Masama ang pakiramdam ni Jamela nang magising siya ng umagang iyon. Mabuti na lamang nakapag leave na siya, kaya kahit magbabad siya sa kama ng maghapon okay lang. Wala siyang iisipin ngayon kundi ang matulog at ipahinga ang sarili niya. Pakiramdam niya latang-lata naman siya. Ganito ba talaga ang naglilihi ang bigat nga pakiramdam niya.
Dahan-dahan siyang bumangon, ngunit lalo lamang sumama ang kanyang pakiramdam. Biglang nangasim naman ang kanyang sikmura at tila umaakyat iyon patungo sa kanyang lalamunan. Tutop ang bibig, nagmamadaling tumakbo siya papalabas ng silid. Nang marating niya ang banyo ay doon siya nagsuka ng nagsuka kahit walang lumalabas sa kanyang bibig.
Hapung-hapo siya pagkatapos. Pawis na pawis din ang kanyang mukha. Hindi nagtagal ay muli naman siyang nagduwal. Hirap na hirap, humihilab ang kanyang tiyan.
Halos yakapin na niya ang toilet bowl ng matapos siya. Humihingal na nasapo niya ang kanyang tiyan.
Oh, lord help me! Ganito ba kahirap ang sitwasyon niya.
Diyos ko.....
Minabuti niyang magstay muna siya doon. Halos nanginginig ang kanyang buong katawan sa kanyang nararamdaman. Hindi niya kayang tumayo ng mga sandaling iyon. Hinang-hina siya. Hindi niya napigilang umiyak.
Hirap na hirap siya sa kanyang sitwasyon. Awang-awa siya sa kanyang sarili, ni tubig hindi niya magawang uminom. Dahil walang nag-aasikaso sa kanya. Kung sana nasa tabi lang niya ang kanyang ina.Pero hangat maari ayaw niya munang ipaalam iyon sa kanyang pamilya ang kanyang sitwasyon.
Hindi niya alam kung makakaya niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman ang kanyang sitwasyon. Kung kailan siya tumanda saka siya nagkaganoon. Sa malamang baka itakwil siya ng mga ito kapag nagkaganun.
Kung noon halos manghila siya ng lalaki, kulang na lang mamilit siya ng lalaking papatol sa kanya para lang magkaroon siya ng lalaki. Ngayon halos takpan niya ang kanyang mukha kapag meron siyang nakakasalubong na lalaki, hangat maaari ayaw siyang makilala nito. Dahil nitong mga nakaraang araw ay na papraning siya. Tapos heto pa nag karoon pa siya ng thirteen month pay...buntis siya. Nabuntis siya ng ganun ganun agad.
Talaga naman ang bagsik ng isang iyon! Mauuna pa siyang mabuntis sa pinakasalan nito. Isang gabing deposituhan lang jackpot agad siya!
Mas naging emotional siya ng mga sandaling iyon, iyon pala ang mahirap sa sitwasyong napasukan mong wala kang masabihan para e share iyong nararamdaman niya. Halos dalawang linggo siyang stress. Una ang pagkamatay ni Eric, pangalawa ang scandalong papasukan niya kapag meron siyang scandal, kahit sinasabing speculation lang siya, pangatlo itong pag bubuntis siya, solong solo flight siya talaga. Saka na niya intindihin kung papaano ang importante ngayon maging okay dapat siya.
Nang hawakan niya ang kanyang tiyan ay natigilan siya. The child inside her had nothing to do with her mess. Walang kasalanan ito. Blessing iyon sa kanya. Halos hindi pa rin siya tumitinag sa pagkakasalampak niya. Yakap-yakap pa rin niya ang bowl. Hindi pa niya kayang tumayo, mas nanaisin muna niyang mag stay muna roon hangat hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya.
Rake P.O.V
MAY KUNG anong damdamin ang pumapaloob sa kanya ng mga sandaling iyon. Nakailang ikot na ba siya sa loob ng opisina niya. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang nag paroon at parito sa loob ng opisina niya ng mga sandaling iyon. Para siyang aligagang hindi mapakaling itik na hindi niya mawari. Naka ilang patimpla na ba siya ng kape kay Ms. Emily. Kanina pa niya gustong kontakin ang numerong hawak niya. Ngunit nagdadalawang isip siyang gawin niya iyon. Mas gusto niyang makita ito at makausap.
BINABASA MO ANG
Strip For A Night (COMPLETED)
RomanceIsang sayaw! Sayaw ng mapangahas! Sayaw ng walang pag alinlangan! Isang gabing sayaw! Sayaw na makapagpabago ng iyong buhay! In one strip? In one click of your hand.... Sasayaw ka pa ba? Cover by: Nightwashedmind Started:July 26,2016