Kala Ko Tayo? [Oneshot!]

6.3K 128 30
                                    

Akala ko kasi tayo,

Kasi napaka sweet mo.

Kasi lagi tayong magkasama.

Kasi pinakilala mo na ako sa parents mo,

Kasi akala ko mahal mo ko,

Nag assume lang pala ako.

Hindi mo pala ako GUSTO.

~×~

"San tayo ngayon?" Sinabi mo yan sabay akbay.

"Kahit saan!" Sabi ko at ngumiti.

"Sige basta gusto ko kasama ka." Ngumiti ka at hinawakan yung kamay ko.

Nanginginig ako nun para bang bakuryente ako kinilig pala ko napangiti nalang ako. Pumunta tayo sa paraiso, este park pala.

"Ganda dito no!" Ikaw at tinaas mo pa yung kamay mo ngumiti ka na parang malayang malaya.

Napatitig nalang ako sayo ang bawat ngiti mo parang sobrang saya mo.

"Alam mo, pag malungkot ako dito ko pumupunta." Tapos ngumiti ka ulit.

Kainis ka naman! Ngiti ka ng ngiti yan tuloy napapangiti na din ako.

"Bakit tahimik ka?" Sabi mo at napatitig sakin.

"Ha? Wala wala!" Sabi ko.

"Tsk. Hindi ka ata masayang kasama ko." Sabi mo at parang lumungkot yung mukha mo.

"Ha? Hindi ha! Ang saya saya ko nga eh!" Sabi ko at nag fake smile.

"Alam mo masaya ako kasi kasama kita,
." sabi mo at lumapit ka sakin.

Hinawakan niya yung kamay ko at humiga sa mga damo. Napahiga narin ako, magkatabi tayo at nakatingin sa ulap.

"Ang ganda ng ulap no?" Tumingin ka sakin At napatingin din ako sayo.

"Oo." Sagot ko naman.

"Lika uwi na tayo." Yaya mo sakin at hinawakan yung kamay ko.

~×~

Kinabukasan, nakita kita at lumapit ka sakin.

"Jess!" Tawag mo sa pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko sayo.

Alam mo ba Alex, gustong gusto ko na lagi tayong magkasama. Lagi mo kong niyaya, kahit san sasama ko kahit sa simbahan pa.

Para ngang tayo eh! Lagi kasi tayong magkasama. Sa recess, lunch, sabay sa pag uwi.

"Alex kayo ba?"

"Jess kayo?"

"Yiieeee"

Yan nalang yung parati kong naririnig, ikaw naman napapangiti nalang, feeling ko nga tayo na talaga.

"Jess papakilala kita sa mama ko ha!" Sabay ngiti at hawak ng kamay ko.

"Ha? Bakit?"

"Gusto ka raw nyang makilala." Sabi mo at hinila ako papunta sa inyo.

At yun nga! Ang inaasahan puro..

"Ayiie!"

"Nak ayan ba girlfriend mo?"

Ngumingiti nalang ako, At napapangiti ka din.

~×~

Pero isang araw, hindi mo na ako pinapansin, lumalayo kana, ni hindi mo man lang ako matitigan.

Ang dating tawanan, ngayon wala ng pansinan. Bakit siya nagbago?

~×~

Nakita kitang may kasama Alex, isang babae halos tumumba nako, hindi na masuportahan ng tuhod ko ang binti ko. At lalo ako napaluha ng hinawakan mo siya at niyakap.

"Alex!" Sumigaw ako habang umiiyak.

"Uy jess! Sino nag paiyak sayo?"Pinunasan ang luha ko.

"Kala ko Tayo?" Tanong ko sayo.

"Tayo? Hindi tayo jess." sabi mo at lalong bumagsak na yung mga luha ko sa mata.

"Ha? Baki---" sabi ko at sinisinok sinok sinok pa.

"Jess, ganto talaga ko sorry kung nahulog ka, pero Jess hanggang kaibigan lang tayo." Sinabi mo ng mahinhing boses.

Alex ang Sakit ng ginawa mo, pinaasa mo ako.

Umalis ka at sumama sa babae, habang eto ko umiiyak at nag pupunas ng luha, sobra kasi akong umasa.

***

-Wag kang MAGEXPECT para hindi ka Masaktan.

-Wag mong sabihin na Paasa sya kung nag ASSUME Kalang.

-Lahat tayo nasasaktan, Lahat ng Tao. Kaya kung kala mo nag iisa ka. Andito lang Si GOD hinding hindi nya tayo iiwan :)

-END

Thank you for reading! ;)

Kala Ko Tayo? (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon