Chapter 3

25 3 1
                                    

Thara's POV

(Bar)

 Nandito kami sa Dressing room para maghanda at makapag practice para sa Gig namin mamaya. Nandito rin si Mikaella para mag piano~

 "Kids, Magsstart na ang Gig right away. Be ready!" Sabi ni Manager samin.

 "Okay po." Sabay naming sabi.

 "Hi everyone! Were back again. Goodevening sa lahat. Thankyou po sa pagpunta kakanta po ako ng lovesong ngayon. Sana po magustuhan nyo. Thanks~" Sabi ko sa Audience.

(Nowplaying: Statue)
 Mga ilang oras ang dumaan ng may nahagip ng mata ko papasok ng bar magbabarkada sila. Isa isa silang pumasok mga 8 ng si Jacob ang pinakahuli pumasok.
 Napatingin sya sakin pero agad nya iniwas ang tingin nya sakin. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta. Ano kayang ginagawa nya dito? First time to ah.

 Jacob's POV

 Pauwi na ako ng bahay galing sa school. Nang pagdating ko sa bahay napansin ko na parang wala pa si Thara.

 "Oh hijo, Nandyan ka na pala. Magmirenda ka muna. Sya nga pala pinabilin sakin ni Loraine na didiretso nalang raw sya sa bar pagkatapos ng schooltime nyo para di na sya matatagalan pa." Sabi ni Manang habang nilalagyan ng Juice ang baso ko.

 "Ah okay po manang." Sagot ko sa kanya.

-

 Andito ako sa kwarto ko tinawagan ko lahat ng barkada ko ang niyaya silang mag Bar sa pinagtratrabahoan ni Thara at pumayag naman ang mga mokong.

 Papasok na kami ng Bar kasama ng Tropa ko huli na ko pumasok para di halata. Habang nasa Entrance pa kami rinig na rinig ko ang boses ni Thara na kumakanta.

 Nang tuluyan na kaming makapasok tumingin agad ako sa Stage at nakita ko si Thara na nakatingin sakin gulat na gulat kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Umupo na kami sa VIP room kasama ang katropa ko.

 "Ghad pare! Ang ganda talaga ng boses ng asawa mo. Nakakainlove! Kung ako sayo di ko na pakakawalan yan." Sabi ni VJ isa sa tropa ko.

 "Ew kadiri! Tumahimik ka nga dyan. Ayokong magmahal sa isang ulila no. Pera lang habol nyan saakin dude." Sabi ko sa kanila.

 "Parang di naman si Loraine pare. Ang baet nga eh tapos masiyahin pa." Sabi naman ni Clark.

 "Tumigil nga kayo! Nakakabwesit eh." Sigaw ko sa kanila.

 Habang umiinom kami narinig ko nalang na nagpaalam na sila Thara kasi tapos na ang Gig nila.

Lumipas ang dalawang Oras nagpasyahan ko ng umuwi kasi may practice pa kami ng Game bukas.
 Pagkadating ko sa bahay nadatnan ko si Thara na kumakain sa mesa.

 "Ay jacob andito ka na pala. Kain tayo?" Yaya sakin ni Thara.

 "No thanks. Kain ka ng magisa dyan!" Sigaw ko sa kanya at tumalikod na.

 "Okay." Sagot ni Thara.

 Pagkadating ko sa kwarto naligo pagkatapos humiga agad ako sa kama at natulog na. Kapagod.

 Thara's POV

Andito ako sa Sala ngayon kumakain mag isa. Hindi pa kasi ako naghahaponan kasi busy ako kakamemorize ng lyrics kanina. Nang matapos akong kumain tumambay muna ako sa sala at nakikinig ng music. Tuesday pala bukas practice nila Jacob bukas. Umakyat agad ako sa kwarto para matulog. Dapat maaga ako magising bukas ipaghahanda ko si Jacob ng Lunch.

-

Nagising ako ng bandang 4:30 Nagmamadali akong bumangon. Magluluto ako ng Adobong Manok kasi Favorite yun ni Jacob ibibigay ko to sa kanya Lunch time sa gym.

Nang nasa kusina na ako nagluto na agad ako para di ako maabutan ni Jacob na nagluluto. Nang bandang 5:30 rin natapos akong magluto kakagising lang din ni manang.

 "Oh hija, Goodmorning. ang aga mo gumising ah?" Bungat sakin ni Nanay Rosa.

 "Ah eh. Nagluto po kasi ako ng Adobong manok para kay jacob mamayang Lunch." Sagot ko kay Manang habang nilalagay sa lalagyan ang adobong manok.

 "Ah okay. Ang sweet mo naman anak. Gumising ka pa talaga ng maaga kahit pagod na pagod ka kagabie." Sabi ni Manang ng nakangiti. Buti pa si manang naapreciate ang efforts ko. Si jacob hindi T.T

 "Hehe thankyou Nanay rosa. Oo nga po eh hehehe akyat na po ako manang maghahanda lang po ako." Paalam ko kay manang.

 "Okay hija. Mag ingat ka sa pag akyat sa hagdan."

 "Opo nanay rosa."

 Pagpasok ko sa kwarto ko naligo na agad ako nagbihis, sipelyo, blower atlast nagsapatos pagkatapos bumaba na ako para pumunta ng school tapos na rin kasi ako nag almusal. Kinuha ko sa kusina ang Paper bag na pinaglagyan ko ng lunchbox.

 "Nanay rosa, Pasok na po ako sa school. Uuwi po ako dito mamaya. Bye po ingat po" Paalam ko kay manang.

 "Okay hija. ingat ka sa daan ah? bye hija" Tanging sagot ni Nanay.

 Nang makalabas na ako sa Village namin nakita ko si Bryan na parang may hinihintay.

 "Hoy! Anong ginagawa mo dito sa tapat ng village namin?"

 "Dinaanan ka kasi alam ko maglalakad ka nanaman. Bat ba kasi hindi ka hinahatid ng asawa mo?!" Sabi nya sakin sabay pasok sa kotse nya. Pumasok nalang ako at nginitian sya bilang sagot sa sermon nya.

 "Goodmorning student chuchuchu" naglesson lang si Sir gab namin pero kami lahat lutang na lutang ang antok. Tumingin ako sa upuan ni Jacob wala sya dun pati tropa nya atsaka si Bryan rin. Varsity kasi sila ng Basketball dito sa school. Habang itong si Mikaella atsaka si Chanz natutulog. Nakinig lang ako hanggang sa matapos ang morning subject namin.

 "You may now take your lunch. Happy lunch students." Paalam ng Math teacher namin.

"Hooy chanz, mika! Gising na kayo free time na. Hooy gising na lunch na hoy!" Yugyog ko sakanilang dalawa. Tulog mantika talaga tong mga 'to.

"U-eh-o-ugh! Okay wait." Unat ni Chanz tapos si mikaella nagliligpit na ng notebook nya.

"Tara samahan nyo ko sa Gym. Ihahatid ko 'tong Lunchbox kay Jacob." Sabay pakita sa kanila ang paper bag na hawak hawak ko.

"Okay. Lagot ka nanaman kay Bryan. Sabi nya sayo na tigilan mo na ang pagdala mo ng Lunch sa kanya di naman sya tatanggapin eh." Sabi ni Mikaella

"Ah bahala na. Ako ng bahala. Samahan nyo na ako. Please?" Puppy eyes ko sakanila.

"Okay." Yes!





Happy and Enjoy reading~ Thankyouuuu :) more update next time. Godbless :*
AsawaNiGDYB

My husband is a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon