Chapter 2

12 0 0
                                    

Dea's Pov

"Coach alis nako." pamamaalam ko sa Coach ng Badminton Team.

"Sige Ingat ka Ms. Francisco." pahabol niya bago ako umalis.

Nagpapraktis kami ngayon para sa laban namin sa susunod na lunes. May mga programs ngayon, kaya walang pasok. Inuubos ko ang oras ko sa practice, thesis at sa pagtakbo ko bilang President ng Student Affairs. Matagal ko nang pangarap to! Maliligo na sana ako...

"Vi-Vincent!" gulat. Ang naramdaman ko! Natural, half naked ang nasa harapan ko.

"Sira yung shower room sa kabila kaya dito kami naligo." walang kagatol-gatol na sabi niya.

Hindi parin ako makaget over. Bakit ang perpekto ng taong to? Ang talino, athletic, maganda ang katawan. Ano paba ang kulang dito? Peste. 

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin? Nagagandahan ka ba sa katawan ko?" sabi niya sa nakakalokong tono, yung parang nangseseduce.

"Ugh! Kapal mo. Tabi!" tinulak ko siya nang malakas pero hinawakan niya ako sa braso kay dalawa kami ang nadulas. Nakapatong ako sa kanya, na estatwa ako. 

"Diyos ko po!" sigaw ko nang marealize ko ang position namin. Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Minamanyakan mo ba ako?" tanong niya sakin. Lakas din neto eh!

"Peste ka! Lumabas ka na nga!" tinulak ko ulit siya at nilock ang pinto.

Hay! Nakakainis yung taong yun. take note, pinagpantasyahan ko pa siya dati. Leshe!

"Ay! Nakakainis talaga yong ipakto na yun." sigaw ko sa loob ng banyo.

*

Nang matapos akong maligo, pinaganda ko yung sarili ko. Nag konting make up, para good looking. Oh Dabah?!

"Ayan okay na, mabango na ulet ako." tintignan ko ang sarili ko sa salamin. Kahit papano, maganda rin naman ako.

Vincent's Pov

"Anyare tol? Ba't ang tagal mo sa banyo?" si Leo na sinuksuklay ang basang buhok.

"Wala." maikli kong sagot sa kanya.

"Vincent!" nagtitigan kami ni Leo.

"Andyan na yung sundo mo." nakakalokong sabi ni Leo tapos tumakbo na paalis.

'K-Kaila?" minsan naiinis na rin ako sa batang to eh, hindi kami pwede mahirap ba intindihin yon? Magagalit si Cindy sakin neto eh, baka multuhin pa ko non.

"Hi Vincent. Free time mo?" free time ko ba? Tapos na ang practice so I guess free time ko nga.

"Siguro, bakit?" sigurado akong mangaaya tong samahan ko siya sa mall, sa restaurant o sa field.

"Wala lang, kumain ka na ba?" sabi na nga ba, may balak tong babaeng to.

"Oo, aalis nako." Pesteng Leo, iniwan ako. Tumakbo ako palayo kay Kaila, pumunta ako sa may mini garden ng campus. Dito makakapagsenti ako, makakapag-isip ng mabuti. Sinaksak ko sa tenga ko ang earphones ko at pinikit ang mata. Gusto kong magrelax.

Dea's Pov

Ano kaya ang magandang gawin ngayon, la naman din akong practice. Maganda ang simoy ng hangin kaya sa mini garden nalang ako pupunta. Sumandal ako sa isang puno at sinaksak ang earphones ko, ang ganda ng tugtog. Makakanta nga, mukhang ako lang naman ang tao dito.

"~Tayong umaasang, hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan at bilang kandungan mo...~"

"Ang ingay ano ba? Mas malakas ka pa sa earphones ko eh!" sigaw ng lalakeng nasa likod din ng punong sinasandalan ko. 

"Pasensiya-- " natigil ako, si Vincent to eh. Putcha naman oh, ano ba ang kasalanan ko sa mundo ba't palagi kaming nagkikita nito.

"Aba, ang may pagnanasa sakin andito pala." nakataas ang kilay na sabi ng mokong. Ano ba ang problema nito, ako nalang ang palaging pinagtitripan.

"Mahiya ka naman." tumabi siya sakin at kinuha ang isang piece ng earphones ko.

"Teka, nakaearphones kana kukuha kapa ng earphones ng iba! Buicit ka talaga!" aagawin ko na sana kaso naglapit ang mukha namin kaya umatras ako. Awkward.

Wala nang nagsalita samin at nakinig nalang sa music. Kung ibang tao ang makakakita ng sitwasyon namin, iisipin nila na magkasintahan kami. Kinikilig ako Enebeyen! 

"Para kang baliw." komento niya habang nakatitig sakin.

"At bakit naman?" nakakainis tong tukmol nato eh, ang ganda ng imahinasyon ko tapos sisirain lang nitong lalakeng to. 

"Nakangiti ka eh Love song yung kanta, iniisip mo ko no?" tama, pero siyempre hindi ko sasabihin baka kung anong isipin nito.

"Mukha mo!" peste rin to eh.

"Gwapo" natawa ako sa sinabi niya, grabe guwapo nga siya pero dapat niya bang ipagmayabang yun? Hahaha. Tukmol na talaga to!

Kaila's Pov

Asan na kaya si Vincent, kanina ko pa siya hinahanap. Tinanong ko na lahat ng kasamahan niya sa basketball team pero hindi daw nila alam. Asan na kaya yun? Palinga-linga ako hanggang sa nakita ko siya, may kasamang babae at mukhang masaya sila.

"Vincent?" Nagulat siya at tinignan ang katabi niyang babae.

"Kaila? Pano mo ko nahanap?" tanong niya tsaka tumingin ulit sa babae.

Bago pa man niya ko sagutin sinampal ko ang babae, napasinghap silang dalawa sa ginawa ko. Dapat lang yan sa kanya.

"Kaila! Bakit mo siya sinampal si Dea?" galit na tanong ni Vincent

"So Dea pala ang pangalan mo. Kung hindi mo alam, akin lang si Vincent. Back Off!" sigaw ko sa kanya, naningkit ang mata ni Dea.

"Kaila ano ba? Hindi kita girlfriend! Pwede ba?" pasigaw na sabi ni Vincent, tapos hinila si Dea paalis. Masama ko silang tinignan habang papalayo.

Vincent's Pov

"Dea okay ka lang ba?" alalang tanong ko sa kanya, kahit hindi kami ganun ka close masama pa rin naman na sampalin siya ni Kaila.

"Ikaw kaya sampalin ko ng walang rason, magpapaparty ka ba?" sabi ko nga eh.

"Pare!" sigaw ni Leo

"Oy galunggong, gago ka. Iniwan mo ko kanina!" siniko ko siya sa tiyan, hindi namalayan na umalis na pala si Dea.

"Sakit non dude." sabi niya tsaka siniko rin ako sa tiyan at tumakbo! Gago yun ah, hinabol ko siya.

================== End of Chapter 2==================

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon