DAHIL sa biglaan ang pagkamatay ni Eric, ay mapipilitan siyang mag-stay muna dito sa Manila, para pamahalaan ang El'. He came straight from Hong-Kong as early. Doon siya naka-base personal niyang tinututukan ang kanyang tinayong bagong negosyo.
Bilang CEO, minabuti niyang siya muna ang magha-handle niyon hangat wala pang na I-vote out ang board of directors kung sino ang susunod na maging Chief Operating Officer ng kompanya.
Pero kung nanaisin niyang siya muna ang uupo sa naiwang tungkulin ni Eric ay maari din, sa pagkat siya ang lihitimong may-ari ng nasabing kompanya at siya ang may pinakamalaking shares. Dahil may ten percent share sa El' si Eric and he was voted to be a Chief Operating Officer of the company.
Ngayong wala na ito, napagdisisyonan niyang ibahagi ang shares nito sa pamilya nito at bibigyan niya rin iyon ng kakarampat na karagdagan. But he knows Eric, napaka organisadong tao nito.
Dahil kakarating niya lang from Hong-Kong, siguro one of this day ay kakausapin niya ng pamilya at abogado nito. Para ma-settled na ang dapat ma-settled.
Maaga pa lamang ay nag handa na siya, iyon ang unang makakaharap niya ang kanyang mga employees, mula sa pinakamababa at sa ibat-ibang panig na ng departamentong meron ito.
He love these people, kung wala ang mga ito, hindi pa rin namamayagpag ang El' sa larangan ng industriya. At wala ang mga bago niyang pets na pinagkakaabalahan niya ngayon kung wala ang El'.
Kaya naman malaki rin ang binibigay niyang momento sa mga ito, dahil halos doble ang kitang natatangap niya mula sa mga ito. Rake was very generous Man, lalo na pag dating sa mga employee niya. Ngayon isa-isa niyang makikilala ang mga taong nasa likod ng El' sa tinatamasang tagumpay nito.
Bago mag alas syete ng umaga ay nasa Penthouse na siya ng El', nais muna niyang mag relax ang kanyang isip at pamilyarin ang bawat bahagi niyon. Dahil sa loob ng tatlong taon ay ipinaubaya niya ang pamamahala niyon kay Eric. Mas nag focus siya sa iba pa niyang negosyo, he was more on travel.
Dahil maaga pa naman, ayon sa kanyang Sekretarya na nagmula pa sa kanyang Ama na si Tita Gloria, ay nine thirty pa ang simula niyon. At her retirement aged ay nanatili pa rin itong bahagi ng El'. Matanda na rin ito, siguro pag may pagkakataon hihimukin na niya itong mag retire, enjoy life habang malakas pa. Parang ina na rin ang turing niya rito. Nang sipatin niya ang kanyang orasang pambisig ay eight pa lang ng umaga. May time pa siya para maglibot-libot sa loob ng El'.
Dahil hindi siya kilala ng kanyang mga empleyado, sa bawat makakasalubong niya ay napapatingin ito sa kanya, lalo na ang mag kababaihan, nandoon hindi maalis ang mga mapaghangang tingin pinupukol sa kanya, na sinusuklian naman niya ng matamis na ngiti. Kung meron man makakilala sa kanya iyon ay ang mga matatanda na, katulad ng Tita Glo niya. Halos lahat ng mga datihan employee ng kanyang ama ay nakapag retired na.
Mas minabuti niyang itago muna ang kanyang totoong identity, ayaw niyang lalo siyang hangaan at ituring na mataas. Mas nais niyang maging puzzle pa rin ang tingin sa kanya, Bilang Ricardo El' Salvador in short Rake.
Sa bawat departamento na kanyang napapasok ay nandoon ang pagtataka ng bawat makakakita sa kanya. Alam niyang pinaghandaan ng kanyang mga tauhan ang sorpresang inihanda ng mga ito para sa kanya. Narinig pa niya ang ibang usap-usapin ng kanyang empleyado.
"Ano kaya ang mukha ng CEO natin, siguro may edad na kaya, ngayon lang nadalaw ang kanyang kompanya." Napangiti siya sa kanyang narinig.
"Halika na kasi, dalian mo maubusan tayo ng upuan sa bandang unahan, gusto kong masilayan ang taong nag bigay sa akin ng napakagandang oportunidad,"
"Yes... I owe him too, dahil ang dami niyang natulungan, pero ayon sa mga taga personnel, binata pa raw ang CEO, pihikan raw kasi ito."
"Matandang binata na siguro, kung maghahanap siya ng magiging makapareha sa buhay, I'm sure ang kalahati ng El' ay makikipila sa kanya, kasama ako roon." May kilig na sabi nito
BINABASA MO ANG
Strip For A Night (COMPLETED)
RomantizmIsang sayaw! Sayaw ng mapangahas! Sayaw ng walang pag alinlangan! Isang gabing sayaw! Sayaw na makapagpabago ng iyong buhay! In one strip? In one click of your hand.... Sasayaw ka pa ba? Cover by: Nightwashedmind Started:July 26,2016