FATE'S POV
"GUMISING KA NA!!" Napabalikwas ako ng bangon. Uh oh! Patay na. Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Mama.
"Fate, ano ba! Kanina pa kita ginigising! Bumangon ka na at kailangan ka na ng mga tao sa Earth!"
Grabe. Ang demanding naman kasi ng trabaho ko. HAAAAY. Oops. Andiyan pala kayo! Hi, I'm Fate. Yup! Tama ang hula niyo, ako nga ang tadhana na kumocontrol sa halos lahat ng pwedeng mangyari sa mundo at mga tao. 17 years old lang ako pero sobrang laking responsibilidad na agad binigay sa'kin ng diyos. Hay nako.
"FATE ANO BA!" Galit na si Mama! Dali dali na akong nag-ayos, pagkatapos ay pumunta dun sa office kung nasaan nakalagay ang Mirror of the World. Pinapakita nito lahat ng gusto ko makita sa buong bansa, meron din itong ka-partner, ang Book of Fates. Alam niyo yung sinasabi nila na do your best, and God will do the rest? Actually, ako ang gumagawa ng rest na yon. Masyado na kasing busy si God sa mga iba pa niyang trabaho. Dun sa Book of Fates nakalagay kung ano na ang mga nagawa mo para ma-determine ko kung deserving ka ba ng good karma o kaya naman bad karma. Ito rin ang basehan ko kung ano ang takbo ng buhay mo. Yup, I control all aspects in your life, except your decisions and actions nga lang. Pero other than that, ako ang bahala dun.
Hindi niyo pa rin ba gets? Sige, eto example. Tingin kayo dito sa Mirror of the World. Kita niyo yung babae na tumatakbo habang may dalang fries? Sarili niyang decision ang pagtakbo niya at ang pagbibitbit niya ng fries, pero ang susunod na mangyayari ay ako na ang may kagagawan.
JULIA'S POV
Holy shit! Late na ako! Nagmamadali akong tumakbo papunta sa gym. kakatapos lang kasi ng lunch time, at late na ako sa next class ko. Bitbit ko pa nga yung french fries ko dahil hindi ko naubos kanina.
Narinig kong nagring ang bell, at mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "Shit. Lagot na naman ako kay Coach!" Sabi ko sa sarili ko habang bumibilis at lumalaki ang hakbang ko. Naaninag ko na sa may dulo yung gym. "Bukas pa yung pintuan, ibig sabihin wala pa si Coach!" Binilisan ko lalo yung pagtakbo ko. Pagdating ko sa may pinto ay nahawakan ko kaagad yung gilid nito para makapasok ako sa loob. Sa sobrang pagmamadali ko na makapasok sa loob ng gym, hindi ko namalayan na may tao pala na papalabas din. Bago pa ako makaiwas ay nagkabunguan na kami.
Ang bilis ng pangyayari, basta ang alam ko lang, nahulog yung bag ko at masakit yung pwet ko dahil napaupo ako sa sahig. Dahan dahan akong tumayo habang hinihimas yung likuran ko. Inabot ko yung bag ko, tska ko napansin na wala na akong hawak na french fries. San napunta yun?!
"Hoy, ikaw!" Sigaw ng isang boses sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin sa taong sumigaw at nanlaki ang mga mata ko.
Patay.
FATE'S POV
Oh ngayon ba, naiintindihan niyo na? Sabi sainyo eh, ako nga ang Fate. Yung iba, tawag sa'kin Destiny, Tadhana, o kung anu ano pa. Pero para mas madali, Fate na lang itawag niyo tutal yun naman ipinangalan sa'kin ni Mama. Alam ko, masama yung ginawa ko dun sa babae, pero ginawa ko lang naman ang trabaho ko, atska, sigurado ako na may importanteng role ang mga tao na makakasalamuha niya, kabilang na ang taong naninigaw sakanya ngayon!