Part 1

8.3K 172 2
                                    


Sa isang silid na puros kulay puti ang makikita, may babeng tahimik na humihiga sa kama at nakatulalang nakatingin sa puting kisame. Tila, ang lalim ng iniisip nito.

*Blaaggg*

Napabalikwas ang babae dahil sa malakas na tunog. Tila isang kulog ang umalingawngaw sa loob ng silid. Nakita niyang pabalibag na sinara ng isang lalaki ang pinto ng silid.

"TOTOO BA?" - Tanung nung lalaki. Bakas sa mukha nito ang galit.

Dahil dun, biglang kinabahan ang babae.

"A-ang alin"- Na uutal na sagot ng babae.

"Na tinulak mo ang kambal mo sa hagdan? Kaya siya nasa ospital ngayon? "

"Huh? Sino nagsabi nyan?"- Nagugulunang tanung ng babae.

"Eh di ang kambal mo!" -lalaki

"No. Pards, di yan totoo. Di ko magagawa yun."- Pagtatanggol ng babae sa sarili nya.

"Yun din ang akala ko! Pero nagkamali pala ako. HOW COULD YOU DO THAT TO YOUR SISTER!? TO YOUR TWIN?"- umalingawngaw sa loob ng silid ang malakas na boses nito.
"Pards, di yan totoo. Maniwala ka naman oh. Di ko talaga magagawa yun. Sya yung tumulak sa akin." - Naluluhang paliwanag nung babae.

"NOW WHAT? Babaliktarin mo pa ang nangyari?" - lalaki

"Pards naman ee. Maniwala ka naman oh. Kung ako talaga ang tumulak, ee bakit pati ako nasa ospital? Bakit ako yung mas napuruhan? Pards, di ko talaga magagawa yun." - Pilit na pangungumbisi ng babae.

"Tinatanung pa ba yan? Kaya ikaw ang napuruhan, kasi kinarma ka na! Tignan mo nga naman oh, ang bilis talaga ng karma." - Sabi nung lalaki at tinignan siya nito na tila nanunutya.

Tuluyan ng tumulo ang luhang pilit na pinipigilan ng babae.

"Ba't ko naman sya itutulak? Alam mong mahal na mahal ko sya. Di ko sya kayang saktan.
Pards maniwala ka naman oh.
Wala akong rason para itulak sya." - babae

"You love me."- mahinang sabi nung babae.

"huh?"- naguguluhang sagot ng babae. Di niya kasi masyadong narinig ang sinabi nito.

"She said that you love me more than bestfriend. Is it true?" - diretso syang tinignan ng lalaki sa mata nya.

Hindi nakayanan ng babae na tumingin sa mata nito kaya tumungo na lamang sya.

"So it explains why.
Tinulak mo sya dahil gusto mo syang mawala. Para masolo mo ako. Do you think I will love you pag nawala ang kapatid mo? Tandaan mo ito! Kahit kailan, hindi kita kayang mahalin ng higit pa sa matalik na kaibigan." -lalaki.

Alam ko yun pards! Oo mahal kita, matagal na pero wala akong ginawa para sa nararamdaman ko sayo kahit nung hindi pa kayo kayo nagkakilala ng kambal ko. Kasi pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan natin! Kasi alam ko na kahit kailan hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko para sayo. Pinilit ko na ring kalimutan ang naramdaman ko para sayo nung nalaman ko na mahal ka nya. Kasi mahal ko ang kambal ko, at alam kong kaya mong sukli an ang pagmamahal nya sayo. Kahit anu kaya kong gawin para sa inyo! Kaya kong magparaya dahil mahal na mahal ko kayo!!
Ngayon, sabihin mo sa akin! Kaya ko nga ba talagang gawin ang bagay na yun? Bestfriend kita, magkasama na tayo simula nung bata pa. Dapat kilala mo na ako. Dapat alam mo kung anu ang kaya at hindi ko kayang gawin!! Pero anu? Mas pinaniwalaan mo pa ang kambal ko kahit mag iisang buwan palang kayong magkakilala!"

Hindi na napigilan ng babae na humagulhul.

Natigilan ang lalaki sa narinig.
Mayamaya nagsalita din ito.

"Hindi na babasi sa haba ng panahon ang pagkilala ng isang tao pards. Oo mag iisang buwan pa nga kaming nagkakilala. Pero kilala ko na sya. Kilalang kilala. At nasisiguro kung, hindi nya kayang gawin yun!"- lalaki

"So ganun? Dahil akala mo hindi nya kayang gawin, ako na ang gumawa?"

"HINDI YUN AKALA PARDS!! ALAM KO! Alam ko na hindi nya yun kayang gawin.
Dalawa lang ang taong nasa bahay nyo ng oras na yun. Kaya isa lang ang ibig sabihin nun. Ikaw, o siya ang tumulak! Pero nasisiguro kong hindi sya ang taong yun!"

Sigaw ng lalaki bago ito lumabas sa silid.

Naiwan ang babaeng iyak ng iyak.

"Kung alam mo lang sana pards. Kung alam mo lang ang totoo, di ka sana magdududa sa akin."- Ang sabi ng babae sa kawalan.

"His Regrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon