Math Camp #2 - CLOFAS' true indentity.

21K 404 64
                                    

*QUETZAL'S POV*

Nanginginig...

Naninigas...

Natataranta...

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa mismong araw na ito sasalakay ang CLOFAS. Sino ang CLOFAS? Sila lang naman ang pinagsama na fraternities at sororities ng Chipper College. Ang Chipper College ang tanging karibal ng Hale University. Lagi kaming nagkakasagupaan sa mga varsity games o kahit na anong contest pa yan. Pero laging panalo ang Hale University. Hindi ko alam kung bakit hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan na talo sila. Sadyang mga tanga lang yata.

"Pagkatapos ng ilang taon na naghintay kami ng panahon para salakayin namin kayo. At wakas, narito na rin kami at makakahiganti na rin sa wakas! Para sayo ito Mrs. Gacula!" Sabi ng babae sa projector. Si Mrs. Gacula daw ang pinaka-iniidolong guro ng Chipper College. Lahat na yata daw nasa kanya. Siya ang naging role model ng Chipper College for 5 years. Hindi lang nakatuloy sa pang-anim na taon sapagkat siya'y namatay na. Hinahasa at pinatay siya ng 5 lalaki na nag-aaral sa Hale University. Isa rin yun sa mga dahilan kung bakit patuloy parin na galit samin ang Chipper Collage.

"Pero hindi naman kailangan humantong sa ganito!" Sigaw ni Mrs. Rodriquez.

"Hindi kailangan?! Nagmukha kaming talunan sa mata ng lahat. Ginawa nanamin ang aming makakaya pero lagi kayong walanghiyang sumisingit at ipinapamukha na kami ay isang talunan lamang. Nawala na din ang isa sa pinakarespetadong tao ng Chipper College ng dahil sa kabalastugan ng mga langhiyang estyudyante niyo. Kailangan na namin ng dahas para mapatumba kayo. Pasalamat kayo at hindi buong estyudyanteng Hale University ang aming uubusin. Magpasalamat kayong mga nandito dahil makikipaglaro kayo sa amin. Ilang taon na nakatago sa loob namin ang galit at ngayon lang kami makakabawi!" Sagot ng babae sa projector.

"Pero pwe—" Sabi ni Mrs. Rodriquez pero napatigil siya dahil siya ay nabaril ng isang member ng CLOFAS sa ulo. Tila parang kami ay nanunuod ng isang fountain show dahil sa tuloy-tuloy na paglabas ng dugo ni Mrs. Rodriquez.

"Ano may aangal pa ba?! Wag na wag kayong hahadlang sa amin dahil matutulad kayo sa babaeng yan. Sabihin niyo lang kung gusto niyo na mamatay pero wag kayong magsabi na hindi namin kayo binalaan." Tanong ng babae sa projector. Lalong natakot ang mga takot. Para kaming bumalik sa panahon ng kastila.

Walang kalayaan. Tila ba parang isang galaw mo lang ay mamamatay ka na.

Nagulat nalang ako nung may narininig ako ng tatlong putok ng baril. Sumunod nun ang pagbasag ng tatlong bumbilya sa gym. Sumunod nun ay ang pagbagsak ng isang circular rectangle na something mula sa gitna ng gym. Sa unang tingin ay napa-isip ako na napaka-pamilyar nitong bagay na ito. Tinignan ko ito ng maiigi at saka ko narealize na isang bomba pala ang nahulog. Patakbo na sana ako palayo pero huli na ako. Sumabog na ang bomba bago pa man ako makalayo. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at ihinanda yakapin ang sakit. Wala na akong magagawa....

Dahil kung oras mo na, wala kang magagawa kundi sumakay sa trip ni kamatayan

Lumipas ang ilang segundo at wala akong naramdaman na hapdi o sakit. Wala rin akong narinig na sumabog. Unting-unti ko minulat ang mga mata ko. Puro usok lamang ang nakikita ko. Hindi kaya nasa langit na ako? Pero bakit ang dumi ng usok ng kalangitan? Polluted na rin ba ang lugar na ito?

May naramdaman akong humawak sa kamay ko. Hesus ikaw na ba ito? Humigpit ang hawak niya sa akin at hinila palayo sa aking kinatatayuan. Naninigas ako sa pwesto ko, Hindi ko alam kung ano ang irerespond ko sa mga oras na ito. Oh my ang bait-bait ko pala! Pero nasira ang pagka-good mood ko nung nagsalita siya.

"Gaga, wag ka magpabigat. Antaba-taba mong tao, hindi kita kaya." Sabi ng isang babae. Okay, Hindi to si Hesus. Baka anghel na nabadmood ito. Wahahahahaha. Bahala na nga! Sumunod nalang ako kung saan niya ako ihahatak. May tiwala naman ako sa anghel na ito. May binuksan siyang pinto. Gawa pala sa kahoy ang gates of heaven, kala ko sa ginto gawa. Pagkapasok namin unting-unti nawala ang usok.

Laking gulat ko nung nakita ko ang naghahatak sakin. Ang akala ko ay isang anghel ang sundo ko pero wala palang anghel at sundo. Sino pa ba ang hahatak sa akin at sasabihan akong mataba walang iba kundi ang kaibigan ko na si Ellipse. Tinignan ko ang paligid ko at narealize ko na dinala niya ako sa CR ng mga babae. Ikinuwento niya sa akin na may nagpasabog ng smoke grenade sa gym. Bigla kong naalala ko yung sinabi ni Ellipse sa akin kanina. "Kung maka-mataba ka parang ang sexy mo ha!" Sabi ko. Hindi naman mataba si Ellipse at lalong hindi naman siya payatot. Sakto lang naman.

"Sexy naman talaga ako eh! Dapat nga ako covergirl ng FHM for last october eh." Sabi niya. Matatawa ba ako o maiinis?

"October? Para sa halloween?" Biro ko.

"Precisely! Wahahahahahaha..." Sabi niya at nagtawanan kami pero napatigil kami nung makarinig kami ng isang putok ng baril. "Tama na biruan! Lumusot ka doon sa bintana na 'yun para tayo'y makaalis na sa impyerno na ito!" Sabi niya habang nakaturo sa tanging bintana sa CR.

"Ulol ka ba? Tingin mo ba kasya ako dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Wow ha! Baka nakalimutan mo dyan tayo lumusot para makatakas sa push-ups ni Sir. Awa." Sabi niya. Ay oo nga pala! Dyan kami lumulusot para maka-cutting classes o di kaya pag-ayaw namin sa event na nangyayari. Kung titignan mo naman ay hindi siya ganun kataasan at kalakihan pero nandun pa rin yung point na may magkakasya na tao dyan. "Bilisan mo na at baka may makahuli pa na CLOFAS satin at matigok tayo." Sabi ni Ellipse at nagmadali na akong lumusot sa bintana. Nakalusot naman ako ng maayos at heto na ako inaalalayan si Ellipse na makalusot din. Pero sa bandang huli, nakalusot naman kaming pareho ng maayos. Patakbo na kami palayo ng gym este sa impyerno ngunit kami ay napatigil nang may nainig kaming lalaking sumisigaw.

"Subukan niyong tumakbo pa! Hindi ako takot na iputok sa inyo ang baril na hawak-hawak ko ngayon!" 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Vote, Comment, Share and Support

Math CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon