Part 2

7K 151 1
                                    


Lumipas ang ilang araw. Nakalabas na ang kambal ng babae sa ospital. Ngunit, naiwan ang babae, hindi kasi ito pinayagan ng doktor na lumabas.


Naisipan ng babae na itext ang lalaki. Hindi kasi sya makatulog ng maayos sa kaiisip na nag away sila nito. Hindi kasi siya sanay na magkakatampuhan sila ng matagal.


To: Pards
Pards, dalawin mo naman ako oh. Please pards. I need you.


Ilang sandali pa ay may natanggap syang reply mula dito.

From: pards
I'll go there later. Just wait me.


Dahil sa nabasang text, umaliwalas ang mukha ng babae. Nagkaroon sya ng lakas ng loob. Lakas ng loob upang lumaban.


*Sa kabilang banda.*

Nasa bahay ng kambal ng babae ang lalaki. Nobya niya na kasi ito.
Binabantayan nya ito, dahil na din sa paki usap nito.


"Hon, pahiram nga ng phone mo."- ang sabi ng kanyang nobya. Nakahiga ito sa hita nya, samantalang nakaupo naman siya sa sofa.
Kasalukuyan silang nononood ng palabas.

Kinuha nya ang phone niya sa mesang nasa harap nila at binigay sa nobya.

May kung anung kinalikot ito sa phone nya, pero hindi niya nalang ito pinansin. Itinuon nya ang atensyon sa palabas.


Mayamaya binalik na ng nobya nya ang phone sa mesa.

"Hon, date tayo?" - biglang anyaya nito sa kanya.

"Huh? Kala ko magpapahinga ka muna?" - lalaki.

Umupo ito at humarap sa kanya.
"Eh, nabored na kasi ako. Gusto kong pumunta sa Enchanted Kingdom. Sige na hon, date na tayo please." - nag puppy eyes pa ito, yung matang tila nagpapawa at malapit ng umiyak, tapos pinagsalikop pa nito ang palad.

Dahil sa ginawa nito, hindi ma iwasang maalala ng lalaki ang matalik na kaibigan.
Magkamukhang magkamukha kasi ang dala.
Mula sa bilogang mata na pinarisan ng mahahabang pilik mata, sa tangos ng ilong, sa hugis ng mukha, hanggang sa hugis puso nitong labi. Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay ang kulay ng mata. Light brown kasi ang kulay ng mata ng nobya nya, habang sa matalik na kaibigan naman ay dark brown.
Magkaiba din ang ugali ng dalawa. Ang nobya nya kasi ay may pagkamasayahin, pero suplada minsan. Habang yung matalik nya namang kaibigan ay minsan lang ngumiti at may pagkaseryoso.

"Hon. Huyy, hon. Anu na?"

Nabalik sa realidad ang lalaki dahil sa tanung ng nobya nito.
Lihim nyang pinagalitan ang sarili. Hindi nya dapat kinumpara ang dalawa.

"Sige, magbihis ka na. Hihintayin kita dito."

"Okidoke. Thanks hon. I love you." Masayang sabi nito at hinalikan pa sya sa pisngi bago ito pumunta sa silid nito.


'Bakit ba kasi hindi ko maiwasang isipin si pards?' Napasabunot na lamang ang lalaki sa buhok nito.



Maya maya pa, umalis na din ang dalawa. Masaya silang namasyal at sumakay sa mga rides. Sa sobrang enjoy nila, hindi na nila namalayan ang oras.


"Hon. Thank you talaga huh! Pinasaya mo ako ngayon." - masayang sabi ng nobya sa lalaki at patagilid sya nitong niyakap.


Kasalukuyan silang naglalakad papuntang parking lot para umuwi.

"No hon, your the one who made me happy" - nakangiting sagot ng lalaki.

*phone rings*
Nabigla sila nung may tumunog.
Kinuha ng lalaki ang phone nito mula sa bulsa dahil kanya pala ang tumutunog.

"Wait lang hon, sasagutin ko muna." - ang sabi ng lalaki at kumalas mula sa pagkayakap ng nobya.

"Hello??...................."

Biglang mabitawan ng lalaki ang phone nya at natulala.

"Bakit hon? Anung nangyari?"- nag alalang tanunh ng nobya.

"Y-your sister." -lalaki

"What about her?" Walang ganang tanung ng nobya.

"She's gone."

"Huh? What do you mean she's gone?" - naguguluhang tanung ng nobya.

"She died"- sabi ng babae at tuluyang tumulo ang luha nito.

"His Regrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon