Chapter 1

51 7 2
                                        

Thara's POV

Hello po, Im Thara Loraine Flin-Chavez, 17 years old, 4th year student na po kami ni Jacob classmate kami pero di nya ako pinapansin. Wala na po akong mga magulang 3 years ago namatay po sila dahil sa Car Accident dahil sa lakas ng ulan. Mag isa nalang po ako lahat ng kamag anak ko nasa ibang bansa na lahat naiwan po ako dito para sa asawa ko, pag aaral ko at sa trabaho ko. Ako ay isang Singer sa Metro Bar Station mga Lovesong po yung kinakanta ko :) Asawa ko po ay si Jacob Dean Chavez. 2 years na kaming kasal Asawa ko lang po sya sa Papel family friend kasi namin yung mga magulang nya.

Andito ako sa kwarto ko naghahanda kasi pupunta na ko sa bar mayamaya para sa Gig ko.
Paglabas ko ng kwarto bumukas din ang Kwarto ni Jacob at lumabas. Tapat lang kasi ang kwarto namin. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko sya sa Sala na nanonood ng TV.

"Nanay Rosa, Lakad na po ako. Wag nyo nalang po akong hintayin baka gabihin na rin po kasi ako ngayon kasi Saturday. Jacob, Punta na ko." Paalam ko kay Manang at sakanya. As if he cares naman.

"Ok" Sabi ni Jacob. SANAY NA PO AKO SA GANYANG REPLY NYA.

"Okay hija, Ingat ka. Wag masyadong magpagabi. Goodluck anak." Sabi ni Nanay rosa habang naglilinis ng plato.

"Opo, Salamat po Manang."

*

Andito na ako sa Bar ngayon kasama si Bryan Nolasco yung Drummer namin. Hinihintay namin si Chanz Elorde dito sa backstage, Sya kasi yung Guitarist namin Bestfriend ko silang dalawa sila lang nakakaalam ng sekreto ko.

"Yo wazzap! Sorry late ako." Dumating na rin sya sawakas!

"Okay lang, Kararating lang rin namin ni Bryan."

"Okay na ba kayong tatlo? We're going to start in 5 minutes."

"Okay po manager" Sabay naming tatlo.

*
"Goodevening ladies and gentlemen. Hi my name is Loraine Im the singer, and this is Bryan our Drummer, and this is Chanz our Guitarist. Sa marunong sa kanta sabayan nyo nalang po ako. Have a nice day guys! Hope you'll like it, Thanks." Nagpalakpakan lang yung crowd.

Tumingin ako kay Chanz at ngumiti. Nagstrum na si Chanz, naghanda na rin ako.

NowPlaying : MYMP song.
After 3 hours natapos rin.
"Thankyou for coming! Monday evening again thankyou po. Ingat po kayo sa pag uwi. Godbless!" Sabi ko sa nakikinig.

"Hahayz natapos rin. Ang sakit na ng kamay ko kakahampas sa drum. Kain muna tayo. My treat."

Andito kami sa Coffee shop kumakain ng cheesecake atsaka cookies and cream ice cream.

"Uwi na tayo? Gabi narin kasi masyado." Sabi ko.

"Okay, Hatid ka na namin bago ko ihatid si Chanz." Sumakay na ako sa kotse ni Bryan at pauwi na rin kami.

"Loraine, Andito na tayo." Sabi sakin ni Chanz. Nakatulog pala ako sa likod.

"Ah-uh. Thankyou! Ingat kayo ah? Kita nalang tayo sa school sa monday. Babye! Ingat ulit atsaka thankyou!" Sigaw ko sa kanila bago ako pumasok sa gate.

Pagpasok ko sa bahay, madilim na tulog na ata si Nanay rosa atsaka si jacob. Pagpasok ko sa kwarto ko, hinubad ko na agad ang jacket ko atsaka sapatos sumalampak agad ako sa kama. Sobrang pagod ko sa araw na to.

*

Jacob's POV

Hi I'm Jacob Dean Chavez, 19 years old. Classmate at asawa ko si Thara 2 year na kaming mag asawa. May isa akong kuya at isang ate ako yung bunso.

Andito ako sa Sala ngayon nanonood ng TV. Hindi rin naman ako nanonood bumaba lang ako para malaman ko ano oras aalis si Thara (Thara po tawag ko sa kanya) Nang may narinig akong footstep pababa sa hagdan.

"Nanay Rosa, Lakad na po ako. Wag nyo nalang po akong hintayin baka gabihin na rin po kasi ako ngayon kasi Saturday. Jacob, Punta na ko." Paalam ni Thara

"Ok" Sagot ko sa kanya ng nakatingin sa TV. Tipid kasi ako sumagot sa kanya.

"Okay hija, Ingat ka. Wag masyadong magpagabi. Goodluck anak." Sabi ni Manang

"Opo, Salamat po manang." At umalis na sya.

After 30 minutez nilock ko na ang pinto at umakyat na ako. Nandito ako sa kwarto nanonood ng movie sa HBO.

*

After 3 hours.
Nakatulog pala ako. Tumingin ako sa clock ko sa gilid ng kama ko 11:27 na. Lumabas ako ng kwarto para bumaba at kumuha ng tubig. Paglabas ko sa kusina tumingin ako sa Pinto. Di pa sya nakauwi?

Umakyat ako ulit at humiga sa kama ko. Mga ilang minuto may narinig akong pagsarado ng pinto tumingin ako sa clock ko 01:07 na ngayon pa lang sya nakauwi?

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta ako sa kwarto nya, Pagbukas ko ng pinto nakita ko sya'ng nakasalampak sa kama nya habang yung paa nya nakalugay sa baba ng kama. Lumapit ako sa kanya at inayos sya sa pag higa at kinumutan sya, inoff ko na ang ilaw at lumabas bumalik ako sa kwarto at humiga.
Sinabi ni mama't papa sa kanya na tumigil na sya sa pagkanta sa Bar na yun ayaw pa rin nya kasi yun daw kasi ang paglibangan nya ng oras.

*
Umaga na, Bumangon na ako sa kama at pumunta sa Cr para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ko bumaba na ako at nakita ko Thara na nakaupo sa mesa na may nakalatag na 2 plato. Kanina pa sguro nya ko hinihintay.

"Oh jacob, Andyan ka na pala. Maaga umalis si Nanay rosa umuwi raw muna sya sa kanila total day off nya man daw. Kain kana, Pinagluto kita." Masayang sabi ni Thara

Umupo nalang ako at kinuha ko yung kanin pero tinabig nya lang yung kamay ko.

"Ako na." Sabi nya

"Wag na! Di naman ako baldado. Don't act as if you care." Sabi ko sa kanya. Bwesit bat ba ang caring nito'ng babae to? Nakakabwesit! Mag asawa lang naman kami sa papel!

"Ah-eh sorry." Sabi nya na nauutal.

Nagsimula na kaming kumain, tahimik lg kaming kumain. Tiningnan ko sya nakatingin sya sakin nginitian nya lang ako pero bakas sa mata nya ang lungkot at nasasaktan sya.

"Ayoko na! Di naman masarap eh. Tapon mo tong pagkain pagkatapos!" Sabi ko sa kanya ng pasigaw. Masarap naman sya kaso ayokong maging mabait sa kanya baka mahulog sya sakin. Masasaktan ko lang sya.

"Okay, Lagay mo nalang yung pinggan dun ako nalang maghuhugas. May pupuntahan lang ako saglit pagkatapos nito ibibigay ko sa mga batang kalye ang ulam para di sayang." Sabi nya sabay ngiti sakin. Alam ko naman na nasasaktan sya di nya lang sasabihin sakin.

Umakyat na ako sa kwarto ko iniwan ko sya dun kumakain mag isa. Hindi ko naman gusto pagsalitaan sya ng ganon eh takot lang talaga ako.

Naligo nalang ako pagkatapos nanood ng Funny videos. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa may narinig akong kumatok ng pinto.

"ANO?!" - Sigaw ko

"Alis na ako. Balik lang ako agad." Sabi nya habang nasa labas ng pinto.

"Edi umalis ka! Wala akong pakialam. Kung pwede wag ka ng bumalik." Sigaw ko sa kanya habang nakatayo sa pinto.

"Ok" Sabi nya. Nasaktan ko nanaman sya. Pero okay lang. Mayamaya narinig ko nalang ang pagbukas nya ng gate palabas.





Thankyou for reading this chapter. Enjoy reading and xoxo~

AsawaNiGDYB

My husband is a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon