❁ 4 ❁

5 0 0
                                    


Sumunod na hating-gabi ay nakarinig ako ng katok mula sa gate namin. Hindi ako sumilip sa bintana at agad na nag-tungo sa gate. Para bang alam na ng pagka-tao kong walang iba 'to kundi si Lawrence.

Hindi ako binigo ng hinala ko. Naka-ngiti siyang naka-tayo nang buksan ko ang gate. Ang nakaka-panibago lang dito ay hindi amoy ng alak at yosi ang bumati sa'kin, kundi pabango.

Ang bango mo, Lawrence.


"Dating gawi?"

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Sisig rice?"


Unti-unti akong napa-ngiti nang maintindihan ko ang sinasabi niya.

Nung mga panahong wala pang Anne sa buhay niya, ang hating-gabi namin no'n ay hindi kalasingan at kalungkutan, kundi sisig at kasiyahan.

Bago pa ako maka-oo sakanya ay hinila na nya 'ko upang mag-simulang mag-lakad. Napa-tingin na lamang ako sa kamay niyang naka-akbay sa'kin habang naka-ngiti siyang nagka-kwento.

Ito 'yung na-miss ko. Ganito kami noon.


"Huy!" nagising ako nang kaunti sa katotohanan, "Nakikinig ka ba?"

"Ha... Oo, nakikinig ako..." pagku-kunwari ako at ibinalik ko na ang tingin ko sa nilalakaran naming, "Sige lang, ituloy mo na."

"'Yun nga. Naalala mo ba nung unang kain natin ng sisig?" natatawa niyang tanong, "First time mo, at wala kang choice kasi dun 'yung gusto ko."

"Bago rin kasi ako no'n sa school. Sinamantala mong wala akong ibang alam na kainan."

"Pero nagustuhan mo, 'di ba?"

"Papunta tayong sisigan ngayon, 'di ba?"


Natawa na lamang siyang muli tapos ay ginulo ang buhok ko.

Nang makarating kami sa sisigan, para bang itinadhana na pumunta kami do'n ngayon dahil ang paborito naming pwesto ay bakante. Naka-ngiti kaming nag-lingunan ni Lawrence sa isa't isa, tapos ay nagmadaling dumiretso sa lamesa.

Nang dumating ang sisig, dating gawi rin sa pag-lagay ng calamansi. Ayoko ng calamansi, pero si Lawrence gusto. Ang problema, ayaw niya ng amoy ng calamansi sa mga daliri, kaya't ako ang naglalagay nito para sakanya. Siya naman ang nagtitimpla ng sawsawan. Mas maanghang, mas masarap.

Habang kumakain kami ng sisig, hindi naubos ang kwento naming dalawa sa isa't isa. Ang sarap ng ganito – 'yung makasama siya at makitang masaya. Para nga talagang dating gawi. Parang walang Anne na sinasaktan siya.


"So, anong okasyon? Bakit may pa-sisig?" tanong ko.

"Wala naman. Bayad ko sa mga utang kong hating-gabi sa'yo na ginugulo kita." Naka-ngiti niyang sagot, "Isa pa, matagal na rin mula nung lumabas tayo ng ganito. Namimiss ko na bestfriend ko."


Ah, bestfriend. Dun ko napag-tanto. Marahil ay pag-tapos ng gabing 'to, ako ang dapat magising sa katotohanan na bestfriend ako. Si Anne ang girlfriend. Hindi dapat ako umaasa sa simpleng sisig at kwentuhan.

Pilit na lamang akong ngumiti sa sinabi niya.

Maya-maya pa'y may lumapit nang waitress sa'min.


"Ma'am, sir, pasensya na po. Magsasara na po kasi kami."

"Ganon ba," tumingin si Lawrence sa orasan na suot, "Oo nga, anong oras na pala. Kailangan na rin kitang ihatid, Bianca."

"Ang sweet niyo naman pong boyfriend, sir." Naka-ngiting sabi ng waitress.


Nanlaki ang mata ko. Akmang tatanggihan ko na sana ang sinabi ng waitress, ngunit agad akong inakbayan ni Lawrence at sinakyan ang birong ito.


"Talaga, ate? Bagay ba kami?"

"Yes, sir. Bagay na bagay po."


Pinandilatan ko na lamang ng mata si Lawrence tapos ay siniko. Nang maka-labas kami ng sisigan, tinanggal niya ang akbay sa'kin at biglang tumawa.

'Wag mo 'kong binibiro ng ganyan, Lawrence.


❁❁❁

Permission To HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon