*THIRD PERSON’S POV*
Hinablot ni Ellipse ang hawak na magazine ni Marina at sabay bato palabas ng kwarto. Pagkatapos niya ibato, tinignan siya ng masama ng mga CLOFAS member. Nanigas si Ellipse sa pwesto niya kaso naging alipin nanaman siya ng sarili niyang katawan sapangkat nasapak ni Ellipse si Marina sa kanang pisngi ni Marina ng hindi inaasahan. Dahil sa sapak na iyon, nagdugo ang ilong ni Marina. Kita sa mukha ni Marina ang inis at sakit. Agad na tumakbo si Ellipse palabas ng kwarto nang nakita niya ang mukha na iyon dahil alam niya na walang magandang kakalabasan iyon.
“Kunin niyo siya! Mamatay siya ngayon din! Ugh! Bagong gawa pa naman itong ilong ko.” Sabi ni Marina. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ni Ellipse. Nagpapasalamat siya na duling ang mga humahabol sa kanya dahil pag siya ay tinamaan nito, walang kaduda-duda ay tapos na ang kanyang buhay. Kita pa lang sa mga tama sa mga bookshelf kung gaano kalakas ang mga bala. Hindi matiempuhan ni Ellipse si Yvonne. Nasaan naman kaya ang babaeng yun? Nagtago si Ellipse sa likod ng bookshelf ng fiction section. Biglang bumanga sa isip niya na meron pala siyang dalang baril. Kinuha niya ito at naghanda. Alam niyang papalapit na ang mga CLOFAS member dahil rinig na rinig ang pagtakbo nila. Pagulat siyang lumabas sa shelf at binaril ang mga CLOFAS member habang nakapikit ang mga mata. Takot siyang makakita ng dugo. Ngunit pagdilat ng mata niya, tatlong CLOFAS member lang ang kanyang natamaan. Susuntukin na sana siya ng isang CLOFAS member ngunit inilagan ni Ellipse ito at sinikuhan ang kanyang likod dahilan para madapa siya. Sinugod siya ng natitirang dalawang CLOFAS member. Ang isa ay paakmang susuntukin sana si Ellipse pero sinipa niya ito bago ito makalapit sa kanya. Ang isa ay kumuha pa ng bwelo para suntukin si Ellipse ngunit umusog lang si Ellipse ng isang hakbang mula sa kanan at nakailag siya. Tatanga-tanga ang CLOFAS member na iyon dahil sa bwelo niya hindi siya naka-preno kaya ayun, na-untog sa bookshelf. Tinignan ni Ellipse ang mga CLOFAS members, lahat ay knockout kaya umalis na si Ellipse sa pwesto niya at hahanapin si Yvonne. Kaso may biglang yumakap sa kanya ng mahigpit. Sa sobrang higpit, hindi makagalaw si Ellipse.
“Kala mo ha. Walang buhay na nakakatakas sa kamay ng mga CLOFAS.” Bulong ng CLOFAS member na kanina ay sinipa ni Ellipse. “Marina, nahanap ko na ang hampaslupa!” Sigaw niya. Bigla namang sumulpot si Marina na parang kabute. Bakas sa kanyang mukha ang isang matagumpay na ngiti. Nilapitan niya ako at pinisil ang pisngi ko.
“Ang cute mo naman, wag nalang kaya patayin. Ibenta nalang kita sa bar at nang maging prostitute ka.” Sabi niya at sabay na tinigil ang pagpisil sa kanyang pisngi. Laking gulat ni Ellipse ng bigla itong sampalin ni Marina. “Pero papatayin nalang kita.” Sabi niya. Nilabas niya ang baril niya sa kanyang bulsa at tinutok kay Ellipse. Alam ni Ellipse na wala na siyang katakasan dahil sa dalawang rason. Una ay may nakayakap sa kanya ng mahigpit at pangalawa, kung makatakas man siya, papatayin pa rin siya ni Marina. Pinikit ni Ellipse ang mga mata niya at inihanda ang sarili na yakapin ang sakit. Ngunit lumipas ang maraming segundo ay wala siyang naramdaman at nanlambot ang yakap sa kanya ng CLOFAS member na nakayakap sa kanya. Unting unti niya binuksan ang mga mata niya at tumambad sa kanyang paningin ang Marina na may tama sa ulo (literal na tama sa ulo pero may saltik talaga sa ulo si Marina). Hindi na pinalagpas ni Ellipse ang panlalambot ng lintang yumayakap sa kanya kaya siniko niya ito ng malakas sa ulo. Sa lakas ng siko niya ay nawala siya sa yakap ng linta. Nabagsak ang linta sa sahig kasama ang mga kauri niya. Sa lakas ng impact ng pagbagsak niya ay natumba ang bookshelf sa likod niya at natabunan sila. Bumalik ang tingin niya kay Marina na nakahiga na sa sahig habang nagdurugo ang ulo dahil sa tama. Tumaas ang tingin niya at nakita si Yvonne na may hawak na baril at nakahawak sa kanyang sikmura. Agad siyang tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya bilang tanda ng isang pasasalamat. Hindi siya nito niyakap pabalik kaya nagtaka si Ellipse. Nanlaki ang mata ni Ellipse nang nakaramdam siya ng mainit na likido sa bandang parte ng tiyan niya. Nilayo niya muna ang katawan niya sa katawan ni Yvonne para tignan ito. Pula, pulang likido. Tinignan niya ang tyan ni Yvonne at nakita niya na tinatakpan ni Yvonne ito. Tinanggal ni Ellipse ang kamay niya at nakita ang isang sugat. Tumingin ako siya kay Yvonne na para bang nagtatanong na “Totoo ba ang mga ito?”. Tumangin naman si Yvonne sa mga tingin ni Ellipse. Naiyak si Ellipse marahil hindi niya lubos maisip kung paano makakaligtas kung wala si Yvonne sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Math Camp
БоевикGaano ka kasigurado na sakit lang sa ulo ang dudulutin mo sa Math Camp? Paano kung sakit at hapdi sa katawan ang pwede mong kahantunggan? Kakayanin mo pa ba? Hindi lang math equations ang dapat mong i-solve, pati na rin kung sino ang pasimuno ng la...