Prologue

901 54 38
                                    


"PAGBILAN NGA!" sigaw ni Soonyoung habang hinampas ng kanyang barya ang maliit na taklob sa sari-sari store ni Aling Khaye.

"SANDALE!" sigaw ng isang babae mula sa loob ng tindahan na sa pagkakakilala ni Soonyoung ay si Aling Khaye. "SEOKMIN IKAW NGA MUNA DUN! NANONOOD AKO NG TV!"

"BASTOS KA ATE NANONOOD AKO NG PORN!"

Napangiwi naman si Soonyoung sa narinig. Nanonood ng porn?! Tanghaling tapat, nanonood ng porn?! At ang lakas pa ng pagkakasabi nito!

Naaninag ni Soonyoung mula sa mga butas ng tindahan ang isang lalaking papalapit. Lalong naningkit ang kanyang maliit mata dahil pinipilit nyang maaninag ang itsura ng lalaki.

"Anong bibilhin mo?" parang naiinis na sambit ng lalaki.

Natigilan naman si Soonyoung nang makita nya ang itsura ng lalaki.

Magulo ang buhok nito ngunit parang stylish parin. Nakaputi itong t-shirt at naka-jersey shorts na kulay asul. Hindi ito mataba hindi rin naman payatot. Sa katunayan ang naaaninag ni Soonyoung ang maskulado nitong biceps.

"Alam kong pogi ako pero hindi tayo talo."

Bahagyang nagulat si Soonyoung nang biglang umimik ang lalaki. Napatingin si Soonyoung sa mukha nito at napansin nyang nakangisi ito sa kanya.

Shet. Pogi.

"Ano ngang bibilhin mo?" parang may pagkairita parin sa tono ng lalaki.

"Ikaw." wala sa huwisyong sambit ni Soonyoung at agad naman syang napailing nang mapansin nyang nagsalubong ang kilay ng lalaki. "S-SARDINAS! Sabi ko sardinas!"

"Ligo?"

"H-HA?! KAKALIGO KO LANG!"

"Nagjjoke ka ba o tanga lang?"

"Syempre joke lang. OO Ligo!"

Agad tumalikod si Seokmin at hinanap ang sardinas sa shelf.

Nice ass.

"Ano pa?"

"Yan lang."iniabot ni Soonyoung ang kanyang barya at kinuha ang sardinas. Tumalikod na sya at handa nang sumibat nang...

"SANDALE." napatigil si Soonyoung at napapikit ng mariin. "KULANG TONG BAYAD MO!"

"PALISTA NALANG!" sigaw ni Soonyoung at kumaripas ng takbo.

{soon}


[Playlist Series #2]

NO FUN ; soonseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon