Chapter 1

31 5 1
                                    

Wala Na

Sa lugar na napakatahimik,maganda't may napaka sariwang hangin.

Ang lugar kung saan naaalala ko pa ang mga sandaling sana maibabalik.

Sa lugar kung saan huli kong naka usap ang taong hinihiling kong sana'y naririto ngayon sa aking tabi.

Sa lugar kung saan nakahiga ako ngayon habang nakatingala sa langit,at walang ibang iniisip kundi ang mga ngiti NIYANG kahit kailan ay nagpapatibok ng aking puso't damdamin.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga,pinagpag ang aking sarili at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

'Haaay...parang kailan lang' nausisa ko sa aking sarili.

Sa isang napakagandang kagubatan,sa tuktok ng bundok,
Sa lilim ng puno,naririto ako't pinagmamasdan ang kapaligiran na wala paring ipinagbago hanggang ngayon.
Naaalala ko pa nung una kaming mapadpad rito.
Napangiti naman ako habang inaalala iyon.

Nathan's Pov

Flashback

"Iho,kumain ka na't late ka na" sabi ni manang Malu habang inilalapag ang mga pagkain sa lamesa

"Opo" walang ganang umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain

"Oh,bakit parang wala ka sa mood iho?" Si manang habang nag titimpla ng gatas at iniabot saakin

"Thank you" ngumiti naman ako pagkatapos ko kunin kay manang ang gatas

"Miss Erika called,she said because Im late humabol na lang raw ako sa camp and besides I have my own car,I can drive my own"

"O,e ano naman problema ron iho?" Si manang

"Its actually fine,but still,this is my first time to be late,at sasabay pa daw sakin yung isang schoolmate ko rin na late kagaya ko"
Inis ngunit seryoso na wika ko

Tsk.First time ko kasi ma late,Ive never done this before -_- but what can I do? Kailangan ko na lang sundin yung utos ni Miss Erika

"Ah,eh kilala mo ba iho kung sino yung isasabay mo?"

"Actually,not"

"Naku,bilisan mo na riyan at baka kanina ka pa inaantay nung  iskulmeyt mo na  isasabay mo rin sa camp"

Kanina pa nag aantay?tss...pareho nga kaming late eh.
I bet that guy is still sleeping -_-

"Yes manang" sagot ko na lang

Lumabas na muna si manang dun sa garden at may aasikasuhin pa raw siya doon.Tinapos ko na ang pagkain ko at inilagay na sa kotse ko ang lahat ng mga kailangan sa camp.
Nang handa na akong umalis,nagpaalam na ako kay manang

"Ingat sa pagmamaneho iho ah?" Nakangiting bilin ni manang

"I will manang,bye" ngumiti pa ako't tumango at nag simula ng magmaneho

Ng makarating ako ng eskwelahan ay may nakita akong babaeng kumukuha ng mga gamit niya sa loob ng tricycle na sinakyan niya.

Nathalia's pov

"Nath!Nath!"

Tss...ang ingay naman!sino ba yang kanina pa tinatawag yung pangalan ko,ang sakit sa tenga,wala talagang respet--"

"Anak!ano ba!late ka na sa camp mo!"

Teka,bakit boses yun ng nanay ko?napapanaginipan ko ba nanay ko?Ano ba yung sinasabi niyang late na ako sa camp?camp saa-?
Ay putcha!!late na ako!

Wala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon