Zian POVs
"Kyahhh! sabi na eh.. kayo na talaga may ganung moment." sabi ni christine nung nakaupo na kami. Grabe talaga kiligin mga babae. tinignan ko si mich. namumula pa rin siya hahaha ang cute. tinignan ko si tristan. bakit parang ewan expression niya? parang hindi siya masaya. Meron ba kong nasira ? O.O may gusto ba siya kay mich? Wag naman sana.
Maya maya nagkaroon na ako ng time para kausapin si tristan, Mejo na bobother kasi ako sa kinikilos niya. baka kasi nagalit siya sakin. Eh syempre friend ko din si tristan kaya ayoko din masira kung ano meron kami.
ako: Usap tayo pare.
nasa garden kami nun. nag sosolo siya dito ee
Tristan: Sige pare. Tungkol saan?
ako: Eto oh! (Sabay abot ng beer sakanya)
Tristan: Salamat. ano ba pag uusapan natin bakit parang seryoso ka?
ako: Pare, ok lang ba sayo yung relasyon namin ni Mich ? may nasira ba ako?
Ngumiti lang si tristan, sabi na may nasira ako.
Tristan: Pare, im so happy for mich. Matagal ka na nyang gusto. alam ko yun. kung iniisip mo na may nasira ka. nagkakamali ka. kasi bestfriend ko si mich. nothing more than that. parang little sister ko yun. kaya pare. Ingatan mo siya aa. kundi ako mismo sasapak sayo.
ako: Oo naman iingatan ko yun. haha tagal ko na gustong dumamoves dun ee kaso akala ko may something sa inyo. kaya pinigilan ko.
Tristan: Hahaha, ganun lang talaga kami nun. hahaha. basta pare wag mong sasaktan si mich aa. kundi sasabunutan kita!
Nagkatawanan kami dahil sa pagkakasabi niya ng sasabunutan kita hahahaha., bumibigay na ba si tristan? hahaha..
"Pare musta naman yung inistalk mo?" Nakatawang sabi ko sakanya. Pero napansin kong lumungkot yung itsura niya. Yun ata ang problema nito ee. "Pare, May problema ba ?" Sabi ko habang siya lumalagok ng beer at ramdam mo na may lungkot na dinadala siya. (Mejo lumalamin ka dre aah nag ka lovelife lang eh) Wag kang basag trip author haha. (Wuuu, KDot!) HAHA. Back to the story. "Ahh ehh w-wala pare" sabi niya after niyang ubusin yung beer. pero may lungkot sa boses niya .. "Aminin mo na pare, halata ee" sabi ko sakanya sabay tapik ng balikat niya.. ayun nag kwento siya ng nangyari. grabe pala pinag dadaanan nito. kami nagsasaya tapos siya nakikipag saya lang. hays. bakit ba kasi kay rheiko pa siya natamaan ee. eh ang imposible ng babaeng yun.
"Hoy Nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap eeh" Sabi ni Mich, habang may dalang pagkain. grabe ang takaw talaga nito. Pero mahal ko pa rin . "Babe, boy talk lang hahaha" Sabay lapit kay mich para tulungan siya sa dala niya. "Dami nyo alam babe,! Si christine uuwi na daw. tumawag na kasi mommy niya." sabi niya samin. tapos nag aaktong aalis na. "S-sige, hahatid ko na siya." Sabi ni tristan. tapos umalis. naiwan kaming dalawa ni mich sa garden.
"Babe, Salamat nga pala sa Birthday surprise mo. This is my best birthday ever" Sabi ni mich sakin nung lumapit siya sakin. "Walang anuman babe, i love you babe." sabi ko sakanya, na dahilan ng pag pula ng mga pisngi niya. ang cute talaga nito. "i-i love you too babe" Mejo nahihiya pa siya hahaha. "Sobrang mahal talaga kita mich. kaya nasaktan ako nung sinabi mong inlove ka kay tristan." sabi ko sakanya habang sumandal ako sa balikat niya. baliktad noh? hahaha wala eh komportable ee. "Nataranta kasi ako nun babe, Pero ang gusto ko talagang sabihin nun. Hindi, dahil sayo ako inlove." Nung narinig ko yung sinabi niya.. hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan. "Be mine forever Michelle anne" natapos yung gabing iyon. walang space ang lungkot sa mga puso namin. (Lalim na talaga dre promise) Ehh author naman ee.
Mich POVs
"Be mine forever Michelle anne" Sabi ni zian. after niyang halikan kamay ko.. Ang sweet niya promise. "Babe, i will be yours forever as long as you love me." And i kissed him in his lips. And that was my first kiss.. :"> Grabe ako na talaga ang masaya ngayon. Fairytale ang dating ng birthday ko. pero sana hindi natatapos yung saya namin pag 12mn na. hahaha.
Sabay sabay kaming umuwi dahil Oo bukas, Pasukan nanaman :(