Thara's POV
Habang andito ako sa Kotse nakikinig lang ako ng Music sa iPod ko para paglibangan ko ng oras ng wala pa ko sa Bar.
Sakto namang tapos ang kantang pinapakinggan ko nakarating na kami ni Manong sa Bar."Mam andito na po tayo." Sabi ni Manong sabay park nya sa tapat ng Entrance ng bar.
"Maraming salamat po manong. Atsaka pala manong, Wag nyo nalang po akong sunduin mamaya baka ihahatid kami ni Bryan pauwi. May dala po kasi sya'ng kotse. Wag 'nyo nalang po akong hintayin makauwi dala ko naman po ang susi. Salamat po manong ingat po kayo pauwi."
"Oh sige hija, Mag iingat ka ah. Fighting anak!" Sabay sabi ni Manong sakin. Anak kasi tawag nila sakin kasi parang anak naraw nila ako.
Pagpasok ko sa Bar dumiretso na agad ako sa Likod para makapag ayos kami ng Bandmates ko.
*
Jacob's POV
Hindi ako umuwi agad pagkatapos ng pasok namin kasi may practice pa kami sa Basketball. Habang papunta ako sa BBallRoom namin nakita ko si Thara kasama ang mga barkada nya at parang nagmamadali sya sa pag uwi kasi hinahabol na sya ng mga kabarkada nya. Hindi ko nalang sya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa Room namin.
*
Nang matapos na kaming mag practice tinext ko agad si Manong para masundo na nya ko dito sa School kasi hindi raw muna kami matutuloy ni Mommy magkita ngayon kasi may urgent meeting daw sila.
Naghintay ako ng 10 minutes sa labas ng Gate bago maka rating si Manong.
"Sorry hijo, Trapik kasi sa may Edsa dun kasi ako dumaan kasi hinatid ko pa si Thara." Paumanhin sakin ni manong pagpasok ko sa Kotse.
"Okay lang manong, di naman ako naghintay ng matagal. Uwi nalang po tayo manong pagod po kasi ako." Sabi ko sa kanya sabay lean ng ulo ko sa bintana.
*
Nang makadating kami ni Manong sa bahay umakyat muna ako para makapagpalit ay ilagay ang mga gamit ko pagkatapos bumaba na 'ko para sabayan sila manang at manong kumain ng hapunan.
"Anak upo ka kain na tayo" Bati sakin ni Manong
"Opo, maraming salamat po." Sagot ko sa kanya at umupo.
"Nga pala hijo, Dadating sila Madam at Sir next week ng Wednesday tumawag sya sakin kanina at sabi nya di raw kayo natuloy magmeet ngayon kasi may urgent meeting sya kanina kaya nextweek nalang ang uwi niya dito." Out of the blue na sabi ni Manang sakin habang kumakain kami.
"Huh? Bakit naman po daw manang?" Tanong ko sakanya.
"Kakamustahin sguro kayo ni Thara gusto nya raw kasi nya makita si Loraine."
"Ah Okay manang. Ano po oras umalis si Thara ng bahay manang?"
"Mga 5:30 Anak, di na raw sya magpapasundo kasi baka ihahatid raw sila ni Bryan dito. Wednesday kasi ngayon maraming tao ngayon sa Bar. Lagay nyo nalang sa Lababo ang mga pinggan ako na maghuhugas." Sagot ni manang sa tanong ko habang nag aayos ng pinagkainan nya.
"Akyat na po ako sa taas pagkatapos nito manang, pagod po kasi ako sa practice atsaka maaga pa po ang pasok ko bukas." Umakyat na ako agad sa kwarto para maka ligo at makapagpalit para matulog na.
*
Nagising ako ng Bandang 11:30 P.M ng marinig ko ang pagbukas ng Gate sa labas. Tiningnan ko sa Sliding Glass Windor ko at nakita ko si Thara na ang Tamlay at parang namumutla. Bumalik agad ako sa loob ng kwarto at agad lumabas para salubungin si Thara.
*
Thara's POV
Pauwi na kami kasama sila Bryan tahimik lang ako dito sa gilid habang nakikinig sa kanila na nag uusap. Katabi ko si Bryan na nagDdrive ngayon.
"Loraine, Are you okay? Ba't parang tahimik ka? Kanina kapa tahimik at tamlay ah." Alalang tanong ni Bryan.
"Oo nga, Kanina ko pa nga na papansin sa bar eh. Are you okay Loraine?" Singit naman ni Chanz.
"Bessy okay ka lang? Ano masakit sayo? Ang putla putla mo." Tanong ni Bessy sakin.
"Oo, okay lang ako. Wag kayong mag alala. Masakit lang ulo ko at parang nahihilo ako. Hindi kasi ako natulog ng maayos kagabi may ginawa ako. Pero okay naman ako. Iinom lang ako ng med pag uwi ko." Sagot ko sa tanong nila.
"Are you sure you're okay?" Alalang tanong ni Bryan.
"Yes, I am really sure. Pikit muna ako saglit ah? Gisingin nyo nalang pag nasa bahay na tayo." Sabi ko sa kanila sabay lean ng ulo ko sa Headrest ng Kotse.
"Okay." Sagot ni Bryan.
*
"Loraine, Gising na andito na tayo sa tapat ng bahay nyo." Yug yug ni Chanz sakin.
"Ah eh. Ay salamat naman! Sige chanz, bessy atsaka bryan. Una na ko ha? Salamat sa paghatid bryan. Goodnight in advance hehehe Ingat kayo~ Tatawag nalang ako sainyo bukas ng umaga." Paalam ko sa kanila sabay baba ng sasakyan ni Bryan.
Nakita kong binuksan ni Bryan ang Bintana ng Passenger Seat at nakita kong nakadungaw silang tatlo.
"Bessy babye! Goodnight rin!" Sigaw ni Bessy.
"Tulog ka na agad Loraine ah? Text mo nalang kami bukas. Goodnight rin." Sabi ni Chanz ng naka-kaway.
"Pag pasok mo sa loob, take a medicine and drink a lot of water, okay? Call us if something wrong happen. Goodnight sleepwell." Sabi ni Bryan sakin habang yung kanang kamay nya nakapatong sa Manibela ng Sasakyan.
"I will, Got to go~ Ingat kayo pauwi." Kaway ko sa kanila habang pinaandar na ni Bryan ang sasakyan at umalis.
Pagbukas ko ng Gate naramdaman kong sumakit nanaman ang ulo. Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay kasi medyo blur na yong mata ko.
"San ka galing?" Cold na tanong ni Jacob sakin.
"Ay anak ka ng tipaklong! Nakakagulat ka naman!" Sigaw ko sa kanya habang nakahawak sa ulo ko ang kanang kamay ko.
"San ka galing?" Tanong nya ulit sakin.
Sumakit bigla ulo ko parang anytime babagsak na talaga ako sa sobrang sakit. Kaya pinilit ko nalang na wag ipahalata kahit pinagpawisan na ko.
"Sa bar, Galing akong gig." Sabi ko sa kanya habang palakad papuntang hagdan. Paakyat na sana ako ng hindi ko na talaga nakayanan sakit na talaga ng ulo ko.
"Thara!!!!!!"
Narinig ko nalang na sumigaw si Jacob and Everything went black.(Ito lang muna guys~)
BINABASA MO ANG
My husband is a Badboy
Teen FictionThis story is all about the two teenagers na inarrange marriage ng kanilang mga magulang sa edad na 16 at 17. Plinanuhan ito ng kanilang mga magulang mula nong mga sanggol na sila. Hindi sila inarrange marriage dahil sa business. Inarrage marriage s...