17

248 26 29
                                    


Soonyoung's POV

Kingina talaga.

Alam nyo yung mahal na mahal mo talaga yung kaibigan mo pero minsan talaga ang sarap lang nilang patayin nalang o kaya'y sakalin para hindi na sila mabuhay ng matagal sa mundo?

Kingina mo Seungkwan may araw ka rin sakin!

"Sa couch nalang ako matutulog..."

Agad kong tiningnan ng masama si Seokmin.

Oo, andito si Lee Seokmin sa hotel room ko at kasalukuyan syang nakaupo sa tabi ko. Kakatapos nya lang lagyan ng oitment at i-hot compress yung sprain ko.

"Gago dalawa yung bed sa kwarto wag kang pabibo dyan."

Natahimik si Seokmin.

"E kung pilayin ko din kaya yang isa mong paa? Lumpuhin na kita para mabawasan yang pagiging madrama mo."

"HOY! ANONG MADRAMA? IKAW! IKAW ANG MADRAMA DYAN!"

"BAKIT KA NASIGAW?!"

"E BAKIT KA DIN NASIGAW?"

"KASI NASIGAW KA!"

"HINDI MO BA HIHINAAN YANG BOSES MO?"

"AYOKO!"

"HAHALIKAN KITA SOONYOUNG!"

"SIGE! SUBUK—"

Agad nanalaki ang mga mata ko nang bila nyang hilahin ang batok ko at mabilis na pinaglapat ang mga labi namin.

I blinked.

Then I pushed him.

Agad naman akong napaatras at maging sya at halatang nagulat sa ginawa nya.

"S-Sorry—"

"Seokmin... wala si Jihoon dito..."

Gusto kong malaman. Bakit? Bakit nya ako hinalikan? May CCTV ba? Isesend ba nya kay Jihoon para mag-selos sya? Nagrerecord ba sya? Ayokong umasa.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Seokming ngunit pinilit nya paring ngumiti. "Ayaw mo kasing tumahimik..." saad nya. "Gago." Dagdag pa nya.

"ABA!" Saway ko at hahampasin ko sana sya ngunit ginawa nyang pangharang yung unan sa tabi nya.

Binaba nya bigla ang unan and he sticks his tongue out para mang-asar.

"YA!" Saway ko sa kanya at hahampasin ko sana ulit sya pero naisalag nya ulit yung unan nya.

Ang mapanlokong mukha ni Seokmin ay naging seryoso nang ibaba nya ang unan. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko... ano bang sinabi ko?

Bigla naman syang tumayo at nilahad ang kanyang kamay.

"Alalayan na kitang tumayo. Gabi na, magpahinga ka na," nakangiti nyang saad habang nakalahad parin ang kamay nya.

Napangiti naman ako at inabot ang kamay nya. Dahan dahan nya akong inalalayan sa pagtayo at hinatid ako sa kwarto ng hotel.

Marahan nya akong inihiga sa kama at kinumutan. Nginitian nya ako at tumalikod na para umalis pero agad kong hinila ang kanyang pala-pulsuhan.

"Dito ka na matulog."

"Di na sa sofa nalang."

"Gago parehas naman tayong lalaki."

"Gago bading ako kay Jisoo."

"..."

"..."

"Edi parehas tayong bading."

Napabuntong hininga si Seokmin at tinapik ang tagiliran ko senyales na bigyan ko sya ng space kasi hihiga sya sa tabi ko.

"Soonyoung..."

"Oh?"

"Wag ka na ulit biglang mawawala ha?"

"..."

"Magpapaalam ka sakin kung aalis ka."

Napatingin naman ako kay Seokmin na ngayo'y nakahiga at nakatingin lang sa kisame.

"Pinag-alala mo ko."

Huminga ako ng malalim habang pilit kong pinapakalma ang puso ko.

His words...

Those words...

Yun lang ang gusto kong marinig.

"Atsaka... kung nappressure ka, isipin mo nalang na hindi ka pressure cooker."

"Cooker pressure."

"Pressurer cook."

"Cooker pressure."

"Acupuncture."

"Cooling pressure."

"Punk rock pop."

"Ano ba Lee Seokmin hindi naman rhyme?"

"Wala kang pake."

"Meron akong pake wala lang pu—"

"Puwet."

"ABA!"

"EBE!"

"MAY PWET KAYA AKO SEOKS!"

"Mas matambok pa pisngi mo kesa sa pwet mo."

"ABA!"

"EBE!"

Kinurot ko sya sa sa braso sa ilalim ng kumot at tumawa naman sya ng malakas.

"Hay nako Soonyoung matulog ka na."

"Kwentuhan mo ko."

"Tungkol saan?"

"Kung anong nangyari nung nawala ako."

"Hindi ka naman nawala sa puso at isip ko."

"Huy Seokmin?"

"Wala."

"Anong wala?"

"Wala namang nangyari."

"Sa inyo ni Jisoo?"

"Ewan?"

"Anong ewan?"

"Pano ko ba to sasabihin?"

"..."

"Hindi ko na masyadong naiisip si Jisoo ngayon..."

"..."

"Iba na yung bumabagabag sakin."

"Ano naman yun?"

"Hindi ko din alam e."

"Luh?"

"Kapag wala yung iba na yun, hindi ko makayanan."

"..."

"Parang nasanay na ako na nandyan yung iba na yun."

"..."

"Mas hinahanap-hanap ko na sya kesa kay Jisoo."

"Hala..."

"Hala..."

"Delikado yan Seokmin..."

"Delikado yan Seokmin..."

"Ginagaya mo ba ko?"

"Ginagaya mo ba ko?"

"Ang pogi ni Soonyoung!"

"..."

"AHA HIN—!"

"Ang pogi ni Soonyoung."

Putangina.

Bakit ka biglang tumingin sakin Seokmin? Bakit ganyan ka tumingin?

Agad ko nalang na iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Gago matulog na tayo," saad nya at tumalikod na sa akin.

"O-Oo nga."

Tanga mo talaga Kwon Soonyoung nauutal ka pa ha?

"Goodnight Soons!"

"Goodnight Seoks!"

NO FUN ; soonseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon