Going through a narrow passageway, Marshall leaded he way whilst holding a circular gas lamp with Ayumu and Nathan following him behind repectively. Makitid ang daanan na kanilang tinatahak – makitid sa paraan na iisang tao kada daan lamang ang pwede makapasok. Sa tuwing nagkakasalubong ang dalawang tao sa daanan na ito ay kailangang umatras ng isa para makaraos lang sa pagdaan. Though, the passageway is not rought like how they expected. Oo nga at makitid ito pero nakasemento ang pader at sahig gamit ang isang batong makintab, at ang kisame ay mataas. Madali lang silang nakaka-usad sa halos dalawangpung metro na lagusan, liban lang sa hindi pagkakaroon ng ilaw sa lugar.
Ang pasukan na ito ay nakatago sa mata ng mga taong hindi pamilyar sa lugar. Sa katunayan, hindi napansin ni Ayumu na may isang pintuan pa pala sa opisina ni Marshall. Nasa likod ng isang makapal na kulay asul na kurtina ang pintuan na gawa sa isang kahoy na kasing kulay ng pader na pumapalibot rito. Lalo pa itong hindi mapapansin dahil sa walang door knob ang pintuan. Tanging isang sirang orasan ang makikitang nakasabit sa tabi ng kurtina at ng pintuan na pinipihit para mabuksan ang pinto.
"This library is owned by our grandfather. He is a world war two veteran na pumunta rito sa Pilipinas nang matapos ang giyera," paliwanag ni Marshall na binasag ang nakakabinging katahimikan. Dahil nga sa nasa ilalim ng lupa ang lagusan na ito kaya hindi naaabot ng ingay. Ang naririnig nga lang nila ay ang sariling tunog ng mga paang naglalakad at sariling mga hininga. Kaya sa mga normal na pagkakataon na kung saan naglalakad dito si Marshall ng mag-isa ay madalas siyang may dalang mp3 player at earphones para mabingi sa malawak na katahimikan.
"The whole library is created at 1958, three years after the WWII ended. It all started with a small scale study room underground then grew up to a collection. Due to the war, hindi nakapag-aral ang lolo namin kaya nang matapos ang giyera ay agad siyang nag-aral. He bought all the books that he can afford and placed them all underground. Ang mga libro na nasa itaas na aklatan ay ang mga librong nasa kasalukuyan na panahon," hinawakan ni Marshall ang pader na nasa tabi niya. "When grandfather died, he placed the library to public donations, except the office and this unknown underground study room."
"What are these?"
Napalingon si Marshall at nakita si Ayumu na hindi lang kalayuan sa kanya. Nasa likuran ng dalaga si Nathan na sumusunod. Hinaplos ni Ayumu ang pader gamit ang malaya niyang kamay dahil sa ang isa niyang kamay ay nakaposas kasama ang isa ring kamay ni Nathan. Nang sinabi ni Ayumu na gusto niyang puntahan ang study room ay agad umangal si Marshall. Pero nagpumilit si Ayumu at sinabing wala siyang gagawing masama basta gusto lang niya makita ang diary na sinasabi nito. Naisip ni Nathan na hahayaan nilang makita ng dalaga ang gusto niyang makita sa kondisyon na magkabilang posas ang gagawin nila. Kaya nandito sila ngayon, nakaposas ang mga pulso ng magkasama. Itinaas ni Marshall ang hawak na lampara at inilapit sa lugar na hinahawakan ni Ayumu.
Mga kakaibang simbolo ang nakita ni Marshall. May parisukat, bilog, patusok, at ang iba na wala talagang natatanging hugis. Tinignan pa nila ang iba pang mga bahagi at nakakita rin ng mga simbolo; ang iba ay kapareho ng mga nakita nila samantalang ang iba ay mga bago. Hinawakan ni Marshall ang mga simbolo, nararamdaman ang mga papasok na espasyo. Inukit ang mga ito gamit ang makalumang paraan. Siyempre, alam ito ni Marshall. Sa katagal na niyang naninirahan sa lugar na ito, alam na alam niyang mga simbolo ang pader na ito.
BINABASA MO ANG
Memento Mori
Mystery / Thriller"Remember that you must die." Ayumu Yamaguchi, a graduating high school student suddenly went missing a month before the graduation day. Nathaniel Sorbian, her friend and the person whom she confessed to before Ayumu went missing, thought that s...