Ikatlong Kabanata [1.2]

26.5K 546 23
                                    

[3]

''ATE ERIKA, handa na po ang dinner. Kumain po muna tayo,'' ani Ixtin sa akin habang karga ko ang natutulog na si Baby Toby.

''Okey lang ba na iwan ko si Baby Toby dito mag-isa?''

''Oo naman po! Hindi naman po iyan pasaway...Tayo na po.''

''Sige, susunod na lang ako...''

Pagka-alis ni Ixtin ay ibinaba ko na sa crib si Baby Toby at tumuloy na ako sa komedor. Masarap ang nakahain sa mesa. Mainit na kanin, pritong tilapya at sinigang na baboy.

''Nasan si Yaya Thess niyo? Hindi ba siya sasabay sa pagkain natin?'' ani ko habang kumukuha ng umuusok na kanin.

''Wag niyo na po siyang alalahanin...Kumakain na po 'yun sa kwarto niya, ayaw ditong kumain baka daw makahawa pa ng lagnat niya,'' sagot ni Calvin.

Habang kumakain kaming tatlo ay panay ang kwentohan namin. Matapos kumain ay naghugas ng pinggan ang magkapatid.

Napagdesisyunan namin na manood ng DVD sa salas. Naki-join din sa amin si Thess.

The Strangers ang pinanood namin. Tungkol iyon sa mag-asawang pinasok ng tatlong killer. Hindi naman nakakatakot pero iyong fact na mangyari sa iyo ang ganun ay talagang nakakapanindig ng balahibo.

Habang nanonood ay napansin ko na puro may grills ang mga bintana sa kabahayan at ang main door ay gadena na may malaking susi ang lock.

''Thess, bakit ganyan iyong lock ng pinto?'' tanong ko.

''Naku, simula ng mauso ang mga patayan na yan, natuto na kaming i-lock ng mabuti itong bahay...Nakakatakot naman talaga. Parang kahit saan ka pumunta hindi ka na safe.'' ani Thess.

Nagkibit-balikat ako. ''Sabagay, mabuti na iyong nag-iingat...Teka lang, kukuha lang ako ng tubig. Nakakauhaw naman iyang pinapanood natin...'' turan ko.

Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Bubuksan ko na sana ang ref ng mapansin kong bukas iyong back door sa kusina. Napag-desisyunan kong sarahan iyong back door. Pero nagulat ako ng may makita ako sa sahig...

Mga bakas ng paa?! May nakapasok sa loob ng bahay?!!

Sinundan ko iyong bakas at nawala iyon sa harapan ng banyo.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

One Night Only [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon