Third Eye: Ang Babae sa Canteen

44 1 0
                                    


Malumanay na nag lalakad si Naomi papasok ng Canteen dahil alam niya na may ba pa silang kasama. Bukod sa bago niyang mga kaibigan ay may nararamdaman siyang malakas na enerhiya. Siguro ay yoong babaeng nag pakita kanina sa kaniya.

"Naomi, namumutla ka na naman." Pagaalalang sabi saakin ni Yane. Tumigil sila sa pag lalakad ng malaman nilang namumutla ako. Dahil nadin malayo ang distansya ko sa kanila.

"A-ah. Gutom na talaga kasi ako e." Sabi ko nalang at nauna sa kanila sa pag lalakad. Ginawa ko iyon dahil alam kong naka sunod saakin yung babae.

"Hoy naomi! Ang bilis mo naman mag lakad!" Ssabi saakin ni Kiyoshi. At natatawa naman ang iba sa ginawa ko.

"Baka talagang gutom na siya?" Natatawang sabi ni Tala. At hindi na nila napigilan at nag tawanan na sila.

Umupo na ako sa silya. Mahaba ito na kasya lamang samin. At nakaupo na din ang iba, samantalang kumukuha ng pagkain namin sina kiyosi, sho at tala. Nag prisinta na kasi sila, sabi pa nila ay libre nila iyon. Kaya hindi na kami nakatanggi.

Maingay at puro halakhakan ang maririnig mo sa loob ng canteen. Mga mag kakaibigang nag uusap. Pati narin tunog ng kubyertos ay maririnig mo. Mga paang nalalakad at mga tunog ng silyang hinihila.

"Naomi, saan ka napasok dati?" Sabi saakin ni asami. Naka tingin siya saakin, marahil ay gusto niyang malaman ang tungkol saakin. Katabi ko siya kaya naman ay hindi kami naririnig ng iba.

"Sa Probinsya sa May Daang Mabato." Sabi Ko dito at napanganga naman siya. Siguro'y ngayun nya lang narinig ang bayan namin.

"Ha!? Daang Mabato?" Pag uulit nito sa sinabi ko. Halata s kaniya na ngangayun nya lang ito narinig, basse narin sa kanyang muka.

"Oo, Sa pag tawid ng ilog diyan sa may bayan. Papasok doon sa may gubat." Sabi ko naman at napatango tango naman ito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang tatlo dala-dala ang pag kain namin. Inilapag na nila ito sa lamesa at isa isa nilang pinamahagi ang pagkaing inorder namin.

"Naomi, may kapatid kaba?" Pag uusisa ni Tala saakin. Napatingin naman ang iba saamin na halatang iniintay nila akobg sumagot, maliban lang kay Yane. Na alam na nag iisang anak lang ako.

"Wala. Nag iisang anak lang ako." Sabi ko at ngumuti, palihim akong tumingin sa kanang bahagi ko at nakakita ako ng babaeng naka tingin saakin. Hindi ko ito pinansin dahil sa ayokong makisali sa gulo.

Kumain na kami at masayang nag kekwentuhan tungkol sa mga bagay bagay na nagyayari sa sleskwelahan. Hindi ko lubos maisip na madaming namatay sa eskwelahang ito dahil muka namang tahimik at mapayapa ang eskwelahang ito.

"Alam nyo ba na. Madaming mga kababalaghang nag yari dati dito?" Pag uumpisa ng nakakatakot na topic ni Asami.

Dahil sa tapos nadin kaming kumain ay. Nag seryoso kami sa pakikinig at lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Ni isa ay walang gustong kumurap.

Ang paligid ay tumahimik tila wala ng tao sa paligid. Ang iba naman ay lumapit sa amin at nakinig din.

"Kagaya ng ano?" Sabi ko dahil sadyang guato kong malaman ang nakaraan.

"Kagaya na lamang noong naka raang linggo. Nag spirit of the glass yung taga section 4b. Kilala nyo ba si Jane? Sya yung babaeng sinaniban daw nung multo." Sabi nito.

Nanlaki ang mga mata nila samantalang ako ay nakikinig lamang. Dahil hindi ko ganoong kilala yung jane na sinasabi nila. Nakaramdam ako ng pag tayo ng balahibo ko sa braso kaya't agad akong napatingin sa gawing kanan ko. At nakita ko ang babaeng duguan ang suot na damit. Nakakatakot ang muka nito at parang walang awang pinag hahampas ng matigas na bagay hanggang sa namatay ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon