sa Math. Well except siguro nung kinder pa lang ako nung 1 plus 1 pa ang Math.

After a few minutes, natapos na ang lahat ng attendance ng teams.

"Okay! Now let us officially open the Math Camp 2009. May we call our athlete of the year, Ms. Andrea Blancaflor to do the opening ceremony." Sabi ni Ms. Rodriquez, ang head ng math teachers dito. Lumabas si Andrea ng may hawak na golden torch na may pattern na math equations. Tumakbo siya paikot sa Gym hanggang sa naabot niya ang destinasyon niya. Nilagay niya ang torch sa torch holder at itinaas ang kili-kili niyang pawis.

"Math Camp 2009 is officially open!" Sabi ni Ms. Rodriquez at nagpalakpakan ang mga tao.

.

.

.

Ngunit napalitan ng sigawan ang palakpakan nung namatay ang mga ilaw..

.

.

.

Sunod naman ay naging takot dahil sunod-sunod na putukan ng baril ang narinig.

*Bang* *Bang* *Bang*

I bend my knees and protect my head. Yung Earthquake-Drill position kumbaga. Nakaramdam ako ng basa sa likod ko. Hinipo ko ito. Kahit nadilim nakita ko pa rin. Isang pulang likido ang tumalsik sa likod ko. Namatay na ba ang taong nasa likod ko? Lumingon ako at nakita ang isang babaeng walang kamalay-malay at may tama ng baril sa ulo. Walang tigil ang paglabas ng dugo niya. Piling ko masusuka ako ng wala sa oras.

Natigil ang putukan at bumukas na ang mga ilaw. Ang mga gate palabas sa gym ay nakalock, mukha ng mga taong takot at nag-aalala at dugo sapangkat madaming namatay. Napapalibutan kami ng mga nakamaskara at naka-armas na lalaki (most of them pero I think may babae din). Bigla nalang kami nagulat nung nag-on ang projector.

"Is this thing on?" Tanong ng isang babae sa kanan niya. Nakasuot siya ng maskara, isang lobong maskara. "Good Evening Hale University! Pero don't assume na magiging good ang evening niyo. By the way, do you remember us? Chipper's League Of Fraternities And Sororities A.K.A CLOFAS? if you do then you know what will happen next." Sabi niya. CLOFAS?! Now I'm sure we are dead.

Bakit sila pa na walang awa?

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Vote, Comment, Share and Support

Math CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon