Unang Kabanata [2 of 2]

31.6K 718 76
                                    

''Meron nga. Janine, papalayasin na kasi ako sa boarding house kapag hindi ako nakapagbayad bukas. Kailangan ko ng pera...Me isang libo ako, kulang pa ako ng dalawang libo!'' malungkot kong turan.

Nagulat ako ng biglang tumili si Janine. ''Tamang-tama, friend! Kailangan ni Mrs. Sanchez ng magbabantay sa mga anak niya mamayang gabi! Dalawang kyaw ang sweldo...''

''Mrs. Sanchez? Sino naman iyon?''

''Si Mrs. Sanchez, 'yung mayaman na nakatira sa kabilang subdivision! Ano payag ka na? Isang gabi ka lang naman magbe-baby sit Erika at kikita ka na ng two thousand pesos!'' napaka-dramatic na sabi ni Janine.

Pumayag ako sa sinabi ni Janine. Actually, si Janine dapat ang magbe-baby sit sa mga anak ni Mrs. Sanchez pero dahil mas kailangan ko daw ng pera ay ako na lang daw ang magtrabaho para kay Mrs. Sanchez.

Pagka-uwian namin sa school ay naglakad na kami papunta sa bahay ni Mrs. Sanchez. Malapit lang naman pala sa school ang bahay nito kaya naglakad na lang.

Sa paglalakad namin ay may nakita kaming mga taong nag-uusyuso sa harap ng isang bahay.

Pinilit ako ni Janine na makiusyuso. Nakipagsiksikan talaga kami para makapunta sa unahan. Minasacrre pala ng isang nakatakas na serial killer ang lahat ng taong nakatira sa naturang bahay.

Halos lahat ng tao na nandun ay nagtakip ng ilong ng mula sa loob ng bahay ay sunod-sunod na ilabas ang limang stretcher kung saan naroon ang mga napatay na biktima. Natatakpan ang mga iyon ng puting tela na may bahid ng dugo.

Nang matapat sa akin ang isang stretcher ay may biglang nahulog mula roon.

Pugot na ulo ng isang lalaki!

Tila may sariling isip iyon na gumulong at huminto sa paanan ko.

Nagulantang ako sa nangyari. Tila nakatitig sa akin iyong pugot na ulo. Gumapang ang isandaang kilabot sa buong katawan ko. Nanginig ako at isang malakas na tili ang pinakawalan ko...

ITUTULOY!

Pls. comment and vote.

One Night Only [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon