❁ 2 ❁

449 19 2
                                    


Hating gabi na. Tahimik akong nag-aaral para sa parating na exams, nang biglang may marahas na katok akong narinig mula sa gate namin.

Agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa sahig at sumilip sa bintana upang tanawin kung sino ito – si Lawrence.

Ikaw nanaman. Ito nanaman.

Nang buksan ko ang gate, muntik na kaming matumba pareho sa sahig nang saluhin ko siya. Umaalingasaw nanaman ang amoy ng yosi't alak. Dahan-dahan ko siyang inakay papasok sa bahay. Sa sobrang lasing, parang wala man lang siyang naramdamang sakit nang ibagsak ko siya sa sofa.

Paluhod akong naupo sa sahig at tahimik siyang pinag-masdan. Ang tagal na namin sa ganitong kagawian – pag-tapos nilang mag-away ni Anne, mag-iinom na para bang walang bukas, tapos ay sa'kin didiretso – pero parang hindi pa rin ako nasasanay. Pino-problema ko pa rin kung anong gagawin ko sakanya para magising ka siya katotohanan.


"Anne..." ungol niya.


Napahinga na lamang ako at napa-iling.

Anne nanaman. Ako ang nandito, pero si Anne pa rin ang hinahanap.

Tumayo ako at nag-tungo sa kusina. Kumuha ng batsa at sinalinan ito ng maligamgam na tubig. Dahan-dahan ko itong binuhat pabalik sa sala at ibinabad ang bimpo upang ipamunas sakanya.


"Bianca..."


Natigilan ako sa pag-punas ng mukha niya nang sunod niyang sambitin ang pangalan ko. Bahagya niyang idinilat ang mga mata niya upang tignan ako at nanghihina niyang inabot ang pisngi ko. Ang sumunod na ginawa niya ay ang ikinagulat ko – hinalikan niya 'ko.


"Sana... Sana ikaw nalang..."


Kasabay nang pag-laki ng mata ko sa sinabi niya, ay ang pag-bagsak ng ulo niya pabalik sa unan.

Marahil sasabihin nila'y usapang lasing lang, hindi iniisip ang sinasabi, at madalas ay biruan lamang. Ngunit dahil sa nangyaring 'yon, nag-simula akong umasa kahit hindi naman dapat.


❁❁❁

Permission To HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon