FATE'S POV
"Huuuy. Kausapin mo na kasi ako!" Sabi sakin ni Death habang naglalakad kami papunta sa Heaven's plaza. Makikipagkita kasi kami sa iba pa naming mga kaibigan. At kasalukuyan ko siyang dinedeadma at hindi kinakausap.
"Ano ba kasi, Fate! Makipagusap ka na nga! Ginagawa ko lang naman trabaho ko nun eh." Sabi ni Death. Mukhang napipikon na rin siya. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakarating na kami sa Heaven's plaza at nakita ko na sina Life at Time. Tumakbo si Life papalapit sakin atska ako niyakap.
"Fate!" Bati niya sakin. Nginitian ko naman siya. Si Time naman ay nakipagkwentuhan agad kay Death.
"Ano, bati na kayo ni Kuya?" Tanong ni Life.
Si Life at Death pala ay magkapatid. Actually, fraternal twins sila, pero mas matanda ng 5 minuto si Death kaya Kuya ang tawag ni Life dito. Best friend ko si Life. Siya ang namamahala sa pagbibigay ng buhay sa mga tao sa Earth. Pinaka busy rin siya dahil maya maya ay may nabubuhay na nilalang sa lupa.
Si Time naman ay ang kumocontrol sa oras. Siya ang tagapamahala ng past, present at future. Medyo stressed lagi yang si Time kasi nakikita na niya kung ano ang mangyayari bago pa man ito maganap, pero magaling magbigay ng advice yang si Time, alam na alam niya kasi kung ano ang magpapabuti sa'yo. Magbest friend yang si Death at Time. Ever since nung mga bata pa kami ay hindi na mapaghiwalay yang dalawa.
Umiling ako sa tanong ni Life. Tumawa naman siya. "Oo nga, wag mo muna batiin. May dalawang araw pa kasi dapat yung matandang lalaki pero kinuha na niya agad. Napaaga nga yung panganganak nung apo nung matanda eh. Nastress tuloy ako kasi hindi ako prepared na magbigay ng buhay." Sabi ni Life.
Agad akong tumakbo kung saan nakatayo si Death at Time.
"Hoy, Death! May dalawang araw pa pala yung matandang lalaki! Atat na ata kang kumuha ng buhay ah!" Sigaw ko sakanya.
"Kanino mo na--" Panimula niya pero sumabat na agad ako.
"Kay Life!" Sagot ko.
Tinignan ni Death ng masama ang nakababatang kapatid at bumaling agad sa'kin. "Fate, mas ma-" Naudlot ang pageexplain ni Death ng tumunog ang portable Mirror of the World na nakasilid sa bag ko. Nilabas ko kaagad ito at nakitang umiilaw. Nako, may conflict na naman!
"Next time ka na magexplain, may emergency!" Sabi ko sabay takbo papalayo sakanilang 3.
Agad akong pumunta sa isa sa mga teleportation pod na nakahilera sa may gitna ng Heaven's Plaza. Pagtapak ko sa pod, ilang segundo lang ay nakatayo na agad ako sa gitna ng office ko.
Dali dali akong pumunta sa Mirror of The World at dumungaw para makita kung ano na ang nagyayari.
JULIA'S POV
"Nakakabwisit!" Pang-gigigil kong sabi.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Student's circle kasama si Enrique. Vacant period kasi namin, kaya naisipan na lang namin tumambay doon.
Kaninang PE ay nasermunan na naman ako ni Coach. Late daw ako pumasok. Hindi daw kasi porket wala pa siya ay dapat daw magpalate na kami, dapat ay on time pa rin kami sa pagpasok sa klase. On probation tuloy ako! Ang nakakainis pa lalo, iisang tao lang ang may kasalanan ng lahat ng ito, si Jeron Teng.
"Ano bang ikinagagalit mo diyan?" Tanong ni Quen habang umiinom sa binili niyang coke.
"Yang Jeron Teng na yan! Kung di dahil sakanya, on time sana ako makakapasok sa class!" Sabi ko habang naglalakad.