FATE'S POV
"Fate" Tawag ng boses sa'kin.
Hindi ako sumagot dahil nahihimbing pa ako sa tulog ko.
"Fate!" Tawag ulit. Sumimangot lang ako pero hindi pa rin dumilat ang mata ko. Kainis, natutulog yung tadhana eh!
"Hoy, Fate! Gumising ka diyan!" Sigaw na ng boses. Napabalikwas ako ng bangon ng marealize ko kung sinong tumatawag sa'kin.
"Ay! God, ikaw pala yan!" Sabi ko, pangiti ngiti na kunwari ay hindi ako nahuli ni God na natutulog habang oras ng trabaho.
"Tulog ka na naman. Oh, tapos mo na ba yung mga priority list mo sa Book of Fates?" Tanong niya sa'kin.
"Opo, tapos na. Nagpapahinga na lang ako." Sagot ko.
Hindi ko nakikita ang itsura ni God. Actually, wala pa atang nakakakita sakanya. Sinag lang siya ng ilaw na kumakausap sa'kin at sa iba pa niyang mga katulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa mundo.
"Oo nga pala, nagusap na ba kayo ni Death?" Tanong niya sa'kin. Napasimangot agad ako.
"Hmp. Ayoko kausapin yon. Pagkatapos niyang makielam sa ginagawa ko nung isang araw!" Paghihimutok na sagot ko.
"Makipagbati ka na. Kawawa naman si Death, kahapon pa ko kinukulit na kausapin ka. Sorry na daw." Sabi ni God sakin. Tahimik lang ako at di nagsasalita."Oh sige. Bahala ka na diyan ah. Galingan mo. Babalik na ako sa Heaven at marami pa kaming gagawin nina Michael at Gabriel." Sabi niya sakin.
"Sige po. Ingat, God!" Pagpapaalam ko.Unti unti ng nawala ang liwanag.
Kung iniisip niyo kung sino si Death, siya ay kagaya ko. Ang kaibahan lang, imbis na mga kapalaran ang hinahawakan niya, ang trabaho niya ay maghatid ng kamatayan sa mga taong tapos na ang oras sa mundo. Oo, medyo malungkot sa una, pero sabi naman ni Death sanay na siya at hindi naman daw kasi maiiwasan ang kamatayan. Si Death ay 18 years old naman, at boyfriend ko din siya. Oh diba! Oo, kahit kami ay may love life din! Kasi syempre, kapag nagretire na kami, mga anak naman namin ang papalit sa'min. At oo, tama yang nasa isip niyo! Si Mama ay nagsilbing Fate din dati, pati na ang lola ko at lola sa tuhod, pati hanggang lola sa talampakan pa!
Magkaaway kasi kami ni Death ngayon. Pano ba naman, bigla niyang sinundo yung matandang lalaki sa magasawa na taga London na sinusubaybayan ko ang love story simula pa nung una ko silang mapansin. Gagawa pa dapat ako ng paraan para maligtas siya, pero nauna sakin si Death, kaya ayun, namatay yung lalaki at ngayon ay naiwang luhaan yung matandang babae. Naawa tuloy ako. Sabi ko pa kay Death, kunin niya na rin yung babae para magkasama silang muli ng asawa niya, pero ayaw niya, hindi pa daw oras ng babae. Kaya bahala si Death, di ko siya kakausapon. Magdusa siya!
Lumapit ako sa Book of Fates para tignan kung meron pa ba akong mga hindi natatapos sa priority list. Habang nagbabasa at nagaayos ng mga dapat gawin ay napahikab ako. Inaantok na naman ako, haaay.
"Tanga ka ba?! Hindi mo ba ako nakita, hah!?" Rinig ko. Huh? Ano yun? Tumingin tingin ako sa paligid. Wala naman ibang tao sa office kundi ako. Sigurado rin akong hindi sina Mama yon dahil umalis silang lahat at ako lang ang nandito sa bahay.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Maka-tanga ka diyan eh mas matalino pa ko sa'yo!" Sigaw ng boses. San nanggaling yun? Napatingin ako sa Mirror of the World at nakitang umiilaw ito. Usually, umiilaw lang yung Mirror kapag conflict ang naidulot ng kung ano mang ginawa ko. Nagmadali akong pumunta dun, baka kasi ang nagawa ko pala ay magresulta ng World War 3 o kaya Nuclear War, pag nangyari yon, lagot talaga ako!