The Playboy and The Strong Girl

83 2 0
                                    

Chapter 33 : You Are Just Using Him

~

So, pagkatapos naming hanapin si Patrick, umuwi na kami. Hindi ko muna ipapaalam kay Mama baka bukas na, pagod kasi ako masyado ngayon eh. Pumasok na ako sa bahay, nakita ko naman agad si Mama na nakangiti. Binitawan ko muna yung bag na dala ko at niyakap ko agad si Mama.

"Musta outing natin? Bakit hindi ka nangitim?!" reklamo ni Mama sabay alis sa hug namin. Nagkatitigan muna kami ng ilang seconds at nagtawanan. Niyakap ko ulit siya.

"Masaya naman po, hindi po kasi ako masyadong nag'swimming." sagot ko naman. Biglang may nag'ahem sa likuran. Kaya napaalis ako sa hug ni Mama. Lumingon ako sa likod at si ALEX!!!!

"Alex!!" sabi ko sa kanya at niyakap siya. Tumawa naman siya at niyakap niya din ako.

"Alex, tulungan mo na muna ang Ate mo mag-impake ng gamit niya sa kwarto niya." utos naman ni Mama. Binitbit na ni Alex yung bag na dala ko at dumeretso na kami sa room ko. Inayos ko na yung damit ko sa closet ko.

"Ate."

"Oh?"

"May bumabagabag ba sa iyo?" aw. Napansin niya? Bakit ba kailangan kasi, kilalang-kilala pa ako ng kapatid ko? Natural kapatid mo eh. Ay kinausap mang sarili? Ehehehe.

"Wala naman. Bakit?" sagot ko naman sa kanya.

"Meron eh, dali sabihin mo na sa akin!!!!" pamimilit niyang sabi. =____=" Ang kulit din eh no. Pero meron ngang bumabagabag sa akin. Kung paano ko masasabi kay Mama na may boyfriend ako tapos ang boyfriend ko ay yung dating bully ko. But he said he was sorry naman diba? Takte naman...

"Uhm.... Paano mo ba sina---" naputol yung sasabihin ko dahil nag'beep yung cellphone ko. Kinuha ko naman agad at binasa yung text.

~

From : JM

Bukas akoo pupunta dyan sa inyo. Para makilala na ako ng Mama mo. Kung okay lang sayo?

~

Sa text niyang yan... Kinakabahan na ako.

"Uhm... Alex, paano mo ba sinabi kay Mama na may girlfriend ka na?" tanong ko agad sa kanya. Nabigla naman siya sa tanong ko.

"Just keep calm and relax. Pagkatapos ko naman sabihin yun eh, magaan naman sa pakiramdam ko dahil payag si Mama kay Dianne ko eh. Bakit?" tanong naman niya agad at tinitigan ako straight to my soul. Creepy....

"W-wala lang. Sige, salamat sa pagtulong mo." sabi ko naman sa kanya at niyakap siya. Ngumiti nalang din siya at umalis na sa room ko. Buti nalang hindi palatanong ang kapatid kong napakapogi. Ehehehe.

Nagbihis na ako into my pj's at humiga na ako sa bed ko.

Itutulog ko na muna to, and the confession will start tomorrow. Ano kaya ang masasabi ni Mama? Kinakabahan na talaga ako. Relax lang Lex, reeeeeeeellllaaaaaaaxxx..... I hummed myself a sleepy song and drove myself into a deep sleep.

~

THE NEXT DAY

~

My eyes are wide open sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Baka kasi hindi payag si Mama kay JM. Pero sana naman. I am freakishly wishing na payag si Mama kay JM. Kaba, layuan mo ako!!!!!!! >_____<#

TOK~

TOK~

TOK~

Napatalon naman ako sa kama ko dahil sa katok. Lalo tuloy akong kinabahan. I slowly walked towards the door and opened it slowly. I popped my head out and I saw my Mother. O.O

The Playboy and The Strong GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon