Chapter 1

13 0 0
                                    

Dea's Pov

"Dea, tulungan mo naman ako sa Physics oh? Please :))"  Nakakainis talaga tong si Lance, kasalanan ko ba kung mahirap yung course niya?

"Bahala ka diyan. Marami pa akong gagawin, there are so many preperations para sa nalalapit na play ng Drama Club. Mag pa-praktis pa ako sa Badminton dahil malapit na ang championship games, at kailangan ko pang gumawa ng Thesis at kailangan ko pang gumawa ng speech ko para sa Debate namin ng makakalaban ko sa Presidency ng Student Affairs." Taas kilay kong patutchada sa kanya.

"Nagpapatulong lang naman ako, ang haba ng sagot mo." namamaktol na sagot niya.

"Presured kaya ako these past few days no. Kung may free time ako, tutulungan kita." lumiwanag ang mukha ni Lance.

"Pero, tutulungan mo kong mamigay ng flyers ko." dugtong ko pa.

"Oo na." nice one, marami pa naman akong flyers.

"Dea! Lance!" sigaw ni Mimi, andito kasi kami sa hallway.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Alam.... ko na... kung sino ang... kalaban mo..." hingal na hingal niyang sagot.

"Sino?" chismosi rin tong si Lance.

"Si Vincent Manzano, yung new student na fresh from Australia at ang bagong Team Captaing ng Varsity. Idagdag pa na isa siya sa campus hearthrobs dito. Mukhang wala kang panama."

"ANO?" di pwede yon, kainis. Crush ko pa naman yun XD

"Diba crush mo yun?" tanong ni Lance.

"Peste ka! Yung bunganga mo. Baka may makarinig sayo!" bulong ko sa kanya.

"Sabi na nga ba. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya!" pumitik pa sa ere ang gaga.

*

"AYOKO NA!" naiinis na talaga ako.

"Tumahimik ka nga." saway ni Mimi sakin.

Andito kami ngayon sa Gym. Panonoorin daw namin si Leo, yung pinsan ni Lance. Nauna na si Lance na umuwi, marami pa raw siyang gagawin. 

"Bagot na bagot na ako dito Mimi. Pwede ba?" pagmamaktol ko sa kanya, ang hirap kaya mag please sa babaeng to.

"Mamaya na. SHOOT!" napatingin naman sa kanya ang Varsity.

"Huy! Yung boses mo naman. Alis na nga tayo!" pilit ko siyang hinihila, pero ayaw patinag ng bruha,

"Go Leo! Shoot!" sigaw pa niya.

"Mimi naman. Pinagtitinginan na tayo, pwede ba. Praktis pa lang yan, sa susunod na linggo pa ang laban nila." suko na talaga ako, pano nakatulala siya. Inayos ko na ang gamit ko, aalis na sana ako.

"Your Dea, right?" teka siya si Vincent!

"Yes. Bakit? May problema ba, kung naiingayan ka sa katabi ko pasensiya na. Ganyan talaga yan!" 

"No, sinisugurado ko lang kung ikaw ba talaga ang kakalaban sakin." ba! Yabang din neto eh.

"Bakit? Sino ba ang gusto mong kalaban, si Barack Obama, si P-noy o si Prince William? Ba, assuming ka naman ata. May ibubuga ako no!" badtrip din to eh. Crush ko pa naman siya!

"You have a good sense of humor, pero better back off matatalo ka lang sakin." nilapit nito ang mukha niya sakin.

"Pwede ba, ilayo mo nga yang mukha mo. Mr. Manzano, wala akong pake kung marami kang fans club, bukod sa team captain ka ano pa ba ang maipagmamalaki mo aber?" lumayo ako sa kanya ng konti baka mahalikan ko to eh XD 

"Chairman ako ng Photography club and I won several times sa photography contests. Painter din ako and as usual palagi akong panalo, 1st runner up ako sa nakaraang quiz bee at 2nd runner up ako sa Math Quiz Contest last week.  Pwede na ba yon Ms. Francisco?" 

Natigilan ako, masyado akong naging busy sa Drama Club eh kaya hindi ako masyadong sumali sa contests this year.

*

What should I do? Mukhang may panama rin tong si Vincent sakin. Hindi ako makatulog kagabi kakaisip kung may chance ba akong manalo.

Masaya ako ngayon kahit papano dahil Music Fest ng school namin, magandang celebration din to. May mga assigned photographers din na kukunan ang picture ng crush mo tapos titignan mo sa bulletin board at pipili ka kung ano ang bibilhin mo. Ganda no? Ma try nga!

"ANO TO?" ba't may picture ako dito? Sinong pontio pilato ang kumuha nito. Infairness ang ganda ko dito XD Bilhin ko na kaya to?

"Bibilhin ko to ha?" tanong ko sa student na namamahala.

"Ay Sorry, may nagpareserve na niyan eh." 

"Sino?" may mali eh, mukha ko yung nakalagay eh di dapat bilhin ko. Ganda ko kaya dito!

"Hindi pwedeng sabihin eh. Sorry!" Peste! Unfair ha! 

Lance's Pov

Pano ko bibilhin ang picture ni Dea kung nandyan siya sa harap mismo ng bulletin board? Pagminamalas ka nga naman oh. May lihim akong pagtingin kay Dea, simula pa nung mga bata pa kami. Ewan ko ba sa kanya bakit hindi niya napapansin :((

Ilang minuto pa ay umalis na siya, dali-dali akong pumunta don para bilhin ang picture niya. San ko kaya ilalagay to? Sa wallet, kwarto ko or sa music room ko? Matapos kong bilhin yung picture dumretso ako sa mga stalls na nandito sa loob ng campus. 

"Lance!" patay. 

"Oh? Dea, andyan ka pala." kinakabahan ako, baka mabuking ako ng di oras.

"Kanina pa nga kita hinahanap eh, alam mo ba may bumili ng picture ko. Kainis, ako na dapat ang bumili non eh, mukha ko yun kaya dapat sakin mapunta yun." namamaktol na sumbong niya sakin.

Hay, kung tanga siya, torpe naman ako. Ba't ba ko napasok dito? Ba't sa kanya pako nagkagusto eh alam ko namang may gusto yan kay Vincent kahit magkalaban sila.

"Bakit ka tahimik? Ocean Deep ng iniisip natin ah." tumawa ako, ligawan ko na kaya to.

"Dea? Kung may manliligaw sayo, sasagutin mo ba?"

"Hindi siguro, alam mo naman na malakas ang kalaban ko. Kailangan ko siyang lamangan kahit pa crush ko siya, lam mo yun? Ang hirap nga eh"

"Ganon ba."

Vincent's Pov

"Hi Vincent!" katatapos lang namin magpraktis at marami na agad ang sumalubong sakin sa labas ng gym. Ganoon naba ako ka gwapo? 

"Vincent!" nilingon ko kung sino ang tumawag sakin, si Kaila. Kapatid siya ni Cindy, kahit papano magkamukha sila pero mas maganda si Cindy.

"Kaila, anong atin?" tanong ko sa kanya, may iniabot siyang picture.

"Ako to ah, bakit ka meron neto?" guwapo rin pala ako no. hihi XD

"Binili ko. Alam mo naman na gusto kita, kaya akin na to."

"Ah.. Eh.." kapatid lang ang turing ko sa kanya, kung buhay si Cindy malamang magagalit yun kapag pinatulan ko ang Kapatid niya.

===================End of Chapter 1==================

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon