Ikalawang Kabanata [2 of 2]

27.1K 575 28
                                    

''Ah iyon ba? May lagnat kasi ang katulong ko na si Thess. Mahirap na baka mahawa pa ang mga anak ko. Isa pa, ngayong gabi ko lang naman kailangan ng babysitter dahil may pupuntahan lang kami ng asawa ko. Debut kasi ng pamangkin ko.'' paliwanag ni Mrs. Sanchez.

Habang nag-uusap kami ay dalawang teenager ang dumating. Isang lalake at babae. Mukhang galing ang mga ito sa school dahil naka-uniform ang mga ito.

Humalik ang dalawa sa pisngi ni Mrs. Sanchez.

''Eto nga pala ang dalawa kong anak. Si Calvin, 3rd year high school at si Ixtin, 2nd year na siya...'' pagpapakilala ni Mrs. Sanchez sa mga anak niya.

Maya-maya ay nag-paalam na si Janine dahil baka daw siya gabihin sa pag-uwi.

Nang makaalis na si Janine...

''Ang mabuti pa Erika, samahan mo ako sa taas upang makita mo ang aalagaan mo...'' ani Mrs. Sanchez.

''Sige po...'' sagot ko.

Isang one year old na lalaki pala ang aalagaan ko. Ang cute-cute nito habang natutulog sa crib.

Itinuro sa akin ni Mrs. Sanchez ang tamang pag-aalaga kay Baby Toby. Pagtitimpla ng gatas, pag papalit ng diaper at kung anu-ano pa.

Ilang saglit pa ay dumating na ang asawa nito na isa palang pulis na may mataas na katungkulan.

Bago umalis si Mrs. Sanchez ay nagbilin ito ng ilang bagay: ''Calvin, Ana, wag pasaway ha. May sakit si Yaya Thess kaya hindi sya gaanong makakakilos...Erika, ikaw na ang bahala kay Baby Toby. May tiwala ako sa iyo...Oo nga pala...I-lock niyo ang mga pinto bago matulog.'' at tuluyan ng umalis ang mag-asawa...

ITUTULOY...

---===O===---

SUSUNOD!

''Simula ng mauso ang mga patayan na yan, nasanay na kaming i-lock ng mabuti ang bahay''- Thess

Mga bakas ng paa? May nakapasok sa bahay!?!

KRiiiinNNgggg!!!

''hello?''

''gusto kong maligo sa dugo mo Erika!''

---===o===---

P.S.

mhal_ko_c_xii as IXTIN

talagang ginawa na kitang character dito :)

One Night Only [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon