05

421 39 5
                                    


"Seokmin!"

"Urgh... Bakit ka ba sumisigaw? Shit ano bang oras na? Gabing gabi na a?"

"1:00am bes."

"One o— BAKIT KA BA NATAWAG NG GANITONG ORAS?!"

"E..."

"Siguraduhin mong importante yan kingina."

"Hindi kasi ako makatulog."

"..."

"Hello?"

"Ibababa ko na 'to."

"Sandali!"

"Pwede ba Soonyoung?! May pasok pa tayo bukas!"

"Actually, mamaya."

"Ibababa ko na talaga to."

"Pakinggan mo kasi muna ako! Sasabihin ko kung bakit hindi ako makatulog."

"Ikwento mo sa kaboardmate mo. PLEASE lang ha? INAANTOK. PA. AKO!"

"Gusto ko lang namang may mapagsabihan tungkol dito..."

"..."

"Sorry... Sige i-end mo n—"

"Ano ba yun?"

"Hindi. Wag na—"

"Kingina ka wag ka nang pabebe dyan."

"Iniisip ko kasi..."

"..."

"Iniisip ko kung ano kayang tumatakbo sa isip ni Jihoon ngayon?"

"..."

"Umeepekto kaya yung pagpapanggap natin?"

"..."

"Nagugustuhan nya na rin ba ako?"

"..."

"Nagseselos kaya sya?"

"..."

"O baka wala na talaga syang pakialam sa akin."

"Alam mo, antanga mo talaga."

"Aray naman ha."

"Seryoso ka bang yan ang hindi nagpapatulog sayo?"

"Oo seryoso ako. Lagi akong seryoso lalo na't pagdating kay Jihoon."

"Alam mo bang andaming problema ng ibang tao? Alam mo bang may mga problemang mas mabigat pa kesa sa mga iniisip mo?"

"E—"

"Kwon Soonyoung, dalawang araw palang tayong nagpapanggap. Ineexpect mo ba na agad agad eepekto yun?"

"So—"

"Problema kasi minsan sa atin, tayo yung nagiisip na may mali, na may problema tayong malaki, when in fact, tayo lang ang nagiisip nun."

"..."

"Isa lang yang maliit na butas. Maliit na butas na hindi naman lalaki kung hindi mo papansinin at pakikialaman."

"..."

"Soonyoung, wala ka ba talagang tiwala sa sarili mo manlang?"

"..."

"Tiwala sa akin?"

"Teka... Bakit—"

"Nakalimutan mo bang dalawa tayo dito? Hindi lang ikaw yung may nagugustuhan. Hindi lang ikaw ang makikinabang dito. Hindi lang ikaw ang nahihirapan."

"Bulong ng isip~"

"Wag kang pakawalan~"

"Ngunit puso ko'y~"

"Kailangan kang iwan~"

"..."

"Tawa pa more. Ano na? Happy na?"

"Thank you."

"May bayad yun syempre."

"Lista mo nalang."

"Aba!"

"Medyo nawala yung takot at kaba ko haha thank you."

"May bayad nga sabi."

"Ano?"

"Kiss sabayhug."

"ANONG KISS SA BAYA—"

"BINGI! KISS SABAY HUG!"

"Ay sure naman syempre hehe bukas na bukas!"

"Joke lang. Baka magkasakit pa ako pag kiniss mo ko."

"ARAY HA!"

"Matulog ka na. Antok na ako."

"Tulog na tayo Seoks ko~"

"Buwang ka ba? Wala naman siguro si Jisoo dyan, wag mo na akong tawaging ganyan."

"..."

"..."

"Ano... Katabi ko si Seungkwan... Baka makahalata."

"Ah... Sige..."

"Good night baby!"

"Good night din."

"Good morning na pala."

"Okay... Good morning."

"Edi dapat gising na tayo?"

"Kwon Soonyoung."

"Joke lang eto naman."

"Tulog na ako. Bye."

"E... Okay..."

Call ended

"Muntik na ako kanina. Shit naman Soonyoung! Pano pag nalaman nyang lumipat na ng room si Seungkwan?!"

NO FUN ; soonseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon