Di alam ng lalali na may malala palang sakit ang matalik na kaibigan, brain tumor. Malala na ito at di na kayan gamutin.
Di pinaalam ng babae, dahil di nya kayang sabihin sa lalaki. Pati na din sa kambal nya. Parents nya lng at ang yaya nya ang talagang nakakaalam. Pero nasa ibang bansa ang parents ni ng babae kaya yaya nya lang ang nag-aalaga sa kanya.
Nakatulala at lumuluhang nakatingin sa kabaong ang lalaki sa kabaong ng matalik na kaibigan.
Di nya matanggap na wala na ang bestfriend nya. Ang taong laging nasa tabi nya. Ang taong handang gawin ang lahat para sa kanya. Ang taong unang crush nya at ang unang minahal. Oo, mahal nya ang bestfriend nya, higit pa sa pagkakaibigan. Pero inilihim nya lng ito at pilit na kinakalimutan kasi pinahahalagahan nya ang pagkakaibigan nila. Sobrang saya nya nung araw na umamin ito sa kanya. Pero na galit din sya, hindi para dito kundi para sa sarili nya. Akala nya nakalimutan nya nah ang pagmamahal para sa matalik na kaibigan. Akala nya ang kambal nito ang tunay nyang mahal, pero nagkakamali sya. Ito parin pala ang mahal nya. Hindi nya maiwasang masabihan ito ng masasamang salita noon dahil naguguluhan sya. Alam nyang hindi nito kayang saktan ang kambal. Pero kung maniniwala sya dito, ibig sabihin lng na hindi sya naniniwala sa nobya nya. Ito ang nobya nya kaya ito ang dapat na kakampihan nya.Lumapit sa lalaki ang yaya ng babae.
"Iho, bago sya namatay, binilin nya ito sakin sabi nya, basahin mo daw."- inabot nito ang isang notebook at umalis.
Binuklat ito ng lalaki. At binasa ni ang nakasulat.
Diary pala ito ng babae.
Dear diary,
Miss na miss ko na sina mommy at daddy pati na si kambal.
Gusto ko sanang sumama sa kanila, kaya lng hindi ko pwedng iwan si pards. Nangako kami sa isat isa na walang iwanan kaya hinding hindi ko sya iiwan.Dear diary
Alam kong hindi dapat, pero hindi ko talaga mapipigilan ang nararamdaman ko kay pards. Mahal ko na sya..Bumilis bigla ang pintig ng puso ng lalaki dahil sa nabasa.
--Binuklat nya pa ang sumunod na pahina.
Dear diary,
Ang saya ko, kasi sa wakas makakasama ko na si kambal. Ang tagal na din naming hindi nag kita.------
Dear diary,
Mapagbiro ba talaga ang tadhana?
Ba't ganun? Yung taong mahal ko, mahal din ni Kambal. Anu bang gagawin ko?
-----
Dear Diary,
Sana tama ang ginawa kong desisyon. Nagparaya ako para sa kanila. Nararamdaman ko kasing, gusto na dn ni pards si kambal.
Ang sakit, pero kailangan kong magtiis dahil mahal na mahal ko sila.
---
Dear Diary,
Nararamdaman ko na naman ang sintomas ng sakit ko. Nagpacheck up ako kanina at nalaman kong lumala na pala ito.
-----
Dear Diary,
Ba't nagawa yun ni Kambal? Kala ko mahal nya si pards, pero nakita ko sya kanina, may kahalikan syang ibang lalake.
-----
Dear diary,
Kina usap ko si kambal kanina tungkol sa nakita ko.
Nagalit sya sa akin kasi sinabi ko na kung hindi sya makikipaghiwalay dun sa lalaki, sasabihin ko kay pards na niloloko lang sya ni kambal.
-----
Dear diary,
Ang sakit, ang sakit sakit. Bakit hindi naniwala si pards sakin? Di naman talaga ako ang tumulak ee. Ako yung tinulak ni kambal.
Hindi ko na isip na kaya nyang gawin sa akin yun.
Di ko na alam ang gagawin ko. Galit na galit na sa akin si pards.
------
Dear diary,
Masaya ako kasi ok na si kambal. Pinatawad ko na sya kahit di sya humingi ng tawad sa akin. Kasi mahal ko sya.
------
Dear diary,
Nagtext ako kay pards kanina, sinabi kong gusto ko syang makasama ngayon. Di na kasi ako sigurado kung mgtatagal pa ako. Hinang hina na ang katawan ko at pagod na pagod nay ako.
Ang saya ko nung nagreply sya na pupunta sya dito. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para labanan ang sakit ko.
Naghintay ako sa kanya pero hindi sya dumating.
Hindi ko na talaga kaya, pagod na pagod na ako.
Oras na siguro para magpahinga ako.
----
Iyak lng ng iyak ang lalaki habang binabasa ang diary ng babae.
Binuklat nya pa ang notebook at may nakita syang nakaipit na sobre dito. Binuksan nya ito at binasa.
----To pards,
Pards, mahal na mahal kita, sana palagi mong isipin na kahit saan man ako magpunta, babantayan pa dn kita. Sana maging masaya ka sa piling ni kambal.
Patawad kong hindi ko na matutupad ang pangako ko para sayo.
Mahal na mahal kita pards.
------
Walang nagawa si Boy kundi ang umiyak ng umiyak. Sising sisi sya sa lahat ng ginawa nya. At dun nya inamin sa sarili na ito parin pala ang mahal nya.-------
THE END