Seoul please be good to us

10 1 0
                                    

Icay's Pov

Nasa airport na kami ngayon, maaga pa nga kami sa call time ng tatlong oras eh. Kinakabahan ako na naeexcite kagabi habang nagiimpake, kasi naman first time kong sumakay sa airplane.

'Cia, are you excited? Ako, sobra gusto kong makakilala ng mga bagong kaibigan hindi katulad nung school natin dito mga patay na bata eh. Tyaka alam mo ba hinanap din kita kagabi, pero iba yung nahanap ko isang batang lalaki. Sabi niya hunhun daw name niya, snobber pa nga eh pero sa dulo binigay niya itong scarf niya sa akin. At hindi lang yun, sabi niya korean daw siya, nagbakasyon lang daw sila rito ng family niya, sana makita ko ulit si hunhun'

'Can you please shut up! Hindi ko gusto lahat ng toh, napipilitan lang ako okay! Kasi alam ko kung umayaw ako, sa basurahan ako pupulutin tsk'

What just freakin happen? Nagiba ang mood ni Francia, as umusod siya ng upuan buti nalang nasa may vending machine si Mommy at si Daddy naman papunta palang. Si dad kasi masyadong  babad sa trabaho kaya inasikaso niya muna yung mga iiwan niya ritong trabaho bago kuhanin yung mga files.

Sa tingin ko ayaw talaga umalis ni cia, feeling ko napipilitan lang kasi siya para matuwa sila mama sa kanya. As you can see, Cia really likes soccer but daddy didn't approved it kasi nga babae siya, so ang ginagawa niya ay tumatakas siya para makapagpractice. Isa pa mom really hates failing grades, eh si Cia palaging may failing grade kaya palaging napapagalitan.

Tsked.. I really feel sad for her, kaya ginagawa ko ang lahat makapagopen up sa akin.

After an hour, tinawag narin ang flight namin at saktong dumating si dad. Agad akong kinarga ni dad, ma-gala kasi akong bata eh, kapag may nakita akong maganda sa mga mata ko tatakbuhin ko talaga yun at titingnang mabuti. Si mommy naman ang nagtutulak ng baggage namin at si Cia, well parang may sarili siyang mundo sa iphone niya.

Oo, may iphone na kami, bigay ni daddy si cia lang madalas gumamit yung akin kasi na kay mommy, hindi ko naman kasi ginagamit eh mas gusto ko kasing sa labas maglaro. Ibinigay nanamin kay ateng maganda yung passport namin, oo ateng maganda hindi ko kasi nakita name niya eh. Yehey~ sasakay na kaming airplane..


Cia's Pov

I'm bored seating. Kanina pa kami nakaupo, base on my calculations almost five freaking hours. Si mom kasama ko kaya para akong patay na bata dito, strikto kasi si mom eh kapag kunting kibot sasawayin, tss palagin Hb. Samantalang nageenjoy si Icay sa tabi ni daddy, it's totally unfair.

'Problem, francia?' mom asked, I just ignored her. Naglaro nalang ako ng Drug race dito sa phone ko while letting my earphone blasts it's music to my ears through the music of Ghost busters by fall out boys.

I really wanna be a racer someday, ayoko magmodel katulad ng sinasabi sa akin ni mommy or Doctor o teacher o tagapagmana nung company. Gusto ko yung sasaya ako, ayoko kasi ng nalulungkot ako eh. Gusto ko palagi kong gusto yung ginagawa ko para hindi boring, pero mas gusto ko maging proud yung magulang ko sa akin.

Yung tipong sasabihan ako na 'We're so proud of you' na kahit kailangan hindi ko pa naririnig, tapos pagkasabi nila nung mga katagang yung, they'll hug me tight yung ipaparamdam sayo na lagi lang silang andyan... yung yakap na nagsasabing hindi ka namin iiwan yung mga yakap na ganun ang mahirap pakawalan.

Kaya ikaw south korea, please be good to me. I hope i'll find someone that will make me feel happy and contented.

Two is better than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon