Prologue

61 3 0
                                    

Maliit pa lamang ako at nagsimulang magkaisip, napakarami ko nang mga karanasan; mga karanasanang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Mga karanasang ako lang ang makakaintindi sa sarili ko. Madalas kasi akong magsolo noon at sanay na akong mag isa nalang pero kahit hanggang ngayon, mas feel ko ang tahimik na paligid o nagsosolo. Mas gustong-gusto ko nga ang laging nakakulong lamang sa aking kuwarto, lalo na kapag stressed ako. Madami akong nagagawa o naiisip sa loob ng kuwarto ko. Masayang nakikinig ng mga kanta at nag babasa ng mga libro.

Kulang ang 100 pahina, kung ilalahad ko lahat ng aking mga karanasan. Sa araw-araw at gabi-gabing mag isa ako sa kuwarto ko.

Kanina bumisita ako sa dating tirahan namin. Para siyang apartment o apartment na talaga siya. Madaming naktira dito. Pero ang nakakapag taka ay walang pumupunta sa kuwarto ko. Sa kuwarto kong punong puno ng misteryo.

Noon, madalas akong nakakakita at nakakaramdam. Mayroon akong kakaibang nararamdaman kapag mayroon ibang nilalang na alam ko nasa tabi lamang. Andun iyong pagpapawisan ka o biglang tatayo ang iyong mga balahibo. Manlalamig ka at mararamdaman mong may bumubulong sayo.

Habang nakaupo ako sa sala, nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang isang pares ng paa na paakyat sa hagdan. Sanay na ako na makita ang ganun sa bahay na iyon; kaya binalewala ko lamang ito. Alam ko na walang tao kanina sa 2nd floor, dahil nag-iisa na lamang ang natira dito at nasa opisina pa. Abala naman ang mga iba pang nandidito sa pag aayos ng kanilang gamit.

Natigil ang parang tunog nang mga yapak sa itaas at isang parang naglalaro ng holen; binalewala ko na lang ito. Patay ang ilaw sa salas, pero maliwanag din naman kahit papaano. Biglang napagawi ang tingin ko sa katabi kong upuan, muntik na akong napatalon sa kabiglaan. Hindi ako nakakilos at lalong hindi ko rin naialis ang tingin ko sa katabi ko. Nakaputi, ewan ko bakit biglang lumakas ang loob ko; umangat ang ulo ko para tignan ang itaas na bahagi nito, ang mukha ng nakaputi na katabi ko. Isang babae na nasa 35+ at nakangiti sa akin. Ang tanging nausal ko ay "Nyaaay!!" sabay kurap ng aking mata. Pangalawang kurap, nawala na ang aking katabi at nawala na rin ang init na aking naramdaman; pinagpawisan na lamang ako ng malamig.

Nanlambot ako ng todo, hindi ko alam na parang nakaramdam ako nang gutom. Tumingin ako sa pinto na papuntang kusina; doon muli ay nakita ko ang babaeng katabi ko kanina at nakatalikod. Mayroong sumunod 3 bata at isang malaking lalaki na bumaba galing sa hagdan. Ang apat na tao ay abala, walang kaalam-alam sa mga nakikita ko. Naisip ko na lamang, siguro ay na-miss din nila ako. Siguro ang ngiti na iyon ay parang nagpasalamat at bumisita ako ulit sa bahay na iyon at nagpa general cleaning. Iba kasi noong doon pa kami nakatira, malinis at wala kang makikitang alikabok at basura.

Tumayo na ako at muling sinilayan ko sila. Saba'y ngumiti. "Paalam na, sa susunod na lamang uli." Ngumiti din sila saakin at kumakaway pa.

Ako si Naomi Nakashima Kagame. 17 Years old. Nag iisang anak ng mga magulang ko. ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa upang magtrabaho. At ito ng kwento ng buhay ko.

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon