Chapter 41: Untitled

57 2 0
                                    

TRIX'S P.O.V. (Perstaym ba? XD)

        "Hoy Blaze!! Kelan mo ba balak aminin sa best friend ko ha?!" bulyaw ko sa kanya nung papalapit siya samin. Nandito na kami sa 'Secret Hideout' namin na kanina lang namin nadiscover dito sa school.

    "Edi kung kelan ko aaminin, duh." sabi niya at inirapan ako. Binatukan ko naman. Abba! Ganunin daw ba ako?!

        "Ayus-ayusin mo ang sagot mo sakin Blaze. Second chance mo na to kay Lex." sabi ko habang dinuduro-duro ko siya.

    "Eh sa hindi ko alam eh!!" medyo pasigaw niyang sabi.

    "Ang hina mo pala pre. Torpe pa." sabi ni Jacob na kakadating lang. I gave him a quick kiss sa pisngi.

    "Kasalanan ko bang nagihing mahina ako pagdating kay Lexi??" sabi naman niya at inubob ang ulo niya sa lamesa. Yes, may lamesa at upuan din dito.

        "Just confess to her!" sabi ko.

    "HOW?!" tanong ni Patrick.

        "Gawa ka ng surprise. A big one." sabi ko at ngumiti.

  Alam kong gets na niya yun. Tumayo na kami at hinanap na namin si Lex.

--

PATRICK'S P.O.V.

  Paano naman ako makakagawa ng isang surprise?!

  Putakte naman kasi si Trix eh!! Oo gumagawa ako ng surprise, SA MGA FLINGS KO LANG YON! Ayokong ganun ang surprise ko para kay Lexi. Gusto ko, sabi nga ng mga bakla, yung BONGGA. Hindi yung cheap! Ang yaman-yaman ko tapos ganun-ganun lang ibibigay ko kay Lexi?! NO WAY.

    "Huy Patrick! Kanina ka pa tulala." sabi ni Lexi at tinatapik mukha ko. Ay shet! Ang lapit ng mukha niya!!

        "Aish!! Layo!" sabi ko at medyo nilayo ko yung sarili ko sa kanya.

    "Hala!! Oh my ghad Patrick!! Don't tell me na nababakl --" -Lexi

        "Hindi totoo yang sasabihin mo." inunahan ko na agad siya. Sa gwapo kong to?! Magpapakabakla lang ako?! Kawawa naman tong babaeng to.

    "Pero kung makalayo ka ah! Sabihin mo, bakla ka na talaga no?" sabi niya at umupo sa tabi ko. Nasa garden kasi ako ngayon na kasalukuyang nakaupo sa bench.

        "Hindi ako bakla." sabi ko.

    "Eh bakit kung makapaglayo ka kala mo kung sino!" sabi niya.

        "Ang lapit ng mukha mo." sabi ko. Totoo naman eh!! Abba kung hindi ako nakapagpigil kanina,
nahalikan ko na tong babaeng to.

    "Edi bakla ka na nga!!" sabi niya habang tinuro ako.

        "I'm not a gay, Lexi." sabi ko. Putek patahimikin niyo to kundi ako na mismo magpapatahimik sa kanya!

    "Sus, tagu-tago ka pa sakin! Aminin mo na na bakla ---HMPPFFF!!" -Lexi.

  Pinatahimik ko na. Paano? Hinalikan ko siya. Shet, I missed this. Malabong nawala ang pagmamahal ko sa babaeng to. I'm still madly inlove with her. Ang gay pakinggan! Pero ganun eh, mahal ko siya eh, wala kayong magagawa.    

  I broke the kiss at tinitigan siya. Hoy hindi ko siya Finrench kiss!! Kadiri, masyadong kadiri yun. Nakatingin ako sa kanya na nakadilat na, halatang gulat. Nakahawak parin ang mga kamay ko sa pisngi niya. Bigla siyang.. Namula!

  I smirked at her at lalo siyang namula. Tinanggal ko na ang kamay ko sa pisngi niya, mamaya mahalikan ko ulit to eh.

    "Why'd you.. BAKIT MO AKO HINALIKAN?! BWISET KA BLAZE!! AAAAAHHHHHHH!!" umiirit na siya ngayon habang hinahampas ako. Ako naman, natatawa lang sa kanya! Mas mapula pa siya sa kulay na pula eh!! Nag'gGlow pa siya! HAHAHAHA!!

    "BWISET KA!! WHY DID YOU DO THAT?!" sigaw niya at tinigil na abg paghahampas sakin.

        "Para patunayan sayo na hindi ako bakla. Oh ano? Naniniwala ka na? Oh gusto mo isa pa? Mukhang nasarapan --"

    "PUTEK KA!! TUMAHIMIK KA! WAG KANG MAGSASALITA!!" sigaw niya. Natawa naman ako. Ang cute niya tignan! Para siyang batang nagwawala kasi nahulog yung lollipop niya. HAHAHA!!

    "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?!" naiirita niyang tanong. Napailing na lang ako at tumawa ng mahina saka tumingin sa ibang direksyon.

  Nakakamiss din to. Yung lagi kaming nagbabangayan, nag-aaway. Yung katulad lang ng dati? Kasi dati, kapag galit siya sakin, yun yung chance ko na lambingin siya. Nung malungkot siya, yun yung chance ako ang nagiging dahilan ng pag-ngiti niya. Nung umiiyak siya, yun yung chance na mayayakap ko siya ng mahigpit para lang mapatahan siya. Gusto ko maulit ng lahat ng yun dahil dun ako nagkakaroon ng chances. Chances to kiss her, hug her, comfort her, cuddle her.

  And most of all, yun din yung nagiging paraan, para naiparamdam ko sa kanya kahit konti manlang, na mahal ko siya.

  Pero sa tingin ko, hindi na mauulit yun. Haish.. Pag-ibig nga naman oh. Parang nilalaro ka. Pero ang totoo, kahit na alam mong nilalaro ka, may natututunan ka sa bawat laro.

  Hindi mo maiiwasang masktan at masugatan. It's part of the game diba? Ang masaktan at masugatan. Pero may oras na, gagaling ka. Diba? Yung sugat na natamo mo sa laro, gagaling.

  Hindi naman instant ang healing pero sabi nga nila, Healing Takes Time.

  Bakit ko sinasabi toh? Kasi, nasaktan ako. At ngayon, hinihintay kong gumaling yung sugat.

  Pero sa tingin ko magaling na eh, kasi yung gumawa ng sugat, siya rin yung nagpapagaling sa sugat na nagawa niya. Nakakatuwa diba?

  Pero umaasa ako na, sana maging kami ulit. Dahil dun, may second chance ako. At gagawin ko ang lahat MAS pa sa ginawa kong pagpapasaya sa kanya.

  Ito ang nagagawa ng love sakin. I'm truly, madly and deeply inlove with Lexandrea Robinson.

The Playboy and The Strong GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon