❁ 1 ❁

1.6K 67 10
                                    


Nagmamadali akong bumaba ng kotse. Halos matapilok ako't mabitawan ang mga gamit na dala ko. Akmang papasok na sana ako ng restaurant nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

Nang lingunin ko kung sino ito, parang nakalimutan kong nagmamadali akong maka-habol sa appointment ko. Wala akong ibang naramdaman kundi ang paninigas ng mga paa ko sa kinatatayuan ko.


"Bianca?" pag-ulit niya, "Ikaw na ba talaga 'yan?"


Agad siyang lumapit sa'kin at walang pagda-dalawang isip akong niyakap.


Binitawan niya ko. Ngiting-ngiti ang kanyang mukha. "Kamusta ka na?"


At sa tanong niyang 'yon, bumalik lahat, na tila ba parang kahapon lang nangyari ang mga nangyari. Para bang kahapon lang akong nasugatan at hanggang ngayon ramdam ko pa rin 'yung hapdi.

Hindi ko alam. Kamusta na nga ba 'ko, Lawrence?


❁❁❁

Permission To HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon