Hey! Mr. Potato (one shot)

100 3 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the content of MY work in anyway. Please obtain permission.

All Rights Reserved. 2013

By one and only GumbleDarwin.

Follow me on Twitter @AlecxMansalapus and also here in Wattpad.

Don't forget to click the vote and comment button!

Enjoy reading! :)

***

''Kyla bumili ka muna ng patatas sa palengke, nakalimutan ko kanina bumili.'' utos sa akin ng nanay ko

''K.'' maikling sagot ko habang dahan-dahang tumatayo mula sa pagkakahiga

''Anak, malungkot ka na naman. Kalimutan mo na kasi yang Arl na yan. 18 years old ka pa lang, matalino ka, maganda ka. I'm sure makakakita ka pa ng lalaking deserving ng pagmamahal mo. Don't consume your time thinking all day long about your unworthy ex-boyfriend. Hintayin mo lang, everything takes time. Malay mo sa pag punta mo ng palengke makita mo si Mr. Right... anak hindi mo hawak ang tadhana, at isa pa hindi lang si Arl ang lalaki sa mundo. Anak bilyon ang tao sa mundo, hindi ka naman sinumpa para wala kang mahanap, hindi ba?'' sermon ng nanay ko sa akin well may point naman siya dun.

''Sige na nga, mother knows best naman eh.'' sabi ko sa kanya nang nakangiti

''Ikaw talaga, siyempre gugustuhin ko ba namang magmukmok ka na lang jan sa kwarto mo at sayangin yang buhay mo sa pagi-isip doon sa tarantadong Arl Vincent na yon. A big no-no.'' sabi niya ng mahinahon

''Oh 'ma puso mo. Haha! Oh sige bibili na ko.'' paalam ko sa kanya

''Bilisan mo at mag-ingat ka sa daan.'' paalala sa akin

Pinapangako ko sa sarili ko, paglabas na paglabas ko ng pintuan naming Narra. Bagong buhay. Forget the bastard named Arl Vincent Cruz. MOVE ON. And wait for Mr.Right.

***

''OH~~ISDA! ISDA! TAMBAKOL OHH! OH MISS GANDA! 1OO NA LANG PARA SAYO!!'' sabi sakin--este sigaw sa akin nung tindero ng isda umiling na lang ako para sabihing hindi ako bibili

Hinanap ko yung mga tindahan ng patatas, pagdating ko doon naghahanap ako ng magagandang patatas kasing ganda ko.

Ano ba naman mga patatas dito! Mga bulok na!

Kaya pumunta pa ako doon sa bandang dulo na tindahan na ang daming mamimili, aba mukang mabenta yung tinda nila ah! Ibig sabihin magaganda yung binebenta nilang gulay.

And voila! Nagwagi ako sa paghahanap ng maayos-ayos na patatas. Grabe! Patatas lang pero ang hirap maghanap. Pinahirapan pa ako.

Pumili ako ng malalaki at yung walang bulok na parte na patatas. Tanchado ko namang kalhating kilo naman 'to kaya ibibigay ko na sa tindero...

Noong tumingin ako para hanapin yung tindero, parang wala. May mukang artista tapos puro mamimili na. Alangan naman yung mukang artista yung tindero diba? Pero yung mukang artista yung nagi-intindi sa mamimili.

Sasabihin ko sana doon sa tindero na paki-kilo yung mga patatas na dala ko pero nakakita ako ng isang lalaking mas muka pang model ng Calvin Klein kesa sa tindero sa palengke.

Jusko po! Tindero ba 'to? Ba't mas muka pang artista? Kaya naman pala ang daming bumibili dito. Libre tingin sa gwapo. Sinuri ko siya di naman niya alam eh, tantsa ko mga 18 years old din ito katulad ko, matangkad para ngang magkaka-stiff neck na ko dahil nakatingala ako para suriin siya eh. May nunal sa parteng dibdib nakikita ko dahil naka-V neck siya, singkit, mukang may kaya at hindi mukang tindero sa wet market. Tanggap ko sana kung sa supermarket man lang eh, pero sa palengke na amoy isda? NAKAKAPAGTAKA.

Binigay ko na sa kanya yung mga patatas na dala ko at napansin kong..... nakatitig siya sa akin.

''Kuya? Kalhating kilo lang, paki-check kung tama yung tancha ko.'' patay-malisya kong sabi sa kanya para hindi niya mahalata na napansin ko yung pagtitig niya

''A-ah hehe, sige.'' sabi niya na halatang nahiya dahil sa ginawa niya

Kinilo na niya yung mga patatas ko at inilagay sa plastic at tsaka ibinigay sa akin.

''Kalhating kilo nga, ang galing mong mag-tantsa, 60 php lang.'' sabi niya sa akin

''Ah eto.'' sabi ko sa kanya at sabay iniabot sa kanya yung bayad, nagdaop ang palad namin.... at naramdaman ko yung feeling noong in love ako kay Arl. Nagulat ako dahil parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko kaya pinagpawisan ako ng malamig kaya tumalikod na ako. Pero noong aalis na ako bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na dahilan para mapaharap ako sa kanya.

Nagkatinginan kami. Mata sa mata.

At sa pagkakataong yun alam ko sa sarili ko na naka-move on na ako. Pinipilit ko lang siguro yung sarili ko na hindi pa ako move on dahil sobra kong minahal si Arl. Pero ang totoo malaya na akong magmahal ulit.

''Alam mo nagpapasalamat ako sa mama ko..'' sabi niya sa akin

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya ng what-are-you-saying-look.

''Dahil kung hindi niya ako pinatulong dito sa tindahan ng tita ko hindi kita makikita. By the way I'm Kyle.'' tuloy niya doon sa sinabi niya

Ah edi ibig sabihin hindi talaga siya tindero?

''Alam mo din ba naniniwala akong mother knows best...'' sabi ko sa kanya sabay tinitigan siya sa mata

''Sabi niya kasi sakin kanina bumili daw ako ng patatas dito sa palengke malay ko daw sa pagbili ko makita ko si Mr. Right. Well, sumablay siya ng kaunti sa pangalan. Kasi ang pangalan mo pala ay Kyle. Pero ok na, mapapagtyagaan na. By the way I'm Kyla.''

And this time, alam kong siya na nga. Nararamdaman ko. Kahit ngayon lang kami nagkita, SO WHAT? Time doesn't define love, it is the feelings that define it. And today, I'm gonna start my life's new chapter but not alone. But with my MR. POTATO :)

***

Dahil hindi ako mapakali magsulat naka-create tuloy ako ng one shot. Forgive meeh kung pangit. Kasi naman eh, nangyari na sa akin yan. Pareho kami ni Kyla na bumibili ng patatas sa palengke pero hindi ako BH, tapos saktong nabilhan ko gwapo yung tindero pero hindi ko type tapos nung i-aabot ko na yung bayad same as Kyle, hinawakan niya din ng mahigpit yung kamay ko. Pero hindi ako na-inlove tulad ni Kyla tinaasan ko lang siya ng kilay. HAHAHAHAHA! XD Libre chansing ah!

By the way don't forget to click the comment and vote button!

Enjoy reading :)

Lovelots,

GumbleDarwin

xoxo

Hey! Mr. Potato (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon